Chapter 56

459 33 6
                                    

❗Typo and Grammatical errors ahead

Nag-uumpisa na ang laro at may napapansin ako sa grupo ng mga damuho. Parang mga balisa sila na ewan. 9 palang ang score nila samantalang yung sa kabila ay 12 kayang-kaya pa nila habulin ang score ng kalaban pero, parang may mali.

"Eh? May napapansin ba kayo sa laro ngayon ng Pheonix?" Salita ni Lisa.

"Oum, pansin ko parang may barrier kila Xhian, Levine, at Gray." Sagot naman agad ni Piper.

"Hindi pinapasa ni Gray yung bola kay papa levs." Aniya ni Lisa.

"Mas lalong kay Xhian." Singit naman ni Jean.

"Parang may competition sa grupo nila." Wika naman ni Chelsea na siyang sinang-ayunan ng tatlo.

Tama nga si Chel, parang may competition na nagaganap sa grupo nila Gray.

Naghiyawan naman ang mga galing Celestial ng makapuntos ulit ang grupo ng Enigma.

What the hell is wrong with you Montevano? Nasa kanya na yung bola at si Levine naman ay sumenyas na pasahin sa kanya yung bola dahil siya yung malapit sa ring pero tanginang Montevano. Sinolo yung bola kaya ang ending hindi pumasok ang bolang three points sana.

"Aiist!" Times up na ng 1st quarter. 28-20 ang score in favor of Enigma.

"Walong puntos pa ang hahabulin natin. My ghad!"

"Ano bang problema ni Gray?"

"Baka kulang sa cheer. E cheer mo na kasi Yumi."

"Psh, pagsabihan mo nga yang boyfriend mo Mayumi. Napaka selfish niya sa bola."

Reklamo ng mga gaga.(҂⌣̀_⌣́)

_______fastforward_______

Dumating na ang third quarter at lamang parin ang grupo ng kabila dahil sa, walang pinagbago sa laro ng mga damuho. Si Montevano talaga ang may problema.

Kasalukuyang kinakausap ng coach ang grupo nila Gray na hula ko sinesermunan na ang mga ito dahil sa ekspresyon palang na pinapakita ng coach nila na parang nagagalit na ewan. Deserve. Hindi kasi inaayos ang laro.

Bigla namang nagsalita ang emcee. "So, ito na ang hinihintay niyo na free throw from our audiences."

Lahat ay nagalak sa narinig nila na ultimo parang gusto ng tumalon ng iba sa railings papuntang court. Lintek! Parang sa free throw lang nagkaka-ganyan sila.

Rumampa naman ang emcee sa kabilang panig na siyang Grupo ng Enigma.

"Enigma. Bubunot ba or may napili na kayo?" Tanong ng emcee na siyang ikinatili naman ng mga tao nang pinakita sa screen ang pagmumukha ni Zyke. Eww! Napo-pogian kayo diyan?

"To be honest, yes." Pagkasagot niya nun ay mas lalong lumakas ang tilian ng mga kababaihan.

"Oh? Which school?" Tanong naman ng emcee.

"Actually nakita ko siya kanina sa hallway. And it is not from our school."

Nagulat naman kami nang biglang napatili si Piper na kulang nalang ay bumulagta ito sa sahig.

"Hoy! gaga, anyare sayo?" Usisa ni Lisa.

"OMO! Baka ako yan kyaaah!" Tili niya.

Section DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon