Chapter 1

13K 242 13
                                    

A/N: THIS IS THE FIRST CHAPTER NA INEDIT KO! COMMENT NIYO KUNG OKAY YUNG PAGEEDIT OKAY? SALAMAT! CIAAAAAAO!


------------------------

"Hoy senyorita! Gumising ka na diyan aba! Anong oras na, paghihintayin mo na naman kami sa kabagalaan mo!" napakaingay! Nambubulabog na naman si ate Jaimee!

"Oo na! Babangon na, kainis!" sumigaw ako bilang sagot, ganyan na ang senaryo dito sa bahay tuwing umaga kaya sanay na sanay na sanaaaaaaaaaay na ako!

"Bangon na! Maligo ka na din! Shoo!" , sabi niya habang tinataboy ako papasok sa banyo, "Dalian mo ha? Ang baho mo e!"

"Fyi! Kahit hindi ako maligo ng isang linggo mas mabango pa din ako sayo, belat!"

Pagkatapos kong maligo may nakahanda ng damit sa kama ko, at wala na yung mga gamit ko don! Excited ba sila ha?

"Buti naman at naisipan mo ng bumaba! Halika na at nandiyan na ang mga tita mo kanina pa sila naghihintay!", wala na bang mangyayari sa bahay na iyo kundi bangayan bangayan bangayan!

Sumakay na kami sa Van, at umalis na. Papunta kami sa resort ni tita dahil naisipan nilang magset ng get together dahil summer na naman daw! Duh! Childish mga tita ko!

Ay sorry!

Hindi pa nga pala ako nakakapag pakilala.

Ako nga pala si Peach Keira Atienza Buendia, 17 na ako, at magsesecond year college sa pasukan, engineering ang course ko kasi gusto kong gumaya kay papa hahahaha! Scholar ako sa school namin hindi dahil sa talino ko, kundi dahil sa pagihing varsity ko sa women's basketball team. Yes, basketball ayokong ayoko kasi sa volleyball kasi ang aarte nung mga babae don, pero marunong naman ako pero mas passion ko lang talaga ang basketball. So Volleyball? No thanks.

Sa tantya ko, tatlong oras akong nakaupo dun sa van parang feeling ko nga nagkaugat na ako don e, kaya nung tumigil yung van dali-dali akong bumaba kahit nasa likuran ako dahil ang sakit na talaga sa pwet!

Habang himas himas ko ang pwet ko, agad naman naglabasan ang mga pinsan kong lalaki, na mga nakatopless, kala mo naman ang lalaki ng katawan nila! Makabalandra sila sa harapan ko, napalingon naman ako nung may sumunod pang lalaki na lumabas,

Si Justin?

Tagal ko na siyang hindi nakikita kaya siguro, hindi ko agad siya masyadong napansin at naiilang ako ngayon kahit nakatingin lang siya sakin, close naman kami niyan pero syempre gaano na ba katagal kong hindi siya nakita? 4-5 years? sobraaaaaaang tagal na!

Lumapit sila sakin at inakbayan ako!

"Yuck! Basa kili-kili mo! Ew!" sigaw ko dahil pawis siya nung pagka-akbay niya sakin, pero imbis na umalis niyakap pa niya ako at nakisalo na rin yung iba naming pinsan! Duh! Nakatop less sila tapos pawisan!

ANG LAGKIIIIIIIT!

"Ma, pa! Tulungan niyo ako, minumurder ako nila kuyaaaaaa!" sigaw ko dahil nakayakap pa din sila sakin,

"Hayaan mo na naglalambing lang yang mga pinsan mo sayo, namiss ka siguro."

Nagtawanan lang yung mga tita ko, at nagsipasok na sila sa loob, tapos tumagal pa kumalas na rin ang mga pinsan ko sakin! Ghad AIR.

Kinuha na rin nila yung nga gamit ko at pinasok na nila sa loob, si Justin nalang ang naiwan dito kasama ko. 

"Uhm ano. Hahaha kamusta?", alam kong medyo awkward sa pagitan namin pero, kailangan kong umarte ng normal-- pero duh, ilang taon na ba kaming di nagkikita nito?

"Okay lang naman, pogi parin." , sabi niya at napangisi nalang ako. Okay mahangin pa din.

𝚂𝚎𝚌𝚛𝚎𝚝𝚕𝚢 𝚒𝚗 𝚊 𝚛𝚎𝚕𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚠𝚒𝚝𝚑 𝚖𝚢 𝚌𝚘𝚞𝚜𝚒𝚗Where stories live. Discover now