Chapter 8

700 33 0
                                    

❗Typo and Grammatical errors ahead❗

Nakalipas narin ang ilang oras ng makaalis si Mayumi sa puder ng Section D. Samantala ang mga Section D naman ay panay reklamo dahil nga sa tinakas ni Mayumi ang mga pera nila na puro bente lang naman ang ambag. ╮(─▽─)╭

"Aiiistt! mukhang tinakasan na yata tayo ng babaeng iyon." Wika ni Niel.

"Ulol ka dre, pano yun tatakas kung nandito yung mga gamit niya na iwan." Sabat naman ni Yuan.

"Tsk!"

"Basta ang goal natin ngayon ay ang makakain!" Nakangusong sabi ni Kaiser.

"Kasalanan mo talaga 'to Neil." Pabirong sumbat naman ni Zed kaya tiningnan ito ng masama ni Niel.

"Ulol! b'at ako na naman?!" Inis na sagot nito.

"DAHIL HINDI KAMI!!!" Halos magkasabay na sabi ng buong Section D.

"Tangena niyo!"

"Kung hindi mo kasi inaway iyon edi sana naging maayos ang usapan natin kanina." Ani naman ni Tan.

"At ako pa talaga ang nang-away sa Mayumi na iyon? E siya nga kung murahin tayo ay parang hindi babae kung umasta, tssk!" Iritadong sabat ni Niel.

"Naks! napapadalas na yata ang pagtawag mo ng Mayumi sa kanya ahhh? Iba na yan dre." Pang-asar na salita ni Zed.

"Pakyu Ramirez!" Inis na sabat ni Niel.

Naiinis na kasi ito dahil sa pinakakaisahan siyang kantyawan ng mga kaklase niya.

"Mayumi~~~ asan ka na ba? Ikaw nalang ang pag-asa namin para mabuhay pa sa mundong ibabaw..." Ngawang sabi ni Josh.

"Tangena dre, nababakla ka na namn diyan!"

"Gago!"

Habang nagkakagulo ang ibang section D na puro asaran at bulyawan ang ginagawa ay nasa isang sulok naman si Gray na nakapikit na naka-upo sa sahig habang nakasandal sa locker at matiyagang pinapakinggan ang mga kaklase niyang nagkakantyawan.

"Basta sabihin mo lang samin Niel kapag inlababo ka na kay Mayumi ha?"

"Tumahimik ka na nga diyan Zed!"

"Sinasabi ko talaga sayo dre na maraming nagkakatuluyan sa asar-asar na yan hahahaha---aray!!!"

"The fvck! ang sakit..."

"Baka gusto mo pang dagdagan natin?! Haha!

"Ulol mo!"

"Hoy! Baby boy!"

"Ako na naman nakita niyo?!"

"Tangena! naiisip ko talaga yung bente ko guys." Salita ni Tan.

"Aigooo! kawawang nilalang ka naman dude." Ani naman ni Clyde sabay akbay kay Tan na naka-upo sa mesa.

"Ang OA niyo naman, bente lang naman ambag niyo dun,tsk!" Sabi naman ni Niel.

"Sus! nagsalita yung inutang yung bente." Naiiling na sambit naman ni Kai.

"Tumahimik ka dyan bubwit!" Singhal ni Niel dito na ikinatawa naman ng ibang kaibigan nito.

*bleh!*

"Nakakainis talaga makipag-away sa bata,---"

Section DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon