12

610 10 0
                                    

Please correct my grammatical errors if I'm wrong. Mas ayos po yun sa'kin!

_______

Meron sa'king tinurok si Mama na makaka-tulong upang bumalik ang memorya ko base sa mga nalimutan kong pang-yayari. Unti-unti akong nakaramdam ng antok hanggang sa maipikit ko ang aking mata habang hawak ni Hugo ang aking kamay.

FLASHBACK

Simpleng buhay lang ang meron kami noon iisang anak ako habang ang Ina ko ay nag bebenta ng mga isda sa palengke at ang Tatay ko naman ay mangingisda.

Highschool palang ay huminto ako sa pag-aaral dahil sa hirap ng buhay at sinabayan pa iyon ng pagkakaroon ng sakit ng aking Tatay kaya mas kinakailangan kong humanap ng trabaho para makatulong saaming mag-anak.

Punasok ako bilang tindera sa grocery ngunit hindi iyon sapat para sa mga gamot ni Tatay kaya pinasok kona rin ang pagiging labandera habang patuloy si Nanay sa pag-bebenta ng mga isda sa palengke.

Nang tumungtong ako sa edad na 18 years old namatay ang mga magulang ko dahil sa bungguan ng Jeep na naganap sa lugar namin at sakay non ang aking mga magulang. Kinakailangan kasi ni Tatay na pumunta ng ospital dahil masyadong malala na ang sakit nitong PROSTATE CANCER ngunit sa kasamaang palad ay napaaga ang magkawala nila saakin.

Nang mawala sila ay kay Tiya Sonya ako humingi ng tulong ngunit hindi nya rin ako mapapatira sa bahay nya lalo't wala akong kasama kaya mas minabuti ni Tiya na ipasok ako sa trabaho nya sa isang hacienda ang HACIENDA MONTEMAYOR kung saan ay naging isa akong katulong ngunit karamihan ng gawain ay si Tiya ang nagawa kaya nauwi ako sa pag-aalaga ng mga halaman sa bakuran ng mansion.

Habang nag-didilig ako ng tinawag ako ni Tiya dahil dumating ang may-ari ng Hacienda. Akala ko talaga matanda ang may-ari ng Hacienda dahil puro antique ang gamit pati narin ang kulay ng buhay ay wala masyadong sigla pwera nalang sa bakuran na puno ng mga makukulay na bulaklak at iba't-ibang mga halaman ang nakapaligid doon.

Madalian kong tinapos ang pag-didilig ng mga halaman at pumasok ako sa loob ng mansion ng Hacienda. Kita ko kung gaano kasigla si Tiya at ang dalaqang kutulong na paminsan lang bumisita rito. Lumapit ako kay Tiya at timabi sakanya at kuta ko naman ang paglingon saakin ng lalaking may makisig na itsura. Gwapo sya at hindi ko alam pero nakaramdam ako ng hiya at pag-init ng pisnge.

"Senorito, pasensya napo talaga kung bitbit kopa si Lean dito. Kakamatay lang ho kasi ng magulang nya at tanging ako nalang ang kasama nya wala namana kong ibang mapapag-iwanan kaya sinama kona lang ho dito. Senorito willing naman ho kaming mag trabaho ng pamangkin ko kahit walang bayad basta't patuluyin nyo lang ho kami." wika ni Tiya sa lalaki ngunit nginitian naman nito si Tiya na kinadagdag ng kagwapuhan nya.

"It's okie, Nanay. wala naman saaking problema ang mga ganyang bagay saka malawak naman ang mansion at welcome lahat sa Hacienda ko." sinpleng wika nito pero nakaramdam agad ako ng mabilis na pag-tibok ng aking puso.

"Salamat talaga, Señorito." aniya ni Tiya na kinatango naman nito saka umalis saaming harapan at umakyat sa ikalawang palapag ng bahay.

"Tiya, ang gwapo nya." kinikilig na wika ko.

"Nako ikaw talagang bata ka. Kahit si Robwert nalang ang nobyohin mo wag lang si Señorito dahil paniguradong mayayari ka kay Donya Asunsion." wika saakin ni Tiya saka ako iniwan nito.

Magiging nobyo kita at sisiguraduhin kong ikaw ang una at huli ko.

*****

Katulad ng palaging nakagawian ko ay nagdidilig na naman ako ng mga halaman sa hardin. Hindi ko maiwasang mapasimangot dahil karamihan sa mga halaman ay natutuyot dahil marin sa init ng panahon. Naawa ako sa kanila kasi namamatay sila tapos kailangan ko na naman amg tanim ng bago para may kapalit sila at hindi maubos nag halaman sa hardin.

Señorito 1: Hugo Montenegro   (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now