3

776 35 8
                                    

Please correct my grammatical errors if I'm wrong. Mas ayos po yun sa'kin!
___

PAgkaraan isang linggo ay nagpaalam sa'kin si Señorito Hugo na aalis muna s'ya papuntang Manila, sabi rin nito ay saglit lang din s'ya dun at hindi aabutin ng isang araw kaya hanggat maari raw ay dun lang ako sa kwarto n'ya dahil din adyan si donya Asungot pero mas pinili kong dito nalang sa kwaryo namin ni Tiya para siguradong mas komportable ako.

"D'yan kalang, Lean. Huwag ka munang lumabas at mukhang mainit ang ulo ni Donya Asunsion mas mabuting hindi ka muna roon makita dahil paniguradong ikaw naman ang pag bubuntunana ng Donya." paalala saakin ni tiya.

"Tiya, kahit hindi naman mainit ang ulo nun basta makita ako magagalit at magagalit parin yun panigurado. Siguro kulang yun sa sexy time o kaya'y di ma-galing mag perforn si Don Noel kaya ganyan sya. Hindi ko talaga malaman kung anong reason nya at galit na galit nalang palagi." tatawang sagot ko kay Tiya.

"Ang bunganga mo talagang bata ka." naiiling na wika saakin ni Tiya.

Tumawa lang ako "Tiya, bibig itong saakin yung kay Melva ang bunganga kasi marites yun." pangangatwiran kopa.

Napahawak si Tiya sa kanyang noo na akala mo'y problemado "Jusmiyo Lean, maiwan na nga kita at ako'y mag pupunta muna sa prutasan at nautusan din ako ni Donya."

"Sige ho, Tiya. Tagalan n'yo po at harutin n'yo po roon si Mang Nilo para may dilig kana rin po." sabi ko sabay taklob ko ng kumot.

"heh!" rinig kong sigaw nito saka ko narinig ang pag-sara ng pinto.

Nag paikot-ikot ako sa maliit na kama dito sa kwarto namin ni Tiya at dahil sa wala akong magawa ay kinuha ko ang touch screen na cellphone na binili sakin ni Señorito Daddy Hugo sabi din nya ay nakalagay na dito ang numero nya pati ang kay Senna pero bawal ko lagyan ng numero ng ibang lalaki kasi mawawalan daw ako ng Sugar Daddy.

To: Senna
Senna, si Lean ito pwede ba akong gumala d'yan pag nakatakas ako dito sa hacienda ni Señorito Hugo?

Pagkatapos kong mag tipa ay sinend ko din ito saka ko tinignan ang isang mensahe na natanggap ko at napangiti ako sa pangalan na nag notif.

From: Senorito Daddy
exact 12am, Reyna ko, uuwi ako. Mahal kita! 😘

Napangiti naman ako sa mensahe nayun pero hindi kona nireplyan hanggang sa nag vibrate muli ang cellphone at mensahe iyon mula naman kay Senna.

From: Senna
hintayin kita malapit sa hacienda ni Hugo para sure ako na safe kang makakalabas d'yan, balita ko kasi andyan pa raw ang mommy ni Hugo.

To: Senna
salamuch.

Pag ka send ko ay inayos ko na ang iilang damit ko. Balak ko muna roon kila Senna matulog kahit alam kong uuwi mamaya si Señorito, mas makakakilos kasi ako kila Senna ng malaya at panigurado akong dun din naman pupunta agad si Señorito dahil kasabay nito si Señorito Phoenix pauwi galing sa Manila.

Kasalukuyan akong nag aayos ng aking sarili ng may kumatok sa pinto ng kwartong tinutuluyan ko, nag mamadali din akong mag-ayos dahil nag hihintay na si Senna sa labas ng hacienda.

Ng mabuksan ko ang pinto ng kwarto ay bumungad saakin si donya Asungot at nasa likod nito si Melva na nakangisi.

"Lumabas ka dyan sa lungga mong babaita ka!" lumabas naman ako kahit nag-tataka dahil pakiramdam ko ay may nasagap na naman itong kamaritesan kay Melva.

"Ano ho bang nagawa ko na naman, Donya Asunsion?" pilit na mahinahon ang aking boses pero nagulat ako ng makatikim ako ng malutong sampal mula dito.

Señorito 1: Hugo Montenegro   (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now