1

1.8K 57 29
                                    

Please correct my grammatical errors if I'm wrong. Mas ayos po yun sa'kin!

|| EXPLICIT MATURE CONTENT!! ||
|| WARNING ⚠ R 🔞 ||

_________

"TIya, kelan po ang uwi ni Señorito?" tanong ko habang pinanonood ko itong naghi-hiwa ng mga rekado para sa lulutuing tanghalian.

Ayaw n'ya akong patulungin dahil may pagka tanga pa naman daw ako pag-dating sa mga hiwa-hiwa naya kaya naman napanguso nalang ako ng sabihin n'ya iyon.

Nami-miss kona agad si Señorito wala kasi akong kadaldalan 'pag wala s'ya, tapos wala pang naglalambing saakin.

"Nako, ikaw talagang bata ka. Kapag nalaman ng donya Asuncion 'yang relasyon ninyong dalawa, tiyak ako na malalagot kayo, lalo kana. Bakit naman kasi sa dinami-daming lalaki ay si Señorito pa ang natipuhan mo, Lean." aniya nito saakin.

Totoo yun malalagot talaga kami pero mas lalo ako dahil galit naman saakin palagi si Donya Asungot. Ewan koba pero napaka protective ng Donya kay Hugo kahit malaki naman na si Señorito.

"Tiya, nagta-tanong lang naman ako kung kailan ang uwi ni Hugo tapos isisingit mo na naman 'yang Donya Asungot nayan"

napaka-sungit ng Ina ni Señorito saakin kaya lagi akong nasa kwarto lang ni tiya kapag napas'yal sila dito sa hacienda. Ayaw na ayaw n'yang nakikita ang aking mukha at hindi ko naman alam kung anong dahilan nito. Nakakababa man pakinggan ang mga salitaan n'ya paminsan-minsan ay wala parin akong karapatan para bastusin s'ya lalo na't mas mababa ako kumpara sa Donya at higit sa lahat ay mas matanda s'ya kumpara saakin.

"Hay nako! Ikaw talagang bata ka kahit kailan napaka pasaway mo kapag ikaw ay narinig-rinig riyan ni Melva aba'y sigurado akong makakaabot iyang mga salitaan mo kay Donya Asunsion " saway nito sa'kin habang abala parin ito sa paghi-hiwa ng mga rekado para sa gulayin.

"Nako! Tiya, kahit naman malaman yun ni Donya Asungot alam ko namang pagtatakpan mo ako dahil lab na lab mo'ko. " kinikilig na sabi ko dito sabay yakap sa kanya kaya naman huimarap ito saakin at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Alam mo naman Lean na ikaw nalang ang meron ako, kaya kahit anong mangyari ako parin ang sasalo ng mga kakulitan mo pero tandaan mo na hindi sa lahat ng oras ay palagi akong nasa tabi mo." saka ako nito kinurot na kinatawa naming dalawa pero niyakap ko sya.

" Nako! Tiya, bini-baby mo parin talaga ako. Pangako Tiya na aalagaan kita." si Tiya lang kasi ang meron ako simula ng mawala ang mga magulang ko. Siya na ang tumayo bilang mama at papa para saakin.

"Aba! pag sa'kin nag rereklamo ka pero pag si Señorito Hugo ay kinikilig ka. Saka wag monga akong dramahan, Lean. Baka maiiyak na naman ako nito." sabay sundot nito saaking tagiliran na kina-tawa ko.

"Tiya, naman ihh mag kaiba kasi yun syempre nobyo ko yun ihh saka iba yung kilig na nararamdaman ko kay Señorito saka sa kilig mula sainyo." natatawang aniya ko.

"At sino namang lalaki ang nag kamaling pumatol sa kagaya mo na tanga at walang pinag-aralan? " napaharap ako kung kanino galing iyon at nakita ko si Melva na may mataray na awrang nakatitig saakin

"ehh, paki mobang Marites ka. hmmp! makaalis nanga amoy pepeng mabantot na kasi may bida bida. " sabay irap ko dito at naglakad na papuntang kwarto namin ni tiya.


HIndi ako nakapag paalam kay Lean tungkol sa pagluwas ko sa Manila kaya naman kanina pako uwing-uwi dahil for sure hinahanap na naman ako ng reyna ko.

"Tawagan mo nalang kasi, Pre. Mindset ba mindset. " suhest'yon sakin ng kaibigan kong si Felip na bakla-baklain kaya naman kinuha ko ang cellphone ko.

Señorito 1: Hugo Montenegro   (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now