Chapter 4: (Hindi, Alis!)

7.7K 157 19
                                    

Peach's POV

Bukas na ang alis namin papunta sa province, at naka-impake na rin ako. Ngayon naman ay nasa kwarto, pasado alas-onse na din naman kasi ng gabi at hindi pa rin ako inaantok.

Pinagpatuloy ko lang ang pagtulala hanggang sa biglang may nagtext sa akin, galing sa unknown number.



From: Unknown Number


Gising ka pa?



To: Unknown number


Sino 'to?


From: Unknown number


It's Jae.


To: Jae


San mo nakuha number ko?


From: Jae


Secret, bukas nalang tayo mag-usap inaantok na ako!


To: Jae


Kasama ka sa province?


From: Jae


Alangan! Baka nakakalimutan mo, Buendia din ata ako? Hahaha goodnight.


At doon hindi na ako nagreply, magaala-una na hindi pa rin makatulog, paikot-ikot pa rin ako sa kama ko, dahil sa hindi ko malamang dahilan balisa ako kung tatanungin!

Alas-tres na nung naisipan ko ng maligo, hindi na rin kasi ako natulog at malapit ng magala-singko para sa pag-alis namin, ang pagpunta kasi sa aming probinsya ay aabutin ng 12-16 hours ang byahe sa layo ba naman.

Bumaba na ako pagkatapos ng aking mahaba-habang daily ritual, lahat nga sila ay nagulat dahil ang aga ko daw ata ngayong araw at hindi na kinailangang gisingin pa.



Justin's POV


Mga nasa limang oras na ata kmaing bumabyahe pero andito palang kami sa may centro, dito sa Van na kinabibilangan namin ay puro magpipinsan lang. Bale, nahahati kasi sa apat na van ang buong Buendia, para sa mga tito's and tita, para sa mga lolo at lola, at ang dalawang natirang Van ay para sa aming mga pagpipinsan.

Natutulog ngayon si Pei, sa balikat ko. Halata ngang puyat siya dahil sa laki kasi ng eyebags niya at nakanga-nga pang natutulog. Pero sa totoo lang ,ang cute niya, ang sarap ngang picture-an pero baka mamaya magalit sakin kaya wag nalang hahaha!

Tumagal pa ang byahe ng kaunti at naghanap kami ng pwedeng lugar para pagkakainan namin, at nung tumigil na kami ginising ko na ang prinsesang nasa tabi ko. Nagulat pa nga siya kung bakit siya nakasandal sa balikat ko e.

Habang kumakain, hindi namin mapigilabg pagtawanan si Pei sa kanyang itsura. Nagkakamay kasi siya pero valot ng plastic ang kamay niya kasi nagkaubusan ng disposable spoons kaya nahihirapan siyang kumain.



Peach's POV


Eto ang inaayawan ko sa mga probinsya, ang aga-aga kasi mga gumising ng mga tao dito at dinadamay pa ako! 5:30 palang ng madaling araw e kailangan gising na kami, sanay kaya akong 11:30 pa gising ko lalo na kapag summer o pang hapon ang pasok ko. Idagdag mo pang pasado alas-dose kami ng gabi nakarating! Agh!

Alas-nuebe ay dumating sila Jae, sa kabilang bahay pala sila natulog, hindi literal na sa kapitbahay lang mismo ha, kundi sa kabilang baryo kasi taga-doon ang tito ko. Aaminin kong naiilang pa rin ako kay Jae, dahil tingin siya ng tingin sakin! Anuba.


Kinagabihan, kumakain ako ng biglang lumapit sa akin si Jae at sabing


"Ang takaw mo!" sabi niya sabay kuha sa pinagkakainan ko.


"Eh wala naman akong makausap kaya kumain nalang ako, mas masaya try mo hahaha!"


"Adik ka?"



"Mas ikaw! Bakit ka ba andito? Umalis ka na nga!"


"Hahahaha mangangamusta lang ako, kamusta ka na ba? Kamusta na prinsesa namin?"


"Prinsesa pa rin?" Oo, parin! Kasi simula pagkabata, lahat ng mga pinsan kong lalaki turing sa akin prinsesa. Spoiled ako sa mga iyan e hahaha!"


"Oo naman, para sa akin ikaw lang nagiisang prinsesa ko!"


"Awwww, ang sweet ng pinsan ko!" pang-aasar ko, "Pero maiba tayo, ikaw ha may lablayp ka na! Sino yung lagi mong katext ha!"


"Ayun ba? Wala lang yon hahaha! W-wala yon!"


"Tss, sakin ka pa magsisinungaling?"



"Galit ka na niyan?" sabi niya, "Wala lang talaga yon!"


Tumingin ako sa kanya sabay irap, kilala ko kasi siya pag nagsisinungaling lumalaki ang butas ng ilong niya at namumula ang tenga niya kapag ganon, at sa ngayon positive: nagsisinungaling siya.


"Okay, kaibigan ko! Si Selena!" nilingon ko siya, at yes nagsisinungaling pa din siya.


"Kilala mo ako, alam ko kapag nagsisinungaling ka. At alam mong ayoko sa taong nagsisinungaling."


Pumasok na ako sa kwarto ng padabog, galit ako sa kanya! Oo ang babaw pero ayokong-ayoko na may taong nagsisinungaling at dahil doon lahat ng galit ko napunta sa iyak, oo ganito ako magalit.


Patulog na sana ako ng biglang may nagbukas ng pinto,


"Bakit ka andito?" mataray kong bungad.


"Sorry!"


"Hindi, Alis!"


"Ha? O-oo O-oo!"

𝚂𝚎𝚌𝚛𝚎𝚝𝚕𝚢 𝚒𝚗 𝚊 𝚛𝚎𝚕𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚠𝚒𝚝𝚑 𝚖𝚢 𝚌𝚘𝚞𝚜𝚒𝚗Donde viven las historias. Descúbrelo ahora