KABANATA 27

1K 17 0
                                    


Sabay kaming tatlo lumabas sa kuwarto habang hawak hawak ko ang kamay ni veniara at nasa gilid ko naman si daven

"nandito na silang lahat?" mahinang tanong ko

tumango ito sakin habang ang mata ay nasa cellphone niya

"im sorry, my secretary called me earlier" baling niya sakin

agad akong umiling

"ayos lang. ano sabi?"

"they need my presence there" sagot niya

"kaya naman namin ni veniara na dalawa lang kami dito, pwede ka na bumalik sa opisina niya bukas" sabi ko

mas lalong kumabog ng malakas ang dibdib ko ng papunta ng makababa na kami sa hagdan

"i have meeting tomorrow, but i'll be back in the afternoon"

tumango ako

"isa lang ba ang meeting mo? sa daming araw na wala ka don baka tambak na ang trabaho mo."

hindi ko mapigilang mag alala

"it's okay baby. I can do that later just stop being worried. you look guilty" tawang sabi niya

"eh, dahil kasi samin kaya ka nagkaroon ng madaming trabaho" nahihiyang sabi ko

tumawa ito at nilagay ang braso sa bewang ko.

he loves hugging my waist

"I have a lot of works even when you're not here, stop worrying you little hot dèmon"

tumango nalang ako dahil alam kong gusto niya lang mapanatag ako.

napahigpit ang hawak ko sa maliit na kamay ni veniara ng papunta na kami sa dining

"ouch" daing ni veniara kaya agad kong niluwagan ang pagkahawak sa kamay niya

"sorry anak" tarantang paumanhin ko

buti at hindi ito umiyak.

"did you hold her hands tight?" tanong ni daven

nahihiyang tumango ako. tumawa lang ito ng mahina at binuhat si veniara at pinagsiklop ang mga palad namin

"you can hold my hand tîght, our baby is so little you can't do with her"

umiling ako at hindi ko hinigpitan ang pagkahawak sa mga palad ni daven

nanlamig ang buong katawan ko ng unang bumungad samin ay ang mata ni gov. tama nga si daven at kumpleto silang lahat, pati kay stella na nasa tabi ni gov

gulat na gulat ito ng makita ako at ang magkahawak na kamay namin ni daven kaya doon ko hinigpitan ang pagkahawak don.

"omg! omg thiara!" sigaw ni ate shaina at agad na tumakbo palapit sakin

"you are so noisy" saway ni daven

hindi siya pinansin nito at agad akong niyakap

"oh my god i can't believe you were here, akala ko ilang taon pa ang mararanasan naming delubyo kay daven"

yakap yakap ako ni ate kaya natawa ako ng mahina at niyakap ito pabalik

"omg!" tili ulit nito

"welcome back pretty!" sigaw din ni sunshine at agad akong hinila palayo kay daven at niyakap

"i miss you" bulong nito sakin

"i miss you too" nahihiyang bulong ko

lumayo ito sakin at agad na kînurot ang pisnge ko

THE POSSESSION OF THE SON OF GOVERNOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon