{ Chapter Twenty-Six }

6.4K 215 48
                                    

Votes and comments, please? Enjoy reading! Sorry for the typos.


       
---

Chapter Twenty-Six

Madali Ba?

 

"Ayokong magmura sa harap mo, Shanget, pero pucha! Ganoon ba katarantado si Mikko para ipagpalit ka kay Koleene?" namumulang sigaw ni kuya Shin habang ako naman ay nakatunganga lang at pinapanood 'yung mga caterers na nagpi-prepare para sa birthday party ni kuya. Na-shock nga siya noong madatnan niya kaming nag-uusap ni mama tungkol doon sa mikrobyong nagpaiyak sa akin. Umiiyak ako noong ikinukwento ko 'yung pangyayari kay mama. Tapos nalaman din ni kuya 'yung nangyari at hanggang ngayon, hindi pa rin humuhupa 'yung galit niya kay Mikko. Ang overacting ni kuya. Parang siya 'yung ni-break ni Mikko kung makaarte.

"Hayaan mo na lang, kuya. Nakapag-move on na kaya ako," sabi ko naman habang nakatingin pa rin sa malayo.

"Gusto mong kutusan ko 'yang ulo mo?" mataray niyang tanong na ikinasimangot ko. "Move on ka diyan. Wag ka nga, Shanget. Nagluluksa ka pa rin eh."

"Bakit naman ako magluluksa? May namatay bang kamag-anak?" pamimilosopo ko.

"Wala. Pero kapag nakita ko 'yang Mikko Altamira na 'yan, baka mapatay ko siya," sabi niya tapos namula na naman 'yung mukha. Ganyan si kuya eh. Kapag nahihiya o kaya'y nagagalit, namumula nang sobra 'yung mukha. Ang bading. Pero kapag si the-one-who-must-stay-nameless ang namumula, ang cute-cute. Naku! Akala ko ba move on na, Sha? Eh bakit napasok na naman sa usapan 'yang manlolokong 'yan?

"Hay naku, kuya. Puro ko naman salita diyan eh," sabi ko at saka nahiga na lang sa sofa. Hindi pa rin ako pumapasok hanggang ngayon. Niti-text na nga ako nina Yuki tsaka tinatawagan pa, pero sadyang hindi ko pa kaya. Alam kong marami na akong na-miss na lessons at mahihirapan akong maka-cope up. Pero alam ko rin namang ready ang mga kaibigan kong tumulong, hindi lang sa pag-catch up ng lessons na na-miss ko, kundi pati sa pinagdaraanan ko ngayon.

"Hindi man halata, pero seryoso ako, Aiesha Marie," seryoso niyang sabi. Naupo siya sa tabi ko tapos inakbayan ako. Yumakap naman ako sa bewang niya tapos isiniksik ang sarili ko sa kanya. Ang swerte ko talaga't naging kuya ko 'tong Shin na 'to. "Ikaw kaya 'yung pinaka the best kong kapatid kaya hindi ko gustong umiiyak at nasasaktan ka."

"Ang exagge, kuya. Pinaka na nga, the best pa. Tapos ako lang naman ang kapatid mo ah," natatawa kong sabi. Kaya ko nang tumawa ngayon tsaka ngumiti, though mukha siyang sarcastic. Tsaka ang pangit-pangit ko ngayon. Parang kinagat ng isang libong ipis 'yung mata ko tsaka para akong si Rudolf the red-nosed reindeer. Tapos 'yung buhok ko, hindi na maganda ang texture. Hindi na kasi ako nakakapagsuklay nang madalas. Tsaka ang bilog ko na naman. Kain-iyak-tulog lang kasi 'yung routine ko eh. Hindi na ako nakakapaglakad-lakad tsaka exercise. Pero ewan ko ba, sinasabi nina mama na pumayat daw ako, eh feeling ko naman, ang taba-taba ko na. "Pero thanks, kuya. The best ka rin eh. Kuya, paano kung makipagbalikan si...ano...siya sa akin?"

"Pucha! Kakasabi lang na mapapatay ko siya kapag nakita ko, di ba?" tanong niya, pagalit.

"Paano kung lang naman," sabi ko tsaka muling isiniksik ang sarili ko sa kanya. "Hindi naman na mangyayari 'yun eh. Sila na ni Koleene, di ba? Tsaka sa tingin ko, masaya sila dahil kapiling na nila ang isa't isa."

"Tss. Alam mo, Shanget, hindi ganoon kadaling ibalik ang tiwalang nasira na," sabi niya. "Alam mo naman na ibinigay ko ang buong tiwala ko kay Mikko na aalagaan ka niya. Tapos sinira niya 'yun bigla nang dahil sa pag-aalinlangan niya."

Pout For Romance (On-Going)Onde histórias criam vida. Descubra agora