Chapter 3

1.4K 110 21
                                    




EXCITED at masaya na sana kami dahil napasama kami sa Top 2 sa summer camp pero ang bagay na nakakapagpakaba sa akin ay dahil makakalaban namin ang grupo nina Macoy.

Sa totoo lang bagay sa grupo nila ang pangalan nila— team Walwal. Madalas kasi puro pag wa-walwal lang ang alam nilang gawin.

Alak doon, alak dito. Paano kaya sila nagiging masaya sa mga trip nila na 'yon?

Samantalang ako, masaya nang umupo sa ilalim ng puno at magbasa ng libro pero hindi naman kasing sipag at talino ni Smith. Pangarap ko kasing maging abogado paglaki ko.

Bago namin ipamalita sa buong La Guerta ang balita, nagpahinga muna kami sa tambayan namin sa maliit na kubo na ginawa nina Rocky.

"Kinakabahan ako," sambit ni Jengjeng sa akin. "Tatlong araw tayo roon, paano ko maayos 'yong mga buhok kung walang salamin doon? Pakiramdam ko kulang ako kapag hindi ako nakaayos."

Napakamot na lang ko ng ulo. Kikay kasi 'to si Jengjeng. Mahilig siya sa arts at fashion kaya gustong gusto niyang ayusan ang sarili niya. At isa pa sa gusto kong kataningan niya ay maganda ang boses niya.

"H'wag kang mag-alala, aayusan kita roon basta ba kantahan mo ako sa camp para makatulog agad ako," sagot ko.

Biglang singit naman ni Will sa usapan namin.

"Alam mo Jeng, kahit mag-ayos ka pa roon magmumukha ka pa rin naman jologs kala Macoy."

Sabay silang nagtawanan ni Dan.

Si Jengjeng ang sentro ng tuksuhan sa barkada namin. At numero unong pang-asar sa kanya ay si Dan lalo na 'to si Will. Hindi ko nga alam kung may gusto ba 'to si Will kay Jengjeng.

Basta ang alam ko, hinahayaan lang ni Jengjeng na maging sentro siya ng asaran sa amin dahil gusto niyang maging masaya ang grupo. Ayaw niya ng malungkot. Buti nga at sports lang siya.

"Alam niyo tigilan niyo na nga 'yan si Jeng, hindi naman 'yan nagpapaganda para kala Macoy. Nagpapaganda 'yan para sa sarili niya," sambit ni Rocky. "'Di ba Jeng?"

"Oo nga, tama si Kap! Kayo talaga no, hilig niyo ko asarin talaga."

"Kanta ka muna tapos hindi ka na namin aasarin?" Pang-aasar na naman ni Will.

Tinarayan na tuloy siya ni Jengjeng, "Mabuti pa, puntahan ko na si Nanay Jolens para ibalita kong pumasok tayo sa Summer camp."

Ngumiti siya pero kita ko sa mga mata niya na may lungkot at halong kaba. Eversince, gustong gusto ni Jengjeng na palaging mapasaya ang nanay Jolens niya.

Bata pa lang kasi siya ay iniwan na sila ng tatay niya para magtrabaho sa ibang bansa. Akala nila ay para magkaroon sila ng magandang buhay pero ang nangyari, hindi na nagparamdam ang tatay nito.

Naging malungkutin si Aleng Jolens pagkatapos noon hanggang sa may makilala siyang lalaki na nagpabalik ng saya nito. Akala ko nga happy ending na sila kaso isang araw, dinig na dinig namin sa La Guerta ang pagtatalo nila. Pinapapili siya ng lalaki kung siya ba o si Jengjeng ang pipiliin niya. Ang ending, pinili ni aleng Jolens ang anak niya.

Sinong ina ba naman ang matitiis ang anak niya?

Imbes na matuwa si Jengjeng, nalungkot siya para sa nanay niya. Pakiramdam niya siya ang nagdadala ng kalungkutan sa buhay nila. Kaya eversince, effort kung effort siya para pasayahin ang nanay niya at kahit 'yong mga tao sa paligid niya.

"Ang lalim ng iniisip natin d'yan, ha?" Kahit kailan talaga itong si Dan, parang kabute na magilig sumingit. "Share mo naman, baka mamaya bigla ka na lang sumabog d'yan."

"Nalulungkot lang ako para kay Jengjeng. Ang dami niya kasing naging insecurities dahil sa nangyari sa nanay at tatay niya. Pwedeng pwede siyang manalo sa mga singing contest sa sitio pero pakiramdam niya, hindi siya magaling. Ni ayaw na nga niyang kumanta, e."

Ginulo ni Dan ang buhok ko habang nakangisi, "Alam mo nanay na nanay talaga ang dating mo. Pati mga bagay na hindi mo na dapat intindihin, iniintindi mo pa. Dapat ang intindihin mo na lang ay ang mahalin ako– este 'yong sarili mo."

Kahit anong pick-up lines pa 'yong gamitin sa'kin nito ni Dan, hindi na 'yan uubra. For sure ilang babae na 'yong nakarinig niya. H'wag ako no, don't me.

Tinaasan ko lang siya ng kilay ay ngumisi rin.

"Mahal ko naman sarili ko kaya nga hindi ko na kailangan ng pagmamahal galing sa iba."

Boom! Ayan ang para sa'yo Dan. Hindi ko kailangan ng pagmamahal mo.

"Talaga? Kaya ba tuwang tuwa ka kapag pinapares kayo ni Rocky ng mga taga La Guerta?"

Sabay kaming napatingin kay Rocky na buti na lang ay nasa malayo at hindi naririnig nag pinag-uusapan namin. Kung hindi, batok talaga ang abot sa'kin nito ni Dan. Hindi niya ako madadaan sa malalim niyang dimples.

"Magkaibigan lang kami, okay? At ikaw tigilan mo na ako, hindi ako chicks ha."

"Anong chicks, hindi–"

May sasabihin pa sana siya pero tumayo na ako at umiwas.  Bukas kailangan na namin pumunta sa camp at mananatili kami roon ng tatlong araw na hindi pwedeng lumabas.

Wala kayang multo sa camp na 'yon? Pero h'wag ka raw matakot sa patay, sa buhay ka matakot! Pero for sure naman, hindi kami papabayaan ni Rocky. At speaking of, lumapit ako kay Rocky para itanong kung anong susunod naming gagawin.

"Anong plano, kap?"

"Sasabihin ko 'to sa buong La Guerta mamaya sa pagtitipon natin. At kayo, ihanda niyo na 'yong mga gamit niyo. Gawin natin ang lahat para manalo tayo rito."

Isa-isa kaming umuwi sa mga bahay namin. As expected, tuwang tuwa si mama at papa sa'kin. Pinangako ko sa kanila na gagawin namin ang lahat para manalo kami.

Pagkatapos namin maghapunan ay pumunta kami sa gitna ng La Guerta, dito madalas magsalita ang purok namin at dito rin sasabihin ni Rocky ang magandang balita.

"Alam kong matagal ng mababa ang tingin ng mga taga Tuktok sa lugar natin, sa La Guerta. Pero ngayon, sumali kami sa Summer Camp na inorganisa ng ating Mayor at umaasa kami na mananalo kaming anim dito."

Isa-isa namin siyang sinamahan sa gitna. Tuwang tuwa ang mga tao sa La Guerta. Ngayon ko na lang sila ulit nakita na ganito simula ng mamatay ang nanay ni Rocky na si aling Maya.

"Galingan niyo!"
"Kayo ang pag-asa ng lugar natin!"
"Makikilala ulit ang La Guerta dahil sa inyo!"
"Go Rocky and friends!"

Ayan ang mga sigaw nila. Malalim ang ngiti ng bawat isa sa amin pero nakaramdam ako ng pressure. Parang isang naging mabigat na responsibilidad ang pagsali at pagpanalo namin sa camp.

Isa-isa akong namigay ng kakanin na niluto ko kanina. Bilang nanay ng grupo, palagi ko silang nilulutuan nito at ngayong gabi na 'to, ibinahagi ko sa La Guerta ang pagkain na 'to. Umaasa na may dala 'tong swerte at manalo kami.

Malalim ang buntong hininga ko.

Kaya ba talaga namin manalo laban kala Macoy?

Summer Camp (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon