Chapter 5

6.5K 145 8
                                    


----- edited version

Justin's POV

Hanggang ngayon gali pa rin sa akin si Peach. Kahit pala ilang taon na ang lumipas ay kilala niya pa din ako, alam pa din niya kung kailan ako nagsisinungaling. Obviously, hindi ko nga sinabi sakanya yung totoo. Si Selena, siya yung almost a year ko ng nililigawan, wala eh hindi ko lang talaga masabi kay peach dahil wala naman akong nakikitanv sense o koneksyon kung babanggitin ko pa sakanya yon, ngunit nung nakita ko yung namamaga niyang mata nakaramdam agad ako ng guilt.

Pumasok ulit ako sa kwarto ni Peach, at as usual nakatapat na naman ang cellphone sa mukha niya. Mula noong pumunta kami sa resort nila tita hanggang dito sa probinsya ay ayon at ayon lang ang ginagawa niya. Nagkukulong sa kwarto at nagcecellphone, lalabas lang siya ng kwarto kung kakain na o kaya may pupuntahan. Pagka-kita niya sa akin ay naghanda na siya agad para sa pagtulog, hanggang ngayon talaga ay galit at ayaw niya parin akong kausapin.

Tumabi ako sakanya sa kama kahit halos sipain niya na ako at ipagtulakan para lang umalis ako sa kama, pero hindi kasi patuloy pa din akong sorry ng sorry. Habang siya patuloy na nagbabasa at hindi ako pinapansin.

"Ano ba? Halata namang nagpapaantok ako diba? Ang ingay ingay mo pa, umalis ka na nga!" bulyaw sa akin ni peach.

"Ayaw mo kasi akong pansinin e! Hindi rin ako aalis dito hangga't hindi pa tayo nagbabati!" maktol ko din.

"Oh sige wag ka ng umalis kung yan ang gusto mo! Bahala ka sa buhay mo! Manahimik ka nalang diyan at magpatulog ng tao!"

"Hangga't hindi pa tayo bati hindi ako aalis, peksman!" pangungulit ko sakanya.

"Bahala ka, nakakabadtrip ka." inis niyang sabi at nagtalukbong na nga.

ALAS-onse na nga ng gabi at tulog na nga si Peach dito sa tabi ko.

"Alam mo ba Pei? Natutuwa ako. Kasi makalipas ng ilang taon na tayong hindi nagkikita tapos ngayon heto na magkakabonding na tayo. Kaso eto nga lang, galit ka sa 'kin? Hindi ko naman masabi sayo na nililigawan ko 'yon si Selena, hindi ko alam e parang labag sa kalooban kong sabihin sayo, kasi para sa amin, para sakin ikaw lang ang prinsesa namin e. Tanda mo ba 'yon? Yung nagka-roon tayo noon ng kapitbahay na babae na naging kaibigan mo din tapos gusto din kaming kaibiganin? Diba inaway mo yon kasi sabi mo ikaw lang ang dapat na close sa amin, grabe hindi mo na ulit kinausap yung batang 'yon hanggang sa tuluyan na kayong lumipat ng bahay. Yung isang beses naman na nagka-crush ako, naalala ko non kinain mo yung mga lollipop na dapat ibibigay ko kasi sabi mo favorite ng prinsesa ko yon. Kinabukasan non, na-hospital ka kasi sobrang sakit ng tiyan mo, sa dami ba naman nun lollipop na yon. Ayun, ayun yung dahilan kung bakit ayokong may ipapakilala sayo na babae, baka kasi awayin mo ulit e. Ayaw ko na gusto ko at the same time, Ayaw kong may awayin ka na naman pero gusto ko kasi natutuwa ako na inaaway mo sila at nagseselos ka kasi feeling ko ayaw mong may babaeng malapit sakin e. Sa tuwing nang-aaway ka at nagagalit ka, bakit ganon pei?......" napatigil ako sa pagsasalita at napangiti nalang sa nararamdaman ko, ".... alam kong mali pero bakit hindi ko mapigilang mahulog? oo alam kong magpinsan tayo, pero langya pei, gusto kita... gustong-gusto."

Alas-dos na ng madaling araw ata ako nakatulog, at pagka-gising ko ay nakatalukbong na sa akin ang kumot na kagabi'y ginamit ni Peach.

𝚂𝚎𝚌𝚛𝚎𝚝𝚕𝚢 𝚒𝚗 𝚊 𝚛𝚎𝚕𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚠𝚒𝚝𝚑 𝚖𝚢 𝚌𝚘𝚞𝚜𝚒𝚗Where stories live. Discover now