Chapter 4

194 11 6
                                    


Isang kakaibang homesickness ang naramdaman ko kinabukasan. Bagong uri ng katahimikan ang sumalubong sa akin pagkagising ko pa lang. Tahimik din naman sa lugar ng mga Portugal, pero ’di hamak na mas nakakakita ako ng maraming tao ro’n dahil sa sandamakmak nilang tauhan.

Nang makababa ako sa pinaka-unang palapag ay hindi ko pa rin nakikita ni anino ni Eurus sa paligid. Alas nuwebe na ng umaga kaya naman sa tingin ko’y gising na siya. Sa totoo lang ay alas sais pa lang ay gising na ako, pero pinilit ko ulit ang sarili na matulog dahil gusto ko pang mabawasan ang oras para sa araw na ’to.

Kagabi ay matagal kaming nag-usap ni Ate Elora at pagkatapos ay halos hindi ako makatulog dahil sa isiping nasa kabilang kuwarto lang si Eurus. Masyadong alerto ang tenga ko at hinihintay na may marinig mula sa kabila, pero wala naman akong narinig.

Dumiretso na lang ako sa kusina para makainom ng tubig. Hindi ko rin siya nadatnan doon pero may nakita akong pagkain sa dining table. Hindi ko tuloy maiwasang magtaas ng kilay. Para sa’kin ba ’to?

“That’s not for you.” Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat nang marinig ang boses na ’yon. Dumaan siya sa gilid ko habang may iniinom sa isang mug, sa tingin ko ay kape.

“Cook for yourself,” he said monotonously. I can’t help but to notice his get up this morning. This is the first time that I saw him wearing a simple white shirt, cotton pants, and...slippers. Not to mention the messy hair. His aura is just completely different with these clothes.

Napatikhim ako at iniwas ang tingin. “Sinabi ko bang akin? Magluluto ako para sa sarili,” malamig kong sabi at saka nilagpasan siya para lumapit sa sosyal niyang refrigerator.

“You said that you are going to share with the expenses while living here, I just want you to know that my electric bill is usually 50k while the water bill is around 40k monthly.”

Napatigil ako sa paghahalungkat at napalingon sa gawi niya nang marinig ang mga numerong nabanggit. “Seryoso ka? Bakit ang laki? Aabot ’yan ng ganiyan kahit tayo lang ang nakatira rito?” gulat kong tanong. I kind of expected that the bills here are expensive, but what the hell, isn’t that too much considering that we are just two people?

“Most of the things here consumes electricity, and the water in this area is really expensive. So yes, it’s possible that the bill will reach those digits.” Napatitig na lang ako sa kaniya.

Saan ako kukuha ng ganiyan kalaking pera montly?! Kailanman ay hindi ko pormal na tinanggap ang malaking halaga na inilagay ng mga Portugal sa bank account ko, at kakaunti lang ang ipon ko mula sa mga racket ko noong nag-aaral pa. Sa lunes pa rin magsisimula ang trabaho ko at siguradong hindi naman ganoon kalaki ang sahod dahil hindi naman ako magtatrabaho on site.

Sanay nga akong hindi lalagpas sa limang daan ang bills namin ni Ate Elora noon tapos...

“I can’t afford that, kailangan nating magtipid. Let’s turn off all the unnecessary appliances that are running, patayin din natin ’tong centralized aircon, malamig naman dito. Sa gabi ka na lang mag-aircon at yung malaking ceiling fan na lang ang gagamitin ko sa kuwarto. Magtipid din tayo ng tubig, kailangan lang naman natin no’n kapag maghuhugas ng pinggan, magdidilig, maglilinis, at maliligo,” tuloy-tuloy kong sabi. Ayun lang naman ang solusyon para huwag lumaki ng ganiyan ang bills, magtipid.

I don’t know if I’m seeing things, but did his lip just rose a bit? The sight eventually disappeared because he’s drinking on his mug again.

“Bakit ko titipirin ang sarili ko, Farah? You do that if you think it will help, let’s just calculate our individual expenses at the end of the month.”

“Excuse me, kapag hindi ka nagtipid ay madadamay ako. Lugi ako kapag naghati tayo tapos mas naging magastos ka naman,” inis kong sabi. Ayaw niya na naman maki-cooperate?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 03, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Blazing HeartsWhere stories live. Discover now