Chapter 79

277 15 3
                                    

Typo and Grammatical errors ahead

Nagulat naman kami ni Gun nang bigla kaming makarinig ng putok ng baril sa ibabaw na kasabay ng pagpikit ko dahil sa may kung anong tumalsik sa mukha ko.

"Shit!" Usal ng katabi kung si Gun. At nang maidalit ko na ang mga mata ko ay halos mapako ako sa kinatatayuan ko nang tumumbad sa paningin ko ang lalaking wala ng buhay ma siyang naliligo sa kanyang sariling dugo at sakto pa talaga na sa pwesto ko nakatingin ang dilat na dilat niyang mata.

Ngayon ko lang na realize na ang basang likido na tumalsik sa mukha ko ay siyang dugo pala ng lalaking ito.

"We need to go." Biglang hila sakin ni Gun na siyang nagpabalik sa ulirat ko.

"Wait. Ang pinsan ko." Sambit ko sabay tingin sa ibabaw ng ring kung saan nandoon si Xhian na pinipilit ang sarili na makatayo.

Hindi ko na hinintay pa na magsalita si Gun at dali-daling kumawala sa pagkakahawak niya para takbuhin ang pwesto ni Xhian.

Puro putukan ng baril ang mga naririnig ko hanggang sa maabot ko ang pwesto ng pinsan kung ugok.

"Hey! are you ok?" Hapo kung tanong sa kanya na siyang naka-upo sa gilid ng hagdan.

"El?" Gulat pa niyang giit nang makita niya ako. "What the hell...w-why are you here?" Tanong nito na siyang tinarayan ko nga.

"I think, I'm the one who should ask you that question. What the fvck are you doing here and why are you fighting in that arena?!" Bulyaw ko sa kanya na siyang ikinangiwi naman niya.

"Hoy! Mamaya na yang sermonyas niyong magpinsan at kailangan na nating umalis dito at baka madamay pa tayo sa gulo!" Biglang sigaw ni Gun.

"Gunner?"

"Zup! Mr. Hahn. Long time no see my dear friend."

"FRIEND?!"

_________

"The fudge! Magkaibigan kayo?!" Gulat kung tanong sa kanilang dalawa na siyang ikinatango naman nila.

"Yeah---"

*Bang!*

"Shit!"

"El are you ok?"

"Yeah. I'm fine." Sabat ko. Kanina pa kaming tatlo na-nastuck up dito sa gitna ng arena sa gilid ng hagdan ng ring.

Sa bawat putok ng mga baril ay siya namang pagkakahandusay ng nga taong natatamaan nito. Tiningala ko naman ang second floor ng arena.

"Mukhang nasa taas nanggagaling ang bala." Sambit ko.

"What?" Takang tanong ni Gun kaya liningon ko naman ang gawi nito.

"Give me your gun." Utos ko.

"No way!" Angal agad nito.

Tiningnan ko nga ito ng masama. "Ibibigay mo ba o gusto mong sama-sama tayong tatlong mamatay dito sa loob?" Inis kung sabi.

"Sinasabi ko talaga sayo---"

"Alam ko... sasabihin mo na naman na huwag makialam at baka madamay tayo. Haler! fyi lang ha kanina pa tayo damay na tatlo dito. Kaya sa ayaw at sa gusto mo. Ibigay mo na sakin yang baril na hawak mo." Sabi ko.

"Aiiish!"

Nginitian ko naman ito nang ibigay na niya sakin yung baril. "Thank you." Pasalamat ko dito.

"Marunong ka ba gumamit niyan?" Tanong niya na siyang ikinangisi ko naman.

"Hmm. Oo naman. Baka gusto mong itry ko sayo?"

Section DTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang