Chapter 1

142 11 2
                                    


Pasimple kong tinatakpan ang mukha gamit ang ballcap na suot habang papasok sa isang bookstore. Iniwan ko ang kahit na anong gadget sa bahay, kasama na ang cellphone, para hindi ako ma-track ni Eurus kung sakali mang mapansin niya na wala ako sa mansion.

Bibili lang naman ako ng mga librong pwede kong magamit sa pag-rereview para sa board exam next year. Hangga’t maaga pa, sisimulan ko na ulit ang pag-aaral. I was never a big fan of cramming after all.

Matiwasay naman akong nakapamili kaya nakangiti akong lumabas ng bookstore habang dala-dala ang mga paperbag. Ngayon na lang ulit ata ako nakalabas nang mag-isa lang, iyong walang Eurus na nakasunod.

Dahil nawiwili ako sa kalayaan na ngayon ko na lamang ulit naramdaman, napagpasyahan kong sulitin na ang araw. Sa isang fast food naman ako pumunta, iyong favorite namin dati ni Ate Elora. Ang tagal ko nang hindi nakakapasok sa ganitong kainan dahil puro sa mamahaling restaurant kumakain ang mga Portugal.

I ate everything I missed because I deserve that.

Hindi ko rin pinalagpas ang mga street food sa isang food park sa labas ng mall. Busog na busog tuloy ako nang sa wakas ay tumigil kakakain.

I keep roaming my eyes everywhere. This is the kind of place that Ate Elora and I love before, even our parents. I can’t stop from envisioning our family to the people that I see here. This is what we used to do, this is the kind of life that we used to have...

I still feel nostalgic when it comes to things like this. I miss everything... I am happy for my sister’s new found happiness, but I keep questioning myself if I can live like this forever. What’s sure now is, I could never escape the Portugals. I am family, they are family... My grandparents value me, but it’s different.

Ate Elora might think that I have completely adjusted to this new lifestyle, but I never did. I still find myself questioning reality. Minsan pakiramdam ko, hindi na ako iyong dating Farah. Hindi ko rin naman matanggap ang ganoong pag-iisip. I think it’s the existential crisis that strikes me everytime I realize that everything around me has changed.

“Miss, miss!” Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ’yon. Lumingon ako at nakita ang isang lalaking naka-itim na papalapit sa akin.

“Bakit po?” tanong ko nang tuluyan siyang tumigil sa aking harapan. Matangkad siya at maganda ang pangangatawan, hindi ko nga lang makita nang maayos ang mukha dahil natatakpan ng sumbrero.

“Magtatanong lang sana ako kung ito ba ang lugar na nakalagay dito,” aniya at may iniabot sa aking kapirasong papel. Hindi ko naman ’yon hinawakan at binasa lang ang nakasulat.

“Opo, dito ’yan banda,” sagot ko at muli siyang tiningnan. Kumurba pataas ang labi niya at mas lalong tumungo, tila itinatago pa lalo ang mukha.

“Alam mo ba kung nasaan mismo ang address na ’to? Pwede mo bang ituro sa akin?” Nagpalingon-lingon ako para hanapin ang daan papunta sa street na nakalagay sa papel.

“Dyan po, lumiko lang kayo at maglakad padiretso, pwede rin naman kayong sumakay ng jeep dahil medyo may distansya. May makikita kayong lumang building, sa tingin ko ay abandunado na ’yon pero rati po iyong apartment na nasunog.” Bakit ba siya pupunta ro’n? Ang alam ko ay hindi pa nagsisimula ang renovation noon.

“Ganoon ba? Balak ko sanang mag-inquire dahil may nakapagsabi sa akin tungkol do’n. Nasunog pala?” Tumango naman ako at patuloy siyang pinagmasdan.

“May alam ka pa bang ibang apartment na bukas ngayon para sa bagong tenants? Iyong tahimik sana tsaka maraming puno.” Napaisip naman ako hanggang sa maalala ko ang dating tinutuluyan noong kaklase ko.

Blazing HeartsWhere stories live. Discover now