“next!” malakas na sigaw ng isang babaeng naka yuniporme ng pangkatulong
nandito kasi kami ngayon sa tapat ng malaking gate ng mansyon ni gobernador david para mag apply bilang babysitter sa apo niya.
natatarantang inayos ko ang aking mga papeles bago lumapit sa babaeng striktang naka upo. senenyas niya saakin ang upoan sa harap niya kaya dali dali akong umupo
“papeles” sabi nito sakin kaya agad kong binigay ang hawak kong folder na green
narinig ko ang buntong hininga nito at agad na tumango bago bumaling sakin
“okay, total ikaw naman ang last na applicants” sabi nito at tumayo
napatayo rin ako kaya agad ako nitong tinitigan mula ulo hanggang paa
“tanggap ka na. sumama ka sakin at ipapakilala kita sa mga amo ko dahil kumpleto sila ngayon” sabi nito at agad na pinabuksan ang gate sa dalawang security guard
napangiti ako at nagpapasalamat sa diyos dahil natanggap ako. sobra talagang namamangha ako sa sobrang ganda ng mansyon ni gobernador david santiago
dahil sa sobra long pagkamangha hindi ko na napansin na papunta na pala kami ngayon sa isang dining area nila kung tawagin at habang papalapit na kami nang papalapit ay dinig na dinig ko ang boses ng mga taong nandoon sa loob kaya agad na nanlamig ang buo kong katawan dahil sa kaba
“halika” agad na sabi ni manang sakin at agad na hinawakan ang kamay ko ng makapasok na kami ng tuloyan sa loob ng dining area
“oh manang may nakuha naba kayong maging Yaya ni draken?” dinig kong tanong ng isang babae
hindi ko makita ang mukha nito dahil nakayuko ako
“yes ma'am. si thiara po ang yaya ni draken” pakilala sakin ni manang kaya agad akong nag angat ng tingin
agad na sumalubong sa paningin ko ang kulay asul na mata ng isang lalaking seryoso at malamig ang tingin na ipinukol sakin
“hi iha, what's your name?” agad na tumayo ang isang babae na may malambing na boses
“ma upo ka muna iha” utos sakin ni ma'am shaina ang ikalawang anak ni gov
ang panganay na anak ni gov na si stephen santiago ay isang vice mayor at ang ikatlong anak niya na si daven ay siyang nag papatakbo ng kanilang kompanya dito sa iloilo habang ang bunso naman nilang si sunshine ay isang model
iminuwestra sakin ni ma'am shaina ang upoan na katabi ng isang babaeng naka taas ang kilay sakin.
“salamat” pasalamat ko at agad na umupo sa tabi nito dahil sa sobrang hiya
ramdam ko kasi ang mariin na titig sakin ng ikatlong anak ni gov
“kilala mo na naman siguro kaming mag kakapatid, iha?” natatawang tanong saakin ni maam shaina habang naka upo sa kandungan nito ang isang batang babae at katabi ng asawa nito ay isang batang lalaki
“I'm zenlet garcia” sabi ng babae sa tabi ko sabay lahad ng kamay niya
ang nanginginig na kamay ko sa kandungan ko ay agad kong itinaas para abutin ang kamay ng babae sa tabi ko
“she’s my wife” ngiting sabat ni vice mayor stephen
ngumiti ako at tumango
“My husband and I need to go to America tomorrow to fix the problem with our company there so we need someone to take care of our two children” seryosong paliwanag ni maam shaina sakin
napakagat ako sa labi ko at tumango
“Are you sure she can take care of the twins?” Sir Daven asked coldly
CITEȘTI
THE POSSESSION OF THE SON OF GOVERNOR
IstoriceHe's not a boy but a man. He believes what Vladimir Nabokov said that "It was love at first sight, at last sight, at ever and ever sight" Kayang lumaban para sa pag-ibig, para sa babaeng iniibig kahit sino man ang humadlang. Babaeng kailanman ay hi...