G3

49 9 3
                                    

Ano nga ba ang kahulugan
Ng salitang kalayaan?
Malaya ka nga bang talaga
Kung ang kababayan mo'y
Nasasadlak sa kahirapan?

May laya nga ba tayo
Kung ang pag-ibig ay
Naaayon lamang sa
Depinisyon ng iisang libro
Librong isinulat rin naman ng tao?

Malaya nga ba tayo
Kung ang kababaihan
Ay di makapaglakad
Sa lansangan nang
Walang takot ng pambabastos?

Malaya nga ba tayo
Kung ang mga magsasaka
Ay pinauulanan ng bala
Sa tuwing sila'y titindig
Sa lupang sinasaka han nila?

May laya nga ba tayo
Kung ang mga manggagawa
Ay di man lang makapagpahinga
Para sa ikatatahimik ng
Kanilang isip at katawan nila?

May laya nga ba tayo
Kung ang kaban ng bayan
Ay unti-unting nililimas
Ng iilang ganid at gahamang
Nais palakihin ang kanilang yaman?

May laya nga ba tayo
Kung ang bawat mag-aaral
Sa unibersidad ay tinatawag
Na subersibo sa tuwing sila'y
Magsasalita laban sa pamahalaan?

May laya nga ba tayo
Kung ang bawat bibig
Ay pinipili ng mga taingang
Nagpapakakawali
At ang daing ay di marinig?

May laya nga ba tayo?
May laya nga ba?
Ano'ng sagot sa tanong
Na matagal nang ibinigkas
Mula pa nang panahong lumipas

Mga Inipong Tula At Prosa  [UnEdited]Where stories live. Discover now