Chapter 1

9.1K 336 91
                                    



SUMMER time is the best time for me.

Bukod sa mas lalo kong nakakasama ang best friend ko na si Rocky, ay nakakasama ko rin ang mga kababata ko na si Dan, Jengjeng at ang napaka-cute na magkapatid na si Will at Smith. Parang hollywood actor lang 'no?

Ako ang parang nanay sa grupo namin. I'm Legarda, pero mas gusto kong tawagin akong Legs. Para saan mas maikli at mas cool pakinggan.

Madalas, sinasabi nila na ako daw ang Darling ng Laguerta– my safe haven.

Wala nang mas gaganda pa sa lugar namin. Isa itong mayamang baryo sa Tuktok. Simple at masaya ang pamumuhay namin dito.

Malamig dito na akala ko may snow sa paligid. Madaming mga puno kaya ang sarap langhapin ng hangin. Mahal na mahal ko ang lugar na 'to kahit pa para sa iba ay talunan lang ang lugar at mga tao rito.

This was supposed to be the best summer for us pero sinira to ng mga sitio uno. Sa totoo lang, maganda naman sa lugar nila. Madalas pumupunta kami roon. Ang problema lang talaga ay 'yong grupo nina Macoy.

Mayaman ang pamilya niya kaya hindi na nakakapagtaka na masyado siyang matapobre. Siya at ang mga kasama niya.

"Ano bang problema nila at nagkakalat sila rito sa La Guerta? Akala ko ba best place sa kanila ang Sitio Uno," naiinis na sambit ni Rocky.

Kahit na galit siya, ang sarap pa rin niyang tignan. Mahahaba ang pilik mata niya at meron siyang makapal na kilay. At syempre kakaiba 'yong pag-igting ng mga panga niya.

Pero mabalik sa usapan, noong mga nakaraang araw panay ikot nina Macoy at mga kaibigan niya. Walang makapuna sa kanya dahil malakas ang mga magulang niya sa Mayor ng Tuktok. Gamit-gamit nila 'yong pick-up truck nito na may malakas na music. At kahit 'yong mga tanim ng mga tao sa La Guerta, sinisira nila.

"Relax ka lang Kap! Hindi tayo kaya ng mga 'yan," mayabang na sagot ni Will.

Mahilig tumulong si Rocky sa mga taga La Guerta. Siya rin nga ang madalas nakaka-ayos sa gulo rito. Siya rin ang parang lider sa aming magkakaibigan kaya Kap ang tawag namin sa kanya.

Sa totoong lang, talo pa niya ang isang kapitan sa pagiging matulungin at responsable niya. Isang sa mga bagay na sobra kong hinahangaan sa kanya.

"Aba, aba," singit ni Dan. "Nagyayabang ka d'yan Will, kapag ba tinanong ka ng mga 'yan ng math equation, makakasagot ka ba?"

And here's the total opposite of Rocky– si Dan.

He really likes to poke fun at us kaya minsan asar ako rito kay Dan. Akala mo naman ay matalino rin siya. Puro lang naman kalokohan ang alam niya. Aba, sixteen years old pa lang siya pero mahigit lima na 'yong nagiging girlfriend niya. Kaya imbes na pag-aaral ang nasa laman ng utak niya, puro babae.

Pero I admit, minsan din talaga ay nakakatawa 'yong mga jokes niya.

"Para saan pa at naging kapatid ako ang ever so genius na si Smith?" Inakbayan niya ang kapatid niya na kanina pa tinitignan ni Jengjeng.

Napangiti tuloy ako, i-deny man niya pero alam kong crush niya si Smith. Gustong gusto niya ang baby face na mukha nito.

Hindi ko nga lang alam kung mutual ang feelings nila sa isa't isa dahil mukhang hindi interesado si Smith sa ibang bagay kung hindi ang mag-aral.

"Kayo na sa utak, ako na bahala kapag pagandahan ng mukha ang labanan." Ngumisi siya at tinaas taas ang kilay niya. Mukhang baby face pa talaga 'to si Will kaya kung sa pagandahan ng mukha ay may ibubuga naman talaga siya.

Ganito talaga si Will, bilid sa sarili pero minsan hindi niya pinapagana ang utak niya. Akala niya puro laro lang ang lahat. Pero sa dami ng problema namin, minsan kailangan din talaga namin 'yong mga banat niya minsan na nakakapagpatawa sa amin.

Summer Camp (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon