Chapter 64

353 22 0
                                    

❗Typo and Grammatical errors ahead❗

*Canteen*

Mas minabuti kung magmukmok dito sa gilid habang pinaglalaruan ang spaghetti na inorder ni Zedrick sakin. Nasa iisang table kami ng mga damuho sadyang may sariling mundo lang ako at trip kung hindi makisali sa bardagulan nila.

I let out a heavy sigh. "Lahat yata ng problema sa mundo pinasan mo na." Salita ng kung sino man kaya inis ko itong tiningnan na siyang ikinagulat ko naman kung sino ngayon ang kaharap ko sa mesa.

Ngumiti ito sakin. "Miss me?"

"Gray?"

"Yeah. It's me." Natatawa nitong salita.

Napangiti naman ako I miss you so much! gusto ko yang sabihin sa kanya nang maalala kung...challenge accepted.

"H-Hey! What's wrong?" Tanong niya nang makita niyang biglang sumeryoso ang mukha ko.

"Siraulo ka. Alam mo ba iyon?!" Asik ko sa kanya na siyang napalingon naman ako sa gawi ng mga damuho nang may biglang tumawa at ngayon ko lang napansin na lumipat pala ang mga gago sa kabilang table.

Kaya naman pala parang tumahimik ang pwesto ko dahil ang mga traydor! ay iniwan ako dito mag-isa kasama ang hudas nilang kadugo. Aiist!

"What?"

"Don't talk to me, Montevano. Naiinis ako sayo." Sabi ko na liningon pa nito ang mga kapwa niya damuho na siyang ikinakibit-balikat naman ng mga loko.

....
"Are you mad?" Tanong ni Gray sakin.

"Hindi." Tugon ko.

"Sure? E ba't parang galit ka?"

Inip ko naman siyang tiningnan. "Hindi. Ako. Galit. Gets?" Inisa-isa ko na yung salita. Mukhang hindi kasi magets ng ugok na ito ang sakitang 'Hindi.'

"Hindi ako naniniwala." Naiiling pa niyang wika na ikinataas kilay ko naman. Haaays! Gray."ψ(`∇')ψ

Bubuka palang sana ang bibig ko nang maunahan niya ako.

"I'm sorry." Bigla niyang banggit na siyang ikinataka ko naman.

"Sorry? For what?"

Napatingin naman ako sa kamay ko ng hawakan niya iyon. Nuyan? "Look..." Salita niya na siyang ikina-angat ng tingin ko sa kanya.

"I'm really sorry. Alam kung nagtatampo ka na sakin dahil sa, palagi akong wala sa tabi mo. Huwag kang mag-alala babawi ako sayo Yumi. Kahit ano man mangyari...ikaw lang at ikaw ang babaeng iibigin ko."Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Ano bang pinagsasabi ng ugok na'to?

"Ano bang pinagsasabi mo Gray? Nababakla ka na naman diyan." Sabi ko. "Ang drama mo. Alam mo ba yun?."

"Tsaka. Oo, inaamin kung nagtatampo ako sayo at nagagalit pero ano..." Bigla kung putol sa sasabihin ko. Taka naman ako nitong tiningnan.

"Ano?"

Tanungin ko ba? "Gray, hindi naman sa nakikipag marites ako ha...may ano kasi...*kamot ulo*...ano..."

"Ano ba yang ano-ano mo na yan? Spill it." Parang inis niyang salita. Oh tamo. Kanina parang ang amo-amo mag salita tas ngayun sinusungitan na ako. Aiist! Bipolar talaga.

"M-May kasalanan kasi akong nagawa, kanina kay..."

Tinaasan ako nito ng kilay taray yarn? "Kasalanan kanino?" Tanong niya. Tsismoso din ang damuho oh. Tss.

Section DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon