KABANATA 14

1.1K 17 0
                                    

“anong walang pera? halos tumira ka na nga sa mansyon ni governor tapos walang pera?” galit na sabi nito

“wala nga james” mahinahong sabi ko

“tama nga sina mama apaka wala mong kwenta!” galit na sigaw nito

this time napatayo a ako

“anong sinabi mo?” galit na sabi ko

“bakit? hindi ba totoo?” insulto nito

“syempre hindi, saan ka natutong sumagot sagot ng ganyan?”

napipikon na ako

“wala kang pakealam. kunting bagay lang naman ang hinihingi ko hindi mo manlang maibigay”

“dalawang daan na yan james, ano pa bang hinahanap mo?!”

tinaasan ko na ito ng boses

“proud ka pang dalawang daan lang ang naibigay mo? eh halos buong buhay mo nga si mama lahat gumagastos sayo”

panumbat pa nito at natawa

“diyan, diyan naman kasi kayo magaling! ang sumbatan ako sa pagpapalaki ng mga magulang mo sakin pero nakita niyo ba kung gaano ako nag hirap? halos patàyin ko na ang katawan ko sa pag t-trabaho para lang may maibigay sa mga magulang mo!” galit na sigaw ko

“wala kang naibigay!” mas galit na sigaw nito

“anong wala? wala naman kayong nakitang magandang ginawa ko dahil sa paningin niyo pabigat lang ako!”

nag babadya na ang luha ko sa mata kaya inis na umalis ako sa kuwarto ko

“ano itong naririnig kong sigawan niyo?” galit na bungad ni tiya ng makita ko ito sa labas

“ma, sinusumbat niya saatin ang perang binibigay niya” sabi ni James

ano?

“hindi totoo yan tiya” agad na sabi ko

“aba gagà ka pala eh!” sigaw ni tiya

“hindi po totoo yun tiya, ang ibig sabihin ko lamang ay may naiambag naman ako sa bahay at hindi pabigat lamang” paliwanag ko

“anong ambag? hoy thiara para ipamukha ko sayo na kahit kailan hindi ka nakaambag! nakalimutan mo yatang ako ang nag palaki sayo at tapos may mukha kapang isumbat samin iyang kunting pera na ibinibigay mo samin!” mahabang sigaw ni tiya

“tiya hindi naman po sa ganon” mahinahong sabi ko

“anong hindi ganon? talagang sinigawan mo pa ang anak ko, ah? ang kapal mo talaga, pare-pareho kayo ng nanay mong walang utang na loob”

nag iinit na ang gilid ng mata ko dahil sa nag babadyang luha ko

“tiya isipin niyo rin naman po ang pinag-daanan ko, nag trabaho po ako sa murang edad para may pang bayad tayo sa kuryente, may pambili tayo ng mga pagkain, tumigil po ako sa pag-aaral dahil gusto niyo pong mag trabaho nalang ako. Sinunod ko po kayo tiya, sinunod ko po kayo kasi tama ka, utang na loob ka sayo ang buhay ko” iyak na sigaw ko

“huwag moko iyak iyakang hayop ka!” gigil na sabi ni tiya at lumapit sakin

“tiya kahit nag kakasakit po ako ay nag t-trabaho pa rin po ako dahil ulila na nga ako at kailangan kong pasalamatan ang pamilya na umampon at kumupkop sakin, tiya ni hindi niyo nga matanong tanong sakin kung kumain naba ako galing trabaho, ni hindi niyo nga ako binigyan ng baon tuwing papasok ako ng eskwela” iyak na sabi ko

isang sampal ang natanggap ko kay tita

“sinusumbat mo sakin yan?! sinusumbat mo sakin yan?!” paulit ulit na sigaw ni tiya sabay hila ng buhok ko

THE POSSESSION OF THE SON OF GOVERNOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon