Chapter 7

4.8K 101 4
                                    




Peach's POV

Lahat may pinagkakaabalahan, ang mga matatandang babae ay naka-assign sa paghihiwa, ang mga matatandang lalaki ang nakatoka sa pagluluto, kaming mga magpipinsan naman ay nakatoka sa paggawa ng mga minatamis. Habang ang mas nakakabata naman ay mga busy sa pagkanta sa Videoke na nirentahan nila Mamay.

Tagataktak na mga pawis at ngalay na ang nararamdaman namin ngunit hindi pa rin kami tapos sa isang minatamis na putahe, una kasi naming ginagawa ang suman na puti. Kung saan sina ate Jamie ay ang nagluluto, at ako naman ay nakisali sa mga nagbabalot. Mas madali naman kasing gawin ito kesa maghalo-halo pa. Sa totoo lang, marami pa kaming dapat gawin. Ako lang pala. Ako kasi mismo ang nakatoka sa pag-gawa ng salad. Ako lang daw kasi ang marunong.

Jusko. Eh kadali-dali namang gawin yun e, pagkaluto mo ng gulaman ay pagsasama-samahin mo lang ang mga sangkap at ayon na 'yon. Kahit na ganoon ay hindi nalang ako nagsalita, hindi rin naman ako mananalo sakanila. Kasalukuyan kong pinapalamig na ang gulaman at pinapatigas, para mamaya e kakayurin nalang.

Hindi na bago sa amin ang ganito, lalo na't tuwing umuuwi kami ng fiesta. Dahil kauna-unahang hinhintay sa paghanda ay aming pamilya, ang nakasanayan kasi rito ay buong angkan ay dapat ikutan mo. Kunyari ako, kailangan kong mapuntahan ang lahat ng mga kamag-anak namin para lang makifiesta o sa madaling salita ay makikain. Pare-pareho lang rin naman ang mga putahe, ganon rin ang lasa pero dahil nakasanayan na ay dapat ka talagang kumain. Ang trick lang na pwede mong gawin ay paunti-unti lang ang kainin mo, dahil kapag naparami ka ay di ka na makakakain sa kabila. Lalo na sa pamilya namin, sa buong angkan ng Buendia at Bondoc.

Umabot ng isang oras ang pagbabalot namin ng suman, dahil umuulit sila sa paggawa. Hindi kasi maayos ang pagkakabalot, eh sino nga ba naman kakain non kung ganon? Nang matapos kami ay tinawag ako ni Tito Bert, at inuutusan akong pumuntang palengke para sa mga kulang na ingredients saka para na rin daw sa lalagyan ng salad. Inutusan niya din sina kuya Jake at Justin na samahan ako, wala naman silang magawa dahil wala rin naman akong magiging taga-buhat kung hindi sila sasama.

Si kuya Jake ang nagdrive nung tricycle ni Tito Bert, dahil siya ang pinakamatanda. Ewan ko ba dito sa mga 'to, dinadaan sa edad! Magkatabi kami ngayon ni Jae sa loob ng tricycle, walang umiimik. Agh, bakit ba ako na-aawkward?

Medyo may kalayuan ang palengke, kaya medyo matagal ang aming pagbyahe. Lalabas ka muna kasi ng isang baranggay bago ka makarating sa mismong bayan. Ibinaba kami ni kuya Jake sa bilihan ng mga gulay, at sinabing ipaparada lang muna daw niya ang trike. Nagsimula na kaming pumili ng iba't ibang gulay na nakasulag sa binigay ni Tito. Yung ibang mga hindi naman namin makita ay nagsabi nalang kami sa tindera at siya na ang nagbigay.

Nakatapos na kami sa pamimili ay wala pa din si Kuya Jake, siguro walang maparadahan. Madami dami na kasi ang tao sa palengke, siguro nagla-last minute buying para sa panghanda. Naisipan naming maglakad-lakad ni Jae, papunta sa may bandang plaza kung saan katabi lang ito ng palengke, marami rin ang mga tao dito ngunit hindi tipong nagsisiksikan katulad kanina. Makulay din ang paligid, dahil may mga bandiritas na nakasabit at iba't iba pang mga palamuti na talaga naman nakakabuhay sa kapaligiran. May mga street vendors din, na mahiya mong nagpapaligsahang magpagandahan ng tindahan o stall. Nagsimula akong mag-ikot habang nakikisabay sa tugtog na nagmumula sa malalaking speakers na sinasabayan din ng mga nagtatambol. Napakasaya sa plaza.

May isang tindahan naman na pumukaw sa atensyon ko, di lang dahil sa ganda ng pagkakadisenyo ng kanyang tindahan kundi dahil sa amoy ng kanyang tinitinda. Mga empanada, natatakam ako sa itsura nito ngunit wala akong pera. Sakto lang din kasi ang binigay ni Tito, hindi ko din kasi alam na may ganito pala dito sa plaza. Hinanap ko nalang si Jae, at nakita ko siya sa isa sa mga tindahan din. Busy-ng umiinom ng tubig.

"Jae, pwede ba akong pautang?" nahihiya kong sambit, pero dahil mukhang masarap talaga yung empanada ay kinapalan ko na ang mukha ko. Mukha naman siyang nagulat dahil may pagtataka siyang napatigil sa paginom. "Wala kasi akong dalang pera, eh gusto kong bumili nung empanada don. Babayaran ko naman pag-uwi e."

Mabilis niyang inubos ang tubig at, sinabihan niya akong tara. Kaya mabilis naman akong nagpauna pero napatigil din ako dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya. "Baka mawala ka prinsesa."

Hinayaan ko nalang at hinila siya sa bilihan ng empanada.

"Oh ading, bumalik ka. Bibili ka ba?" nakangiting salubong sakin ni manong tindero,

"Opo. Hinanap ko lang po ito para may tiga-bayad po ako. Hehe." magalang na sambit ko. "Dalawa nga hong longganisa special." pagkaorder ko noon ay nagsimula na siyang ihanda ang order ko.

Akala ko nga ang ibibigay niya sa akin ay yung nakaluto na, pero naghanda pa siya ng panibago. Binigay na niya sa amin at binayaran na ni Justin. Pagkatapos ay nagsimula na ulit kaming maglakad habang kumakain, naghihiyawan na ang mga tao sa paligid pero hindi ko alam kung bakit, patuloy pa din naman ang mga buhay na tugtog sa paligid. Habang lakad kami ng lakad ay mas palakas ng palakas ang hiyawan, hanggang sa nasulyapan namin ang mga nagsasayawan sa gitna, parami ito ng parami dahil sa paligid ay may mga sumasali o hindi kaya'y nanghihila ang mga mananayaw.

Tuwang-tuwa akong pagmasdan sila habang kumakain ng empanada, napalingon ako kay Jae at nakangiti din ito. Nagulat nalang ako nung biglang may humila sa akin, nung paglingon ko ay isa pala sa mga mananayaw dahil ayoko namang maging dakilang dayong kj ay nagpatianod nalang ako, inabot ko kay Jae ang kinakain ko at nakisayaw na din. Nakisabay ako sa paggalaw, sinusundan ko kung anong ginagawa nung humila sa akin at habang nakikisabay ako ay mas lalo akong napangiti nung nahila na din pala ni si Jae. Wala itong magawa kundi makisayaw na din. Nagulat nalang ako nung hinila muli ako at dinala ako sa harapan ni Jae, bale may nagawang dalawang pila. Isang pila para sa lalaki, at isa din para sa babae.

Nagsimulang sumayaw muli ang mga kababaihan kaya sumunod na din ako, hindi ko maiwasang tumingin din sa mga kasali. Hindi lang naman pala ako ang nag-iisang nahila, habang sumasayaw ang mga kababaihan ay sinabayan na din ng ibang sayaw ng lalaki. Nagpatuloy ng nagpatuloy. Hanggang sa natapos sa pagluhod ng mga kalalakihan, habang hawak-hawak ang kamay ng mga babae.

Hingal man, hindi ko maipagkailang nasiyahan ako sa pagsasayaw.

"Ano ho ba ang ibig sabihin nung pagsasayaw na iyon?" napalingon ako sa nagtanong.

"Ah iyon ay ang sayaw kung saan nagpapahiwatig ng pag-ibig ang lalaki na siya namang tinatanggap ng babae." magiliw na sambit nung ale. Teka, kung ganoon ay sayaw pala dapat iyon ng magjowa.

Hala hindi naman kami magjowa ni Jae. magpinsan nga kami eh. Gustong sabihin iyon ng sarili pero parang namumula na ako sa gilid, napatingin ako kay Jae at siya naman ay nakatitig pala sa akin habang nakangiti. Agad akong umiwas ng tingin, jusko aatakihin ata ako sa puso dahil sa pinsan kong ito. Teka, wag niyong sabihing crush ko si Jae? Hala. Bakit kasi ang gwapo nito e, tapos pangiti-ngiti pa. Naghuhuramentado na puso ko oh. Little heart stop.

Kinuha na ni Jae ang mga pinamili namin, dahil kailangan na naming umuwi baka kung saan na lumusot si kuya Jake at baka hinahanap na kami sa bahay. Habang naglalakad, walang nagsasalita ewan ko ba ayaw kasing tumigil nitong puso ko para kasi akong kinakabahan na ewan.

Nung matanaw ko mula sa malayo si kuya Jake, para akong natanggalan ng tinik. Woooh. Save by kuya Jake.

Patakbo na sana ako ng, "Pei, sandali lang."


"Uh bakit?" napalingon ako sa kanya at napatigil din. Nahalata kong namumula siya habang may kinukuha sa lalagyanan ng pinamili namin, at ganoon nalang ang gulat ko nung naglabas siya ng rosas mula doon.

"Para sa'yo nga pala." sabay abot niya sa akin ng nakangiti, kahit may pagtataka man ay inabot ko 'yon. "Dahil 'yan doon sa sayaw, sabi nung matanda ay pagkakatapos daw ng sayaw ay kailangang binibigyan ng bulaklak ang babae kaya ayan." nahihiya niyang sambit.


"Salamat." buong ngiti kong sabi at nagsimula ng maglakad patungo kay kuya Jake habang sobrang lapad ng aking ngiti.


"Kagaya kaya doon sa sayaw, matanggap mo din kaya pagmamahal ko?" narinig kong sabi ni Jae sa aking likuran. Napatigil ako sa paglalakad dahil para akong napako sa akin pwesto.


Ano ang ibig niyang sabihin?

𝚂𝚎𝚌𝚛𝚎𝚝𝚕𝚢 𝚒𝚗 𝚊 𝚛𝚎𝚕𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚠𝚒𝚝𝚑 𝚖𝚢 𝚌𝚘𝚞𝚜𝚒𝚗Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang