M20

15 3 0
                                    

Mamamayagpag ka tulad ng salipawpaw
na sa mga langit ay nangingibabaw,
sa kabila ng hindi mabilang ng pagkadapa't
paglagapak.

Sa likod ng mga dinanas mong sakripisyo't paghihirap,
matatamasa mo rin ang hinahangad
mong  kapayapaan at tamis ng halakhak.

Titingalain ka ng mga taong nagsubok magpabagsak at magpa-iyak,
sapagkat hindi nila kinaya ang silaw
ng iyong pagsikat.

Tulad ng huwaran,
sa oras ng kadiliman at kaguluhan
ikaw ang magiging gabay sa kanilang paglalakbay.

At magniningning ka
tulad ng bituin.

*punctuation and grammatical errors ahead

Mga Inipong Tula At Prosa  [UnEdited]Where stories live. Discover now