KABANATA 2

1.6K 27 2
                                    

“put your seatbelt, kid”

utos sakin nito kaya napakagat ako sa labi ko at napayuko

“h-hindi po ako m-marunong mag l-lagay” nauutal na bulong ko

“what?”

nag angat ako ng tingin at agad napakamot sa ulo ko. first time ko kasing sumakay sa kotse at hindi ko naman alam pano gamitin ang bagay na sinabi niya

“s-sir” tarantang tawag ko ng ilapit nito ang katawan njya sakin

“ilalagay” aniya

tumango ako at tinitigan ang kamay nito kung pano ikabit sakin ang seat belt.

matapos maikabit nito sakin ay agad na niya ulit inistart ang engine, hindi ko manlang napansing pinatay niya pala ito

“why do you want to work as babysitter?” he asked coldly

“o-opo”

sumulyap ito sakin bago ibalik ang tingin sa daan

“ituturo ko nalang po ang daan papunta sa bahay” agad na sabi ko

tumango lang ito at sumeryoso sa pag mamaneho.

tahimik lang kami sa biyahe at nag sasalita lang ako kapag tinuturo ko ang daan papunta sa bahay

“are you sure you want me to drop you here? where's your house?”

umiling lang ako at agad na ngumiti

“huwag na po sir. malapit na naman po dito ang bahay namin” paliwanag ko at luminga linga sa paligid

sa kabilang kanto pa ang bahay namin pero ayoko namang ihatid niya ako doon dahil alam kong mag tatanong lang sakin si tiya kung bakit ako hinatid ng anak ni gov

“you sure?” tanong niya

tumango ako at ngumiti ng tipid. tumango rin ito at dahan dahang tinaas ang bintana nito

hinintay ko pang makaalis ng tuloyan ang sasakyan ni sir daven bago nag simulang mag lakad para makauwi. nakakahiya na para kay sir kung ihahatid niya talaga ako sa harap ng bahay namin

Sa labas palang ako ng bahay ay dinig na dinig ko na ang malakas na tawanan at tugtog sa loob. napabuntong hininga nalang ako bago binuksan ang bahay ni tiya na isang sementado pero hindi pa matapos tapos.

“oh siya kumain lang kayo diyan” dinig kong sabi ni tita sa mga bisita nito

may mga kalalakihang nag iinoman sa sala at may mga nag v-videoke

“tiya” tawag pansin ko kay tiya ng makaalis ito sa lamesa nila tiyo kasama ang mga kumpare nito

“oh nandito ka na pala”

strikta ang mukha ni tita at agad na lumapit sakin

“hindi mo manlang ba naalala na birthday ngayon ni james? aba hindi ka manlang nahiya na mag bigay ng pera para may pang handa kami” galit na sabi niya

napabuntong hininga ako

“tiya, kakabigay ko lang po sainyo nong sabado” paliwanag ko

“aba sumasagot ka pang pîste ka. pumasok ka na don sa lungga mo at wag kang lalabas. linték na babaeng ’to” mariin na bulong niya at tinulak pa ako

napairap ako at sinulyapan mo na ang anak ni tiya sa gilid kung saan sila nag v-videoke at nag iinuman.

nilampasan ko ang mga tao sa sala at agad nalang nag lakad para makapasok na ng kwarto ko. nawalan na naman din ako ng gana kumain pa dahil sa mga sinabi ni tiya

THE POSSESSION OF THE SON OF GOVERNOR Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum