Chapter 2

114 9 1
                                    


Halos tumilapon ang baril sa kamay ko habang pinapaputok ’yon sa target na nasa harap. Muli akong pinatigil ni Ate Elora at inayos ang posisyon ng aking kamay. Kanina niya pa sinasabing mag-relax lang ako at huwag masyadong higpitan ang hawak sa baril, pero kung hindi ko naman hihigpitan, baka mabasag ang mukha ko oras na mabitawan ko ’yon.

Muli niya akong pinabayaan magpaputok nang masiguradong ayos na ulit ang pagkakahawak ko sa baril. Mariin kong nakagat ang labi habang inaasinta ang target.

I have to learn immediately... Someone’s after me...

“Farah, you are too tensed,” she said for the ninth time after I emptied the magazine. Pagod kong tinanggal ang gears at ibinigay sa kaniya ang baril.

“One more round?”

Umiling siya at kinalas ang hawak. “That’s enough, you know the basics, just work on how you grip the gun and look at your target properly. What’s with you today? You are too tensed,” she repeated.

I shook my head as I wiped the sweat on my forehead. She doesn’t need to know what I received last night, she’ll probably go crazy worried about it. “Wala, hindi lang ako masyadong nakatulog kagabi kasi nag-aayos ako ng gamit para sa pag-alis namin bukas,” I said, purposely avoiding her eyes.

“Actually, your trip is moved tonight. Abuelo personally wanted you to leave the city as soon as possible, and I agreed. Aalis kami ng Kuya Vor mo bukas ng umaga, baka hindi kita makontak nang ilang oras. Mas ayos na malaman kong nakarating kayo nang matiwasay bago kami umalis.” Napatigil ako sa pag-aayos ng buhok dahil sa narinig.

“And change of plans, you are temporarily living with Eurus. In his house, Farah. I’m sorry if I’m not keeping my words, but this is for your own good.” Hindi naman ako nakapagsalita at naupo na lang sa isang tabi. Nag-expect na rin naman ako na hindi talaga ako masusunod. Originally, I said that I wanted to go somewhere near the beach. But I guess it’s not my lucky year.

“About the work that you wanted, you were assigned under Jacob’s company. Since you aren’t licensed yet, you’ll be his assistant virtually. We can’t risk to put you on site, is that okay with you?” Wala sa sariling napatango ako. Taong bahay na naman talaga ako hanggang sa mga susunod na buwan.

“I’m sorry if you can’t easily live the way you wanted, Farah...” Ate Elora said after a minute of silence.

I finally glanced at her and forced myself to smile. “Okay lang... Kaya ko ’to, ako pa ba?” Matagal siyang tumitig sa akin bago ngumiti at tumango.

Sa hindi malamang dahilan, inutusan ako nina Kuya Vor kanina na dalhin na rito sa bahay nila ang mga dadalhin kong gamit paalis. Dalawang maleta rin ’yon at dalawa pang backpack. Dito na rin sana ako maglalagi hanggang bukas kaya lang ay ngayong gabi na pala ang alis namin ni Eurus.

“Hi, my friends! Anong pagkain ang meron tayo ngayon?” Ayun ang narinig namin nang makalabas kami sa shooting range at bumalik sa loob ng mansion.

“Kade, lumayo-layo ka sa paningin ko at hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo nung nakaraan,” seryosong sabi ni Ate Elora kaya napaatras ang lalaki at agad na itinaas ang dalawang kamay.

“Chill, Ate Elora, I told you that I was assigned to break his bones. It’s not my fault that I accidentally chopped one half of his middle finger, ang kulit niya kasi.” Napatigil ako sa paglalakad dahil sa narinig.

“Kade,” nagbabantang tawag ng kapatid ko. Napatingin sa akin ang lalaki at mukhang namutla.

“Farah... Nandiyan ka pala!” Itinago ko ang nanlamig na kamay sa likuran at pilit siyang nginitian. Hindi talaga ako makapaniwala na may pagkabayolente ang ganitong ka-inosente na mukha.

Blazing HeartsWhere stories live. Discover now