M10

23 8 0
                                    

sayo ako nagiging masaya
sayo ako nagiging maligaya
sayo ko lang naramdaman
ang tunay na laya
at sayo kolang natutunan
kung gaano kasakit ang magparaya

sa lahat ng napuntahan
ko sa tabi mo lang
nakaramdam ng tunay
na pahinga

naiiba ang lahat kapag ikaw
na ang nangamusta
ikaw ang gustong kasama
sa tuwing ako'y mag-isa
dahil komportable akong
nakakahinga kapag kasama ka

hindi ako sayo at minsan lang
kita matatawag na akin
dahil sa ngayon hindi kapa
pwedeng angkinin

nalilito ako kung ano ba ang dapat
itawag sa'yo
pero hayaan mo nalang baka ako'y
sadyang naguguluhan lamang

kaibigan o kaya bang mag-ibigan
pangarap kalang ba o makakasama
ka sa altar ng simbahan?

Mga Inipong Tula At Prosa  [UnEdited]Where stories live. Discover now