Chapter 5

999 90 21
                                    




AS USUAL, always ready si Rocky sa mga bagay. Akalain mo na nagdala pa siya ng papel at ballpen.

"Korni mo naman Kap! Dapat walang aral-aral dito, bakit naman may papel at ballpen ka pa? May exam ba?" Reklamo ni Will. Sabay-sabay kaming tumawa. "Basta ako labas ako d'yan sa mga written exam na 'yan. Nandito ako para mag-enjoy!"

"Teka kalma,ililista natin 'yong mga gagawin natin. Pero paano nga na natin bubuohin 'yong cabin?" Tanong nj Kap.

Kinuha ni Smith 'yong papel sa kanya, "Alam ko kung paano natin bubuohin 'yong Cabin. Ito 'yong mga kailangan natin kunin isa-isa. Hatiin natin sa tatlo 'yong grupo natin, tig dalawa sa isang grupo."

Ang galing talaga ng boy genius na si Smith. Parang lahat ng bagay alam niyang gawin.

"May mga tools na tayo rito kaya mga resources na lang ang kailangan natin. Kailangan natin ng malalaking at maliliit na kahoy, mga pwedeng gawing lubid at dahon ng niyog na pwede natin ipangtapal sa bubong nito."

Good choice, mas mapapadali 'yong challenge namin kung madami kaming kumikilos. At the end of the day, may kalaban kami rito at kailangan namin manalo. Para sa La Guerta.

"Kap, pwede bang pass muna ako d'yan? Dito na lang muna ako sa site natin para magbantay at mag-ayos ng mga gamit. Mahirap na baka kunan tayo ng gamit nila Macoy, e."

Tinaasan ko agad siya ng kilay, "Ang sabihin mo, tinatamad ka lang maglakad lakad."

"Ikaw naman Legs, ako pa ba tatamarin? May point naman ako 'di ba? Huy Smith, pagtanggol mo naman kuya mo rito!"

Umiling na lang 'yong genius niyang kapatid, "Sige na, may point ka naman din. Survival ang model ng Summer Camp na 'to at hindi nga imposible na makuhanan tayo ng gamit."

Wow ha, for the first time at nagkaroon din siya ng point. Kung hindi na siya sasama, kulang ng kasama 'yong isa sa amin?

"Ganito na lang, kaming tatlo ang magkasama. Legs, Dan at ako ang magkagrupo pagkatapos si Jengjeng at Smith naman ang magkasama. Okay ba?"

Tinignan ko si Jengjeng at may kakaibang ngiti sa mga labi niya. Hindi ko na siya pinuna pero parang alam ko na kung bakit.

Pero nakakainis, nasama pa tuloy sa amin 'to si Dan. Dalawa na nga lang sana kami ni Rocky na magkasama.

"Parang ang laki ng ngiti mo d'yan na makakasama mo ako, ah." Speaking of the devil. "H'wag kang masyadong mahulog sa charm ko, ha. Baka ma in love ka sa'kin Legarda."

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

Aaminin ko, gwapo naman talaga siya. At oo, siya ang pinaka gwapo sa La Guerta pero kanit anong gawin niya hindi tatalab sa'kin 'yong sinasabi niyang charisma. Isa pa... sa iba naman nakatuon ang atensyon ko.

"Pwede ba? Tumahimik ka at nakikinig ako kay Kap kung anong kailangan natin kunin."

"Puro kap...." ang hina ng boses niya kaya hindi ko masyadong naintindihan 'yong sinasabi niya.

"Anong sabi mo?"

"Wala, sabi ko makinig ka na d'yan kay Rocky."

Hindi ko alam kung bakit minsan naiinis 'to si Dan kay Rocky. Sa totoo nga n'yan parang kapatid na ang turing ni Kap sa kanya.

Bata pa lang 'to si Dan, daddy's boy na siya. American ang dad niya pero nakatira sila sa La Guerta kasama a nanay niya na si Aling Corrine.

Kaso isang araw, ang kwento ni nanay, bigla na lang may sigawan sa bahay nila. Lumabas si Aling Corrine na iyak nang iyak at dala-dala si Dan.

Naghiwalay na pala sila ng asawa niya. Ang gusto ng daddy ni Dan na isama siya nito sa America pero kahit makipagpatayan pa si Aling Corrine, hindi niya ibibigay ang anak niya.

Kaya lumaking walang father figure si Dan pero buti na lang nandyan ang asawa ng kapatid ng nanay niya na si Mang Vito; tatay ni Rocky.

Yep, magpinsan silang dalawa. Nagtataka nga lang ako kung bakit kabaligtaran ni Rocky itong si Dan.

"Susubukan kong tumawid sa kabila ng ilog para tignan kung may mga makukuha tayong mga malalaking kahoy at mga lubid sa kabila. Dito na lang kayong dalawa Legs at Dan."

"Ha? Iiwan mo ko rito kay Dan?" Hindi ko naiwasan na tumaas ang boses ko. "Sasama na lang ako sa'yo!"

"Legs, delikado tumawid sa ilog. Mas safe ka rito kasama si Dan. Isa pa hindi ka naman papabayaan n'yan, ikaw pa ba. 'Di ba Dan?"

"E si Legarda lang, walang tiwala sa'kin."

Wala talaga, sa dami ng babaeng niloko mo, sino pa bang magtitiwala sa'yo?"

"Sige na, maghahapon na at kailangan na natin makuha 'yong mga gamit na kailangan natin. Mahirap abutin ng gabi dito sa kakahuyan. Magbantay din kayo baka may mga isda pala d'yan sa ilog."

Sinunod ko na lang si Kap kahit na ayoko talagang maiwasan kasama 'to si Dan. Wala naman akong choice, e.

Umupo ako sa isang malaking bato sa tabi ng ilog. Pinagmamasdan ang tubig at baka may makita akong isda. Pero likod lang ni Dan ang nakikita ko.

"Ang daming nagmamahal kay Rocky no?" Bigla niyang sabi. "Sa totoo lang malaki 'yong inggit ko sa pinsan ko na 'yan, e."

Humarap siya at tumabi sa akin.

"Ang perfect ni Rocky, halos lahat ng magulang gugustuhin siyang maging anak. Halos lahat ng tao mahal siya. Samantalang ako... wala."

Nawala sandali 'yong pagkainis ko sa kanya dahil sa sandali na 'yon, naramdaman ko 'yong lungkot sa boses niya.

"Pero sa totoo lang mas pogi naman ako d'yan sa pinsan ko. Tska alam mo Legs, boring ang mga good boy ngayon. Mas mag-e-enjoy kang kasama ang mga bad boy na mapagmahal na katulad ko."

Biglang bumalik 'yong inis ko sa kanya. Ito na naman kasi siya sa pagyayabang niya.

Mas gugustuhin ko ang good boy kesa sumakit ang ulo ko sa gwapo pero bad boy at babaero naman.

May binubulong pa si Dan pero hindi ko na narinig dahil nakatutok sa mga isdang pwedeng dumaan. At meron ngang isa!

"Uy, may isda! Tara hulihin natin!" Sigaw ko.

Tumalon siya bigla at kumuha ng kahoy na matulis. Ilang beses niyang sinubukan tusukin 'yong dumadaan na isda pero wala.

Hindi ko tuloy maiwasan na pagtawanan siya.

"Talaga ba, Legarda? Ikaw kaya rito?"

Sinubukan ko 'yong ginagawa niya at nagulat ako kasi may natuhog agad akong isda.

"Seryoso? Bakit ikaw nakuha mo agad?"

"Magaling kasi ako, alam mo naman 'yon 'di ba?" Pang-aasar ko sa kanya.

Naka limang isda rin kami na lahat nakatuhog sa kahoy. Kukuha pa sana kami ng isa pero bumalik na si Rocky at ang dami niyang bitbit na malalaking kahoy. Kahit wala siyang muscles, pakiramdam ko ang macho niya tignan.

"Aba, nakakuha nga talaga kayo ng isda ha? Mabuti pa balikan na natin si Will at lulubog na ang araw."

Nakasabay pa namin pabalik si Jengjeng at Smith na parehong nagtatawanan. May dala-dala silang mga buko at dahon ng saging. Mukhang pagkain ata ang kinuha nila.

Ang unang challenge gumawa ng cabin pero parang inuna ng dalawa na 'to 'yong gutom nila. Pero sabagay, gutom na rin talaga ako.

Pagtingin namin sa camp namin, wala na roon si Will pero nandon pa 'yong mga gamit namin.

"Will?" Sambit ni Smith. Hinanap niya agad ang kuya niya pero wala siya. "Will nasaan ka?"

"Teka relax, baka nandyan lang 'yon at naglakad-lakad," sambit ni Dan.

"Base sa pag-research ko, may mga mapanganib na hayop sa ganitong klaseng lugar. Kaya kung maglalakad-lakad siya mag-isa rito ay mapanganib!" Tarantang sabi ni Smith.

Nakaramdam ako ng kaba. Hindi namin mahagilap kung nasaan si Will.

Will, saan ka ba nagpunta?

Summer Camp (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon