{ Chapter Forty }

1.9K 94 10
                                    

Chapter Forty

     
      
For Real

    

    
Sobrang nabagabag ako sa nangyari no'ng isang araw. No'n ko lang nakita nang gano'n si mama. Mahaba naman kasi ang pasensya niya at kapag nagagalit siya ay tahimik lang na nagpapababa ng galit. Pero no'ng sinampal niya si Doña Eleanor, bago talaga 'yon at nakakapangilabot. At nakapagtataka rin. Anong nangyari? Bakit parang galit na galit ang donya kay mama? At bakit kilala ni sir Marco ang nanay ko? Nalilito na talaga ako.

    
"Sha, okay ka lang ba talaga?" Tanong sa akin ng katabi kong si Eira. Wala kaming klase ngayong oras dahil nagkaroon ng urgent meeting, na naman, ang faculty staff. Para siguro sa preparation ng mga sasali sa quiz bee sa Sabado, next, next week.

    
"Huh? Ba't naman ako hindi magiging okay?" Tanong ko pabalik at bahagya pang tumawa para mabawasan 'yong lungkot at pagkabagabag na nararamdaman ko. Sumulyap ako sa likuran at tinignan 'yong pwestong kinauupuan ni Mikko. Nakayuko siya. Natutulog na naman yata. Hindi na kami masyadong nag-uusap simula no'n. At madalang na rin siyang mag-text o kaya'y tumawag. Nakaka-miss din naman 'yong presensya niya kahit papa'no.

    
Tumangu-tango si Eira pero halata namang hindi siya kumbinsido sa aking naging pahayag. "Nga pala, b-ba't hindi na kayo masyadong n-nag-uusap ni ano..," tapos niya inginuso 'yong kinaroroonan ni Mikko. Lumingon ako nang bahagya sa pwestong 'yon bago magpakawala ng isang malalim na buntung-hininga.

    
"H-Hindi ko rin alam eh," nanghihina kong sabi. Baka sinabihan siya ng lola niya na wag akong kausapin. Galit na galit 'yon eh. Siguradong takot lang siya sa maaaring gawin ng kanyang lola.

   
"N-Nakita ko 'yong nangyari n-no'ng n-nakaraan. Hindi ko sinasadya," nauutal na sabi ni Eira kung kaya't agad akong napalingon sa kanya. "M-Magkakilala ang m-mama mo at si D-Doña E-Eleanor?"

    
"S-Siguro," ani ko tsaka nagkibit-balikat. Natatakot akong tanungin si mama tungkol do'n. Mukha kasing sobrang seryoso no'ng nangyari sa kanila no'ng lola ni Mikko.

    
Tumawa si Eira, na para bang binabawasan ang tensyon. May mangilan-ngilan kasing nakakita no'ng pangyayari na 'yon, at sa tuwing tinatanong nila ako, kibit-balikat lamang ang naisasagot ko. "Sa Sabado, free ka ba? Gala tayo. Isama natin sina Jill at Yuki. Pati 'yong boys, kung gusto nila."

    
"Tignan ko," sabi ko naman bago ngumiti nang matipid. "Ano bang meron sa Sabado? Hindi mo naman birthday ah."

    
"Wala lang. Gusto ko lang kayong maka-bonding," nakangiti niyang sabi. "Tsaka gusto ko sanang i-try 'yong bagong kainan do'n sa mall. Masarap daw 'yong food do'n eh. Tsaka maganda 'yong ambience."

   
"Gano'n ba? Sige, susubukan ko. Hindi kasi ako sure kung may lakad sina mama at kuya tapos iwan sa 'kin 'yong kambal," sabi ko.

    
"Okay lang naman kung isasama mo sila, eh. Mas maganda kapag marami," sabi naman niya. "Libre ko naman 'yong food."

    
Napataas ang kilay ko at saka bahagyang ngumisi. "Ay, anong meron?"

     
Pumula 'yong mga pisngi niya at saka ngumiti. Para pa ngang nagsa-shine 'yong mga mata niya, eh. "Ah, eh, basta! Secret na lang muna." Tumango ako habang nakangiti.

   
"EIRAAA! OH MY GOSH! WALANGHIYA KANG BATA KA!" Nagulat ako sa biglang pagpasok at pagsigaw ni Jill do'n sa aming classroom. Agad niyang hinila patayo si Eira at niyakap nang mahigpit. "Kaloka ka! Kailan mo balak sabihin sa 'ming pasado ka pala do'n sa entrance exam ng isang prestigious university, na ni-take mo? Hah? Hah?! Kailangan mo kaming ilibre!"

Pout For Romance (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon