M11

16 6 0
                                    

Marikit na binibini iba ang 'yong hatid
sa'king mga gabi
halos araw man o gabi ang tanglaw ay nananatili,na para bang walang
bakas na paghikbi sa'yong makinis na labi

dalagang aking napanaginipan
ba't kay rangya mong tingnan?
puso ko'y iyong binihag
at hindi ito kahibangan,
pagkahulog ng aking sarili ba't hindi
ko mapigilan
wala akong pake kung bulag man ang pag-ibig,
kahit walang makita kahit iisang kakarampot ng  bahid ng kadukhaan.

iniligtas mo ang aking pusong
nag-aalimpuyo sa galit,
inilayo mo ako sa panganib na dulot
ng dalit.

Oh,sinta hayaan mo'kong ikaw ang maging inspirasyon ng aking bawat piyesa
hayaan mo akong ikaw ang aking magiging obra maestra
hayaan mo akong gawan ka ng mga malalayang
tula
hayaan mo munang mabighani ang isang makata sa isang napakarikit na dalaga

Mga Inipong Tula At Prosa  [UnEdited]Where stories live. Discover now