Chapter 2

9.4K 177 7
                                    


Justin's POV

Matapos ang ilang taon, eto nakita ko na naman ulit siya. Ang prinsesa namin. Naiilang ako oo, kasi sa katagalan na nga ng pagkikita namin, pero hindi parin talaga maiwasan na magalak dahil nakita ko na ulit siya!

Ako nga pala si Justin James Buendia, 19 years old na ako, at dapat ay magte-third year na pero tumigil ako, nagkaproblema kasi kami kaya ganon ang nangyari.

Nung magkasalubong ulit kami ni Pei - ayun nga pala ang tawag ko sakanya at Jae naman ang tawag niya sa akin- nginitian ko siya, halata naman siyang nagulat pero nginitian din naman niya ako pero parang ilang siya.

Hangga't kumuha na siya ng tubig ay nakatitig pa din ako sakanya, maganda pa din siya, tumangkad, humaba ang buhok, at mas nag mature ang mukha, pero ganon pa din naman, ganon pa din ang ngiti niya.

Habang tini-tignan ko siya ngayon, isa lang ang nare-realize ko, wala pa din palang nagbabago sa----

Napatigil ako sa pagiisip nung biglang pumasok sila tito dito sa may kusina, at sinabihan kami na mag gala muna kung maari dito.

Peach's POV

Ilang oras na ba ako sa kwarto na 'to? Ilang oras na ba akong nagkukulong sa kwarto na to at nagbabasa ng wattpad? Well, sanay na sila sakin, hindi naman sa anti-social ako pero mas prefer ko 'tong mga to, yung magkukulong lang sa kwarto tapos magbabasa hanggang di pa tinatawag.

Maya-maya may kumakatok na sa pinto, alangan naman sa cabinet diba? Common sense.

Sumigaw nalang ako na pumasok kung sino man yung kumatok, at ayun masunurin naman kasi biglang bumukas na yung pinto, at niluwa nito si Jae!

"Pei, este peach, sabi kasi ng daddy mo ilibot muna kita para daw hindi ka lang nagkukulong dito dahil baka mabaliw ka na daw." sabi niya

"san tayo pupunta?"  Tanong ko habang hindi pa rin tumitingin sakanya.

"sa may tunnel lang!"

Tumango nalang ako, tunnel daw e! Insta-addict ako e! So kinuha ko nalang yung lens ko, tapos lumabas na kami.

"Woah!" ang ganda dito! Yung tunnel kasi parang abandoned na siya pero ang ganda pa din, sinamahan pa ng background niya na puro halaman kaya mas naemphasize yung pinaka tunnel.

Wala na akong nagawa at ayun, picture lang ako ng picture! Pang instagram din 'to!

Nakailang kuha pa ako, pero tumigil na din ako nakulo na kasi yung tiyan ko, gutom na ang mga paru-paro sa aking tiyan!

"Justin, gutom na ako!" yun lang ang maktol ko at bumalik na kami sa resort nila tita!

Pagkadating namin don ay kumain nga kami at pagkatapos non ay nagkulong lang ako sa kwarto ko at doon natapos ang tatlong araw na pananatili ko don,

At ngayon nandito na ako sa salas at nanonood ng "the duff" busy ako sa panonood nung biglang nagvibrate ang phone ko, so chineck ko at ang nagmssg? Si Rhianne!

From Rhianne:

"Peachh! Gala daw tayo kasama sila Macy, Janine at Pauline. Usual spot. 3pm!"

And there, nagreply ako na pupunta ako dahil wala naman akong importanteng gagawin mamaya.

Nung natapos na ang panonood ko ay naisipan ko ng maligo dahil masyadong matagal nga akong maligo kaya kahit ala-una pasado palang ay nagbabad na ako sa banyo.

Pagkatapos ko ay nagbihis lang ako ng comfy na damit at dumiretso na sa starbucks, yes. Lagi na kaming andito, at again kilala na kami dito.

Una akong dumating at sinundan naman iyon ni Rhianne, na siya namang kinuwentuhan tungkol kay Justin, dahil dati rin ay nagkagusto siya sa kanyang pinsan kaya naiintindihan niya ako.

Pagkauwi ko ay nabanggit na sa akin ni Mama na sa makalawa ay uuwi pala kami sa Province namin, biglaan na naman!!!

AGHHHHH!!!

𝚂𝚎𝚌𝚛𝚎𝚝𝚕𝚢 𝚒𝚗 𝚊 𝚛𝚎𝚕𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚠𝚒𝚝𝚑 𝚖𝚢 𝚌𝚘𝚞𝚜𝚒𝚗Where stories live. Discover now