KABANATA 4

1.4K 28 3
                                    


“kumain na ba kayo?” tanong ko sa kambal na ngayon ay naka upo sa sofa kasama ang tito daven nila

“we’re already done eating ate” ngiting sagot ni dianne habang sinusuklay suklay ang buhok ng barbie niya

“ate, do you have boyfriend?”

napaubo ako dahil sa biglang tanong ni draken. nakasimangot ito at naka cross arm habang nakatingin sa reaksyon ko

nahihiyang umiling ako at agad na umupo sa tabi nito

“bakit mo natanong baby boy?”

ngumiti ako at agad itong binuhat para maka upo sa kandungan ko

“im just curious po and i don’t want you to have boyfriend. you are not allowed to have one” mahabang lintanya

susmaryosep na bata

“agree”

sabay kaming napatingin kay sir daven ng sumabat ito samin

“look, even tito daven agree” masayang sabi ni draken

napakamot ako sa ulo ko dahil sa sobrang hiya. ano ba ’yang si sir

“because you are already my girlfriend ate, and from now on i won't call you ate” ngising sabi niya

jusko

“what the fvck are you talking about, draken” agad na singhal ni sir daven at agad na binuhat si draken

“what? put me down tito”

napabuntong hininga ako dahil sa batang ito. jusko saan ba niya narinig ang mga salitang iyan. siguro babaero ito pag naging binata

“you are just a kid, call her tita not ate”

inis na bumaling sakin si sir daven ng sabihin nito kay draken

“p-po?” takot kong usal

inirapan lang ako nito at agad na nag walk out kasama si draken. dinig na dinig pa namin ang bangayan ng dalawa hanggang sa mawala sila sa paningin ko

“tita barbie!” agad akong napatingin kay dianne ng sumigaw ito

“h-ha? bakit?”

natataranta akong tumayo at lumapit kay dianne na ngayon ay nakatayo na sa sofa

“she looks like you” tili nito at agad na pinagdikit ang barbie nito sa mukha ko

sabóg na ang mukha ng barbie nito dahil sa sobrang pag susuklay, mukhang nakalbo na nga.

“ah? oo” sang ayon ko nalang at ngumiwi

“you are so pretty tita barbie”

tumawa pa itong si dianne bago suklayin ulit ang buhok ng barbie nito.

ngumiwi ako at agad na umupo sa tabi ni dianne ng umupo ito. Dito na ata ko tatanda ng maaga

agad akong napahawak sa tiyan ko ng marinig ang pag tunog nito

“are you hungry?” tanong ni dianne at agad na lumapit sa kandungan ko para umupo

ngumiti ako at agad na umiling

“no”

hinimas hîmas ko ang buhok nito

“don’t lie to me tita barbie”

ngumuso pa ito sakin kaya natawa ako

“halika na puntahan natin ang tito at kuya mo baka nag babangayan pa yun” sabi ko at agad itong binuhat

“what bangangayan, tita?”

natawa ako sa pag bigkas nito. kunot na kunot pa ang nuo tila litong lito sa salitang inusal ko

“babangayan” pag tama ko

“bangangayan” ulit naman nito

“no, it’s ba.ba.nga.yan”

sumimangot ito sakin kaya natawa ako

“it’s hard tita barbie” reklamo nito at agad na hiniga ang ulo sa balikat ko.

napatingin pa samin ang mga katulong nila gov ng mapadaan kami sa gawi nila

“goodmorning po” bati ko pa sakanila na sinuklian din naman nila

“oh iha sumabay ka na muna samin kumain” agad akong napahinto ng mag salita si manang linda ng makita kami nito

“tita barbie is already hungry, nanny” simangot na sabat ni dianne

“ay halika sumunod ka sakin sa dining ng makapag umagahan ka” Yaya ni manang

tumango naman ako dahil alam ko naman sa sarili ko na gutom na talaga ako. Kunti lamang ang nakain ko kagabi dahil sa dami ng trabaho na ginawa ko sa bahay

“ipapakuha ko nalang kay daven mamaya ang gamit mo para ipasok niya sa kuwarto mo”

napalunok ako sa sinabi ni manang.

“manang hindi na naman po kailangan” agad na sabi ko

sobrang nahihiya na talaga ako sa amo ko. ako ang tra-trabaho dito at kaya ko namang dalhin ang damit ko

“ano kaba iha, mabait naman iyang si daven medyo suplado lang” tawang sabi ni manang ng makapasok kami sa loob ng dining

“im not suplado manang” agad na sabat ni sir daven

nanlaki ang mata ko ng makita ito na seryosong naka tingin sakin habang naka upo sa isang silya sa dining

“what?” taas kilay na tanong nito na para bang malaking kasalanan ang tumitig sakanya

umiwas ako ng tingin at umiling

“you’re suplado po tito, admit it” sabat naman ni draken na katabi nito

“shut up kiddo”

ngumiwi ako at agad na bumaling kay manang ng sawayin nito si daven

“kanina pa kayong mag tito” saway ni manang sa dalawa

“tito daven is annoying, nanny. he won't let me marry the girl that i love” maktol ng bata

“you can't marry tita barbie, kuya” seryosong sabat naman ni dianne

malamig na tinignan ito ng kambal niya kaya napahawak ito sa bibig niya at sinubsob ang mukha sa leeg ko

“exactly, you can't marry your tita because you are just a kid”

napabuntong hininga kami ni manang dahil sa sinabi ni sir daven. talagang pinatolan pa ang bata

THE POSSESSION OF THE SON OF GOVERNOR Where stories live. Discover now