Chapter 2

2.1K 152 34
                                    



SUMMER CAMP - para sa lahat ng kabataan sa Tuktok.

Bungad ng poster sa munisipyo. Napaisip nga ako, talaga bang para sa lahat ng kabataan o para sa lang sa mga taga sitio?

Joke time din 'tong mga 'to, e.

Kanina ko po nililingon ang mga tao rito at kami lang ata ang taga baryo. Halos lahat sila galing sa iba't ibang sitio. Napatanong tuloy ako sa kanila, "Tama ba talaga 'yong desisyon natin na sumali rito?"

Nadinig ko ang buntong hininga ni Rocky.

"Ilang taon nang mababa ang tingin ng Tuktok sa La Guerta, kaya naisip ko rin kagabi na baka ito na ang paraan para mapatunayan natin sa kanila na tayo pa rin 'yong mayaman na La Gueta noon. Nawala man si nanay, pero hindi nawala 'yong puso ng mga tao sa lugar natin."

Sa tuwing magsasalita si Rocky, hindi ko maiwasan na humanga sa bawat salita niya. Malalim at may laman, hindi kagaya ni Dan na kung ano-ano ang sinasabi. At speaking of...

"Kap, mamaya na tayo mag-drama! Ang daming chicks dito oh, enjoy muna natin. Malay mo nandito na 'yong magiging girlfriend natin."

Puro talaga siya kalokohan pagkatapos idadamay niya pa talaga si Rocky. At anong girlfriend? Wala pang panahon si kap para sa mga ganyan. Isa pa... siguro isang taga baryo ang tipo niyang babae at hindi 'yong mga taga sitio na halos alak at party lang ang alam.

"Alam mo Dan, kapag nanalo tayo sa Summer Camp, susubukan natin 'yong mga bar sa Maynila. Ayos ba 'yon?"

Tumaas ang kilay ko sa mga sinabi ni Rocky. Kailan pa siya nakaisip na mag-party ng ganyan? Ganito ba kalakas ang impluwensya ni Dan?

Hay nako, ang mga lalaki nga naman.

"Asan na ba 'yong Summer Camp na 'yan at makasali na nga!" Sigaw nila.

Dumiretso kami sa munisipyo para magpalista.

Ayon sa instructions, sampung team ang kukunin nila para sa preliminary round pero dalawang team lang ang talagang maglalaban sa mismong Summer Camp.

"Sulatan niyo 'tong form na 'to pagkatapos i abot niyo sa akin. Okay?" Utos ng taga munisipyo.

Kung tignan niya kami parang hinuhusgahan niya kami. Ibang iba kasi ang suot namin sa mga taga sitio. Dito mahilig silang mag-short at magpalda, samantalagang kami naman ay balot na balot.

"Kailangan ng pangalan ng grupo natin," sambit ko. "Ano naman ipapangalan natin?"

"Paano kung the best among the rest team?" Suggest ni Will pero lahat ata kami hindi nagustuhan 'yong pangalan. "Team palaban?"

"Team baryo?" Suggest ni Jengeng.

"La Guerta's Finest?" Suggest naman ni Dan.

For the first time, may nagustuhan ako sa mga sinabi niya. At tingin ko lahat naman kami sumang-ayon sa La Guerta's Finest. Lahat kami nagtaas ng kamay kaya iyon na nga talaga ang inilagay namin sa form.

Abot langit ang ngiti ni Dan na akala mo ang laki-laki nang nagawa niya para sa grupo namin. Nginisian niya pa talaga ako. Kung hindi lang sa cute na dimples niya, palagi talaga akong inis sa kanya.

"Maghanda na kayo, pagkatapos ng isang oras magaganap na ang preliminary round."

Nagulat kaming lahat sa sinabi niya, ako naman kinabahan. Hindi namin inaasahan na ngayon na agad 'yong preliminary round. Halos hindi kami nakapaghanda.

Wala rin naman sinabi kung anong gagawin. Parang blanko kaming lahat sa gagawin.

Nakita pa namin sa hindi malayo sina Macoy at ang sama ng tingin niya sa amin at hindi pa talaga siya nakuntento at nilapitan niya pa talaga kami.

"Kayo pala 'yong taga La Guertang bulok na sasali sa Summer Camp? Sure na ba talaga kayo d'yan? Baka mas lalong mapahiya 'yong lugar niyo kapag natalo agad kayo kahit sa preliminary pa lang."

Nilapitan siya ni Dan pero pinigilan agad siya ni Rocky. "H'wag na natin silang patulan, maghanda na lang tayo sa preliminary round."

Tinalikuran na namin sila pero itong si Macoy humirit pa ulit. Talagang ayaw niya kaming tantanan.

"Hindi ba ikaw si Rocky? 'Yong naririnig kong tinatawag na kap sa lugar niyo? Ikaw rin 'yong namatayan ng nanay 'di ba?"

Agad-agad na bumalik si Rocky para harapin si Macoy, "H'wag na h'wag mong idadamay ang nanay ko rito." Hinawakan niya ang kwelyo nito pero agad akong pumagitna sa kanila.

"Kap, tama na! Inaasar lang tayo ng mga 'yan para hindi tayo makapag-focus sa preliminary mamaya. Tara na."

Buti na lang napakalma ko rin si Rocky. Pasensyoso naman talaga siya pero sa tuwing idadamay ang pamilya niya, nawawala ang pagtitimpi niya.

Umalis muna kami roon para mapalayo kala Macoy. Gusto lang kaming i-distract ng mga 'yon para hindi kami makapasok sa huling dalawang team.

Sa ginawa niya, mas naging determinado ako na manalo kami. Para sa grupo namin at para sa La Guerta na ilang taon na nilang ibinababa.

Pinahupa namin ang isang oras. Nag-isip isip kami kung anong mga pwedeng ipagawa sa amin sa preliminary round at kung paano kami makakapasok doon.

Kung tungkol sa physical ang pagsubok, si Dan, Will at Rocky ang lalaban para sa amin. Kung tungkol naman sa written, si Smith, Jengjeng at ako ang lalaban. Kahit papaano, may naisip kaming plano, at umaasa ako na magamit namin 'yon sa mismong pagsubok nila.

Bumalik kami sa munisipyo pagkatapos ng isang oras at nandoon na lahat ng grupo na kasali. Kami nga lang talaga ang taga baryo na nandoon at lahat sila ay taga sitio. Pero sa tuwing makikita ko si Macoy, hindi ako pinaghihinaan ng loob dahil gusto ko silang matalo.

Dumating si Mayor Jose at nagulat kaming grupo dahil ngayon lang namin siya nakita nang malapitan.

Matangkad at mukhang mayaman talaga siya dahil sobrang kinis ng mga balat niya.

"Maraming salamat sa pagtanggap sa aming patimpalak na tinawag namin na Summer Camp. Para sa unang pagsubok..."

Kinuha niya ang sobre sa kanyang kamay at binasa niya ang nakasulat roon.

"Tayo ay magkakaroon ng written quiz. Ito ay isang quiz tungkol sa Tuktok. Kung kayo ba at talagang may alam sa ating lugar. Ito ay limangpung tanon na kailangan niyong sagutan sa loob lamang ng kalahating oras."

Nawala kahit papaano ang kaba ko. Madami kaming alam ni Smith tungkol sa Tuktok kaya hindi kami mahihirapan dito.

Nang tanawin ko sina Macoy, mukhang walang may alam sa grupo nila ng mga isasagot sa quiz.

Mabuti na rin para hindi sila ang makasama namin sa Summer Camp.

Ilang minuto rin kami nag-antay pa i-announce kung sino ang top two group na mapapasali. Hindi mawala ang kaba ko habang naghihintay.

Pagbalik ni Mayor, sinabi na niya ang resulta.

"Salamat sa paghihintay. Ngayon ang dalawang grupo na mapapasama sa Summer Camp ay ang team... La Guerta's Finest," napatigil si Mayor sa pag-announce dahil sa sigaw namin.

Hindi ako nakapaniwala na talagang nakapasok na kami. Isang hakbang na lang para manalo kami.

"At ang isa pang grupo na mapapasali ay ang... Team Walwal!"

Biglang sumigaw ang grupo nina Macoy.

H'wag mong sabihin na... sila ang makakasama namin?

Summer Camp (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon