M30

3 0 0
                                    

nais kong gumayak papunta
sa inyo
kahit  sa biyahe ay hindi
nakakatiyak

at dalhan
ka ng isang basket ng
gumamelang bulaklak at
upang maamoy ang taglay
nitong halimuyak.

nais  kitang samahan
sa iyong pangarap
upang sa paghihiràp
ay maging madali at
payak

dahil inangat mo
ako no'ng pagod at
palunod na ako sa
kinapwe-pwestohan ko

Mga Inipong Tula At Prosa  [UnEdited]Where stories live. Discover now