2

1K 50 1
                                    

Please correct my grammatical errors if I'm wrong. Mas ayos po yun sa'kin!

|| EXPLICIT MATURE CONTENT!! ||§
|| WARNING ⚠ R 🔞 ||

________

"Bilisan nyo ang mga kilos, ikaw Lean wag kang tumunganga dyan mag-linis ka doon sa hardin samahan mo ang Tiya mo. " Utos saakin ni Manang Sena kaya agad naman akong kumilos.

Si Manang Sena ang pinaka may mataas na katungkulan dito sa hacienda ni Señorito Hugo siya ang pinag kakatiwalaan pag may mga mahahalagang kaganapan sa bahay dahil madali niyang mapasunod mga katulong.

"Tiya, anong meron? Bakit po wala si Señorito Hugo saka po bakit narito sila Manang Sena ihh wala naman pong okasyon ngayon." takang tanong ko kay Tiya habang nag tatabas ito ng mga damo kaya naman tinulungan kona rin ito.

"Ang alam ko'y susunduin ngayon ng Señorito Hugo ang kanyang mga magulang sa airport, sinundo panga nila Señorito Hexon at Felip si Señorito Hugo kanina. Hindi kana ata ginising dahil malalim ang tulog mo." ayy patay na mapapa-aga pa yata ang uwi ng Donya Asungot kasama ang asawa nito.

"Tiya, akala ko po ba'y sa lunes pa. Sabado palang naman po ah. Nako, sana nakapag-isip na si Señorito sabi ko kasi sa kanya biyernes na n'ya isipin yung problema nya ihh." matalino si Señorito at alam kong alam nya kung ano ang tamang gagawin nya sa mga ganong sitwasyon. Kung anong magiging desisyon ay susuportahan kona lang sya.

"Hay nako, Lean. Mag-tabas kana nga lang ng mga damo at mag dikig ng halaman at paniguradong pag naabutan ka ni Donya Asunsion tiyak na ikaw na naman pag bubuntunan ng pagod non." wika saakin ni Tiya kaya naman sinunod kona lang sya.

"Nako! Tiya, feeling ko nga inggit sakin yun ihh ako nalang lagi ang nakikita sa tuwing u-uwi sya dito sa hacienda ni Señorito Hugo. Siguro kasi kahit boba ako ehh maganda naman kesa naman s'ya kesyo matalino raw pero matapobre naman." saad ko saka nag patuloy sa pag tatabas.

Hindi naman kasi totally na boba ako. Oo wala akong sapat na pina-aralan pero kahit papaano ay kaya ko naman umintindi sadyang si Donya Asuncion lang ang mahirap umanawain. Unang kita palang naming dalawa ay ib ana talaga ang awra nya saakin yung para bang may-inis at timpi sya na diko malaman. Mabait naman sya pakiramdam ko sadyang may tinatago lang sya na hindi ko mabasa sa kilos nya.

Napa-iling nalang si Tiya "ohh, kaunti nalang yang tatabasan mo. Ikaw na ang bahala at ako naman ay mag luluto. Si Melva kasi ay namitas na naman ng mga Prutas at gulay kailangan puno ang ref ni Señorito ng hindi tayo masigawan ni Donya."

"Sige po, Tiya." sagot ko kaya iniwan naman ako ni tiya sa hardin.

"Paano nalanag kung tanggapin ni Señorito ang alok ng nanay n'ya edi hindi kona sya laging makikita tapos malamang magiging busy yun dun hayss ang hirap naman kasi ng lovelife ko ihh pero ayos lang. Su-support ko si Señorito kung ano ang desisyon n'ya saka may tiwala naman ako kay Señorito." kausap ko sa sarili ko.

Minsan may part sa isip ko na nag-sasabi na mas tamang hiwalayan kona si Señorito Hugo pero may part naman sa puso ko nararamdaman kong tama lang na ipagpatuloy ang gantong relasyon namin.

Siguro naman tama lang na lumaban ako para sa relasyon namin kagaya ng paglaban n'ya, saka ramdam ko naman na mahal ako ni Señorito Hugo sadyang hindi nya lang ako pwedeng ipakilala sa lahat lalo na't may reputasyon s'yang iniingatan at saka masyadong nakakatakot din daw kasi kapag si Donya Asungot na ang kumilos para pag-hiwalayin kami kaya mas minamabuti nalang talaga ni Señorito na sundin ito.

"Lean! Pssst! " may mahina akong narinig na tumawag sa pangalan ko kaya hinanap ko kung kanino galing iyon hanggang sa nakita ko si Señorito Phoenix na prenteng nakasandal sa pader malapit sa gate kaya nilapitan ko ito.

Señorito 1: Hugo Montenegro   (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now