Prologue

243 17 4
                                    


Frustration. So much frustration, that’s what I feel right now.

Hindi ako tinatantanan ng lalaking parang naging buntot ko na dahil sa pagiging paranoid ni Ate Elora. It’s my post-graduation party! I am supposed to enjoy this night, get drunk, get wasted especially because I finally graduated with a latin honor! I am free from academic stress at last!

Pero bakit ganito? Panibagong stress ata ang ibinibigay sa akin.

Is one night without him tailing me too much to ask? It’s not that someone will suddenly shoot me once na mawala ako sa paningin niya. Nakakainis na dahil parang ang OA na ng nagiging pagbabantay niya. Alam ko namang iba ang buhay na mayroon sila Kuya Vor, pero iba rin ako. Hindi naman ako sumasama sa mga trabaho na meron sila, bakit kailangang pati ako bantay-sarado?

Iritado akong tumigil sa paglalakad nang sa wakas ay makarating kami sa parking lot. Matalim na tingin agad ang ibinato ko kay Eurus nang makita siyang nakasandal sa isang kotse, nakatiklop ang braso sa dibdib, at pinagmamasdan ako.

“Ano? Happy? Happy kasi sa wakas uuwi na ako? Nakakainis na talaga! Gusto ko pang mag-inom, pero hindi ako makaporma dahil nandyan ka lagi sa paligid! Sobrang weird sa pakiramdam! Kailan mo ba ako tatantanan?!” Dahil siguro sa alak na nainom ay nagagawa ko siyang sigawan ng ganito.

Kailanman ay hindi niya ako pinatulan, pero parang mas nakakainis nga ’yon dahil parang wala lang sa kaniya ang mga sinasabi ko. Mahirap bang intindihin na ayokong sinusundan ako nang sinusundan? Mas pakiramdam ko hindi ako safe kapag ganitong ang daming nagbabantay sa akin.

“Get in the car already, you are drunk,” the only thing he said as he unlocked his car. Napapadyak ako at inis na ginulo ang buhok.

“Hindi ako lasing, pwede ba?! You are so annoying as always! Wala ka bang mas importanteng gagawin? Kaya ko naman ang sarili ko, hindi na ako bata! Next year, baka licensed architect na ako! Kapag nagpatuloy ka sa pagsunod-sunod sa akin, malamang hindi ka na makakapag-asawa! Tatanda kang binata, sayang ang genes mo kahit nakakairita ka! Kaya please? Tama na ’to!” patuloy ko pang pag-aalburuto.

Walang nagbago sa ekspresyon niya at nagsimula lang na lumapit sa akin. Akma ko siyang tatakbuhan pero nahigit niya agad ang likurang bahagi ng damit ko at pilit akong tinangay papasok sa kotse.

“Eurus! Bitawan mo ako!” nanggigigil kong utos. Pero kailan niya ba ako sinunod? Ako ang binabantayan niya, pero kailanman ay hindi siya nakinig sa akin. If his mind is already fixed about something, there’s no way that other people can sway it.

Wala na akong nagawa nang tuluyan niya akong maipasok sa loob ng sasakyan. Akma pa nga sana akong lalabas pero ipinirmi niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa balikat ko at matalim na pagtingin sa akin. “You already said that you are not a kid anymore, so stop acting like one. You know why we are doing this, Farah. Anytime, anywhere, someone might take advantage of your existence and use it against us, especially your sister. We are just trying to prevent something bad happening to you. When will you understand this and stop being such a pain in the ass?” he said sharply.

Napaawang lang ang labi ko at napatitig sa kaniya. Ayun na ata ang pinakamahabang nasabi niya sa akin.

Nang wala na siyang marinig mula sa akin ay isinarado niya na ang pinto ng sasakyan at saka pumasok sa driver seat. Walang salita niyang pinaandar ang sasakyan at pinaharurot ’yon paalis. Napasandal na lang ako sa inuupuan at tumingin sa bintana.

Last month, kinasal si Ate Elora at Kuya Vor. Naging abala sila pareho simula noon, hindi ko alam kung anong nangyayari dahil wala namang balak si Ate Elora na idamay ako sa mga ginagawa nila. Ayos lang sa akin dahil ayoko rin naman... I don’t plan to indulge myself with their business. I just want to live normally...

Blazing HeartsWhere stories live. Discover now