M27

5 1 0
                                    


dati, bukambibig mo ang
bawat lumalabas na patinig
at katinig sa bawat
tula na aking ginagawa

at ibang kilig naman ang aking
nararamdaman kapag naririnig at
sinasabihan ng mga katagang
—" wala naman akong iba, ikaw lang
nag-iisa "

ngunit, ibang-iba na ang takbo ng ating
relasyon ngayon;
ang lahat ng binigkas
noong kahapon ay tila bang
isa lamang imahinasyon

'di na pwedeng bawiin ang bawat oras
na lumipas, na para bang sa bawat galaw
ay kumakaripas at wala ni isang  pitik sa puso
kapag binabaybay na ang dating binibigkas

ipipilit pa ba o papalayain na?

Mga Inipong Tula At Prosa  [UnEdited]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin