Chapter 6

4.8K 116 1
                                    







Justin's POV

Pasado alas-nuebe na nung nagising ako, at ayun nga may kumot ng nakalagay sa akin. Agad hinanap ng mata ko si Pei sa buong kwarto ngunit nabigo akong matagpuan siya, ang aga niyang magising ha?

Napagdesisyunan kong bumangon na at ayusin ang kama nito, baka mamaya mas lalo pang magalit sa akin yon. Pagkatapos kong pagpagin at muling ayusin ang kanyang kama ay lumabas na ako. Hinanap agad ng mata ko si Pei, wala siya sa kusina, wala rin sa mga cr, wala rin sa ibang mga kwarto, wala rin siya sa bakuran. Siguro'y nahilo na sa akin sina tita dahil sa pagi-ikot ko, tinawag niya ako.

"Aba'y bakit kanina ka pa paikot-ikot diyan? Nagugutom ka ba?" untag sa akon ni Tita.

"Ah eh..... hinahanap ko lang ho si Peach, nagtampo ho kasi sa akin e, hihingi lang po sana akong tawad." napakamot nalang ako sa batok.

"Kayo talaga, oo! lagi niyo nalang pinagkakadiskitahan si Peach. Ayun, kanina pa lumabas. Magiikot-ikot ata. Himala nga eh." natutuwang sambit ni tita.

"Sino ho kasama niya?" ani ko.

"Hindi ko napansin. Baka mag-isa lang siya." sagot ni tita, "Doon siya nagtungo." sabay turo niya sa may gawing kaliwa.

Hindi man ako pamilyar sa lugar, dahil ilang taong na din ang lumipas nung pumunta kami dito, lumabas pa rin ako. Tinungo ko ang lugar na tinuro ni tita at nagdire-diretso, ngunit namroblema ako nung nagkaroon ng intersection. Kaya kahit nahihiya, ay naisipan kong magtanong nalang.

"Magandang umaga ho." lapit ko sa isang matandang lalaki na nakatayo sa harapan ng kanyang bahay habang hinihimas ang kanyang manok, "pwede ho bang magtanong?"

Ngumiti siya at tumango, "Ano ba maitutulong ko sa'yo?"

"May dumaan ho bang babae dito? Medyo may katangkaran? Ganito ho ang itsura...." pinakita ko ang picture niya sa cellphone ko.

"Ah si Kira! Yung anak ni Ramon. Pumaroon siya..." may galak na tono na sagot nung matanda. Nagpasalamat ako at dumiretso sa tinuro niyang daan.

Hindi nagtagal ay nasilayan ko si Peach, na naka palibot sa medyo may karamihang mga tao na masayang nakikipagkwentuhan habang mayroong bibingka sa kaninlang gitna. Napalingon siya sa akin, kaya tinawag ko na din siya.

"Peach!" sigaw ko ng kaunti sabay ngiti sakanya.

"Justin, halika rito!" aniya at sumenyas na lumapit ako sakanila..."Heto sila tito Fernan, at kanyang mga anak, eto rin sina kuya Richard at Ate Reine. Mga kamag-anak din natin sila, sa side ng mga Bondoc."

Pinaupo na rin nila ako, at nakisali na din sa kwentuhan.

"Naka-gawi na ba kayo sa kuya mo, kira?" biglang pagbabago ng topic ni tito Fernan.

"Ah eh hindi pa ho. Hindi ko rin po kasi alam kung saan." nahihiyang tugon ni Peach.


"Ay nako. Kamukhang kamukha mo 'yon. Maari kayong mapagkamalang kambal niyan." masaya pa din na sambit ni tito. Nahalata ko naman na sobrang pamula-mula ni Peach, siguro'y na-awkwardan siya sa topic dahil hindi siya sanay.

"Ah eh... Tito, maalala ko nga po pala. Hinahanap na po si Peach sa bahay, kaya ako naparito." ani ko.

"Ganoon ba? Oh sige. Basta ba'y gumawi kayo dito bukas na fiesta, aasahan namin kayo." pagkukumbita sa'min ni kuya Richard, "Mag-iingat kayo."

Tumango nalanv kami at nagsimula ng maglakad pauwi. Medyo naging tahimik kaming dalawa pero hayaan na. Hindi ko rin alam ano sasabihin ko eh.

"Jae. Pasensya na nga pala sa inasta ko ah? Wala e, childish pa din." alanganing sabi ni Pei sa kalagitnaan ng paglalakad namin.

"Sanay na ako sa ugali mo." sambit ko at ginulo ang buhok niya.

"Hindi, seryoso. Syempre close ako sa inyo eh. Siguro hindi lang ako sanay na ako lang yung prinsesa niyo, hahaha ang childish no." napabuntonghinga siya, "Hayaan mo, masasanay din itong prinsesa niyong 'to."

"Pei...." pagtawag ko sakanya.

"Hindi, okay lang talaga. Ang dami pa nating pinsan diyan oh." medyo may kalungkutan na sabi niya.

Hinila ko siya at hinapit payakap, "Miss mo lang ako eh."

Naramdaman ko nalang na pumaikot na din ang kanyang braso sa akin, "Miss na miss."

Napangiti nalang ako sa isang realisasyon na pumasok sa akin, na ako, Justin James, ay may malalim ng nararamdaman kay Peach.

𝚂𝚎𝚌𝚛𝚎𝚝𝚕𝚢 𝚒𝚗 𝚊 𝚛𝚎𝚕𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚠𝚒𝚝𝚑 𝚖𝚢 𝚌𝚘𝚞𝚜𝚒𝚗Where stories live. Discover now