Chapter 78

252 9 0
                                    

Typo and Grammatical errors ahead

Nang matapos ang klase namin sa Science ay agad kaming dumekwat na tatlo nila Zed at Kai para puntahan ang isang ugok na ilang araw ng hindi nagpapakita samin.

Ilang oras na din kami sa byahe at panay tunog ang selpon ko na siyang ikina-irap ko nalang nang mabasa ang pangalan sa screen ko.

"Mukhang miss ka na naman ni lead ah." Salita ni Zed na siyang sinamaan ko nga ng tingin.

"Mag drive ka nalang kaya diyan,ano?!" Iritada kung ani na siyang ikinatawa naman niya.

"Teka nga! Tama ba 'tong dinadaanan natin?" Tanong ko nang mapagtanto ko na parang pamilyar ang daanang tinatahak namin.

"Hindi naman siguro tayo ililigaw ng tracking device ni bubwit." Sagot ni Zed.

Hindi na ako umimik pa at pinagmasdan nalang silang dalawa ni Kai na mag-usap patungkol sa mga teknolohiya na linagay nila kay Xhian na hindi ko naman maintindihan. Tracking device lang yata ang alam ko sa mga sinasabi nilang dalawa eh.ಥ⁠‿⁠ಥ

Habang tumatakbo ang kotse namin ay mas lalo pang naging malinaw sakin na ang bayang dinadaanan namin ay ang bayang kinalakihan ng mama ko.

Nandito kami ngayon sa--

"Welcome to Inabangay Celeste Village, Te Yumi." Masiglang wika ni bubwit na siyang nginitian ko lang.

Badtrip! Sa dinami-daming pwedeng puntahan ng bwisit na Xhian na iyon ay dito pa talaga sa-haays.

_____

J'Casino

Yan ang nakalagay sa taas ng building na kung titingnan ko ay parang napabayaan na ito dahil sa binabalot na ito ng mga lumot at mga ugat-ugat na siyang nakadikit at nakalawit sa pader. Masyado ding makalat ang labas nito na puro tambakan ng sirang mga sasakyan.

Bago pa ako maunang lumakad sa dalawa ay napahinto naman ako bigla ng pigilan ako ni Kai.

"Bakit?" Taka kung tanong.

"Kami nalang siguro ang papasok Yumi. Baka kung mapano ka pa sa loob alam mo na naman...puro mga mamamatay tao, mafias, at mga gangsters ang mga customers ng Casinong ito kaya---"

"Hep! Hindi ako pumunta rito para lang tumunganga dito sa labas. Sumama ako dito para hanapin ang p--si Xhian. Kaya kung balak niyo akong pigilan, please lang huwag sa ngayon na nandito na tayo." Giit ko na siyang ikinakamot sa ulo ng dalawa.

"Huwag kayong mag-alala. Akong bahala sa hudlom na iyon pag may ginawa siyang masama sa inyo." Sabi ko sabay tapik aa balikat ni Zed.

Alam ko namang natatakot ang mga ito na pag malaman ng hudlom nilang lider na sinama nila ako sa gantong lugar ay malalagot sila. Tss. Paki alam ko sa krayolang iyon?

Magsama sila ng Celine niya na iyon. Badtrip!

.....
Wala naring nagawa sila Zedrick at Kai ng magpumilit akong isama nila sa loob kaya heto kami ngayong tatlo tinatahak ang daan tungong empyerno. Joke.

Saktong pagbukas namin ng pintuan ay sinalubong agad kami ng maiingay na tao at malakas na sonata. Napapikit pa nga ako dahil sa silaw ng ilaw na tumumbad sa pwesto namin.

"So, paano natin mahahanap ang kupal na iyon?" Tanong ni Zed.

Tiningnan ko naman ang ipad ni bubwit na siyang nagpapakita sa location ni Xhian.

"He's near." Ani ko. "What if? Maghiwa-hiwalay tayo?" Suhestyon ko na siyang kinuntra naman ng dalawa kaya napabuntong hininga nalang ako.

"Ang OA niyo talaga, ano?" Inis kung sabi.

Section DWhere stories live. Discover now