KABANATA 10

1.1K 21 0
                                    

tumawa ng mahinhin ang babae habang naglalakad palapit sa gawi namin

“are you hungry?” tanong ni sunshine sakin kaya agad akong umiling

nakakahiya, ako pa ang tinanong nito imbes ang girlfriend ni sir daven. hinawakan ko ang kamay ng kambal ng tuloyan nga nilang lubayan si stella

“they are so cute” ngiting sabi ni stella at bumaling sakin

“hi goodevening” nahihiyang bati ko at ngumiti

“you are?” tanong nito

“ahm babysitter po ng kambal” sagot ko

kahit sa pagsalita nito ay nakakamangha. sobrang hinhin ng boses at talagang bagay na bagay sila ni sir

tanging tango lamang ang tugon nito sakin bago binaling ang tingin kay sir daven naka cross arm

“let’s go” yaya niya kay sir

nakita kong nag pa unang mag lakad si sunshine kaya agad nalang din kaming sumunod sakanya

“tita stella is the best” tuwang tuwa na sabi ni dianne

ngumiti ako sakanya at tumango habang sumulyap kay draken na seryoso lamang

“only tita thiara is the best for me” ani nito

napangiti ako dahil sa parang may humaplos sa dibdib ko dahil sa sinabi ni draken

“yes, she is” tuwang sabi ni dianne at niyakap ang binti ko

natawa ako at napahinto sa paglalakad dahil sa ginawa nito

“stop being makulit lil sis” saway ni draken

“yes master”

tumawa pa si dianne habang sumasaludo sa kuya nito bago tumakbo palapit kay sunshine. nagkatinginan kami ni draken at sabay umiling dahil da kakulitan ng kambal nito

pag pasok palang namin sa dining ay dinig ko na ang boses ni manang na parang nag ngangaral ka gov

“oo na manang, oo na” tanging tugon ni gov habang tumatawa na para bang sumusuko

sobrang dami ng mga pagkain sa mahabang lamesa at ang karamihan dito ay talagang mamahalin. umupo ako sa tabi ni miss sunshine na pinag gigitnaan ni dianne at ng asawa ni vice

nakalimutan ko ang pangalan nito jusko. pinaupo ko nalang sa tabi ko si draken habang pinagmamasdan ang pag upo ni stella sa tabi ni gov, tumabi din si daven kay stella

“oh siya simulan niyo nang kumain dahil alam kong gutom kayo” natatawang sabi ni manang

“sobra po” tawang sabi ni vice

“ah sasabay satin ang babysitter ng kambal?”

napakurap kurap ako dahil sa sinabi ni stella. biglang natahimik ang hapag sa tanong nito

“yes” sagot ni sunshine

“why? diba dapat hindi siya sumasabay sa mga amo niya? she's just a babysitter”

napalunok ako at napakuyom ang kamao na nasa kandungan ko dahil sa sinabi nito. alam kong wala namang aali sa sinabi nito dahil talaga tama naman siya pero nakaramdam ako ng pagkahiya

“stop being rude stella” saway ni daven sa malamig na boses habang nakatitig sakin

“rude” dinig kong bulong ni sunshine habang pinaglalaruan ng tinidor nito ang ulam na nasa plato niya

“u-uhm s-sorry po, excuse me” natatarantang usal ko at agad na tumayo

yumuko pa ako ng bahagya at mukhang wala na ata akong mukhang ihaharap pa. Ang kapal nga naman talaga ng mukha ko na maupo dito dahil para lamang ito sa pamilya nila

THE POSSESSION OF THE SON OF GOVERNOR Where stories live. Discover now