Chapter 7

855 84 15
                                    



KAILANGAN namin bumawi sa second challenge dahil kapag natalo kami rito ay panalo na ang team nina Macoy. For sure magiging literal team Walwal sila kung sila ang mananalo rito.

Tinipon kami ng organizers kasama sina Mayor at media para ipaliwanag ang pangalawang challenge namin. Ito na rin ang pangalawang araw namin dito sa Camp.

Grabe kung makangiti 'tong sila Macoy, halata mo talagang nang-aasar pa sila. Pasalamat na nga lang sila at hindi na namin sila sinumbong pa sa mga organizers dahil kung hindi nila tinago si Will sa kweba, matatapos sana namin agad 'yong cabin.

"Congratulations on finishing the first challenge!" Bati ni Mayor. "Napakagaling niyong lahat, lalo na ang babata niyo pa pero nakagawa kayo ng sarili niyong cabin at nakapag-provide rin kayo ng sarili niyong makakain."

Nagpalakpakan ang mga organizers at media. Ngayon lang ako humarap sa mga camera na 'to kaya hindi ko maiwasan na mailang. Pakiramdam ko gano'n din sina Rocky. We never wanted the attention for our own. Ang gusto namin ay mapansin ulit ang La Guerta– hindi kami mismo.

But we represent our home now. Kaya kailangan namin gawin ang best namin dito.

"For the second challenge, dito naman masusubukan ang galing niyo sa pagluluto."

Sabay-sabay kaming tumingin sa isa't isa. Mayaman ang La Guerta sa maraming tanim at pagkain kaya bawat isa sa amin ay may kanya-kanyang expertise sa pagkain. Mas lamang nga lang ako pagdating sa pagluluto ng kakanin.

"Bukas ng umaga, bago ang huling challenge ay magkakaroon ng tasting portion ang mayor at ang apat nating judges. Ang grupo na may pinakamasarap na maihahain bukas ng umaga ang siyang mananalo sa pangalawang pagsubok."

Humigpit ang pagkakahawak ni Rocky sa balikat ko, "Matitikman nila bukas ang masarap na kape ng La Guerta." Sambit niya.

Saktong sakto na almusal ang pagkain na ihahain namin. Magagawa namin ang ipinagmamalaki naming La Guerta's Coffee.

"Good luck team Walwal at La Guerta's Finest!" Sigaw ni mayor.

Ang sama ng tingin sa amin nina Macoy at mukhang balak na naman niya kaming guluhin pero nilayo ko na agad ang grupo namin sa kanila. Wala kaming panahon para sa mga kalokohan nila.

Mahaba ang oras namin para makapag plano ng lulutuin at para na rin kumuha ng mga sangkap sa pagkain.

Pero bago ang lahat, kumuha muna kami ng makakain sa tanghalian at hapunan para mamaya puro pag pa-plano na lang ang gagawin namin.

Bumalik kami sa ilog kung saan kami nakakita ni Dan ng isda kahapon. Magkakasama na kaming lahat at wala kaming iniwan na kahit isa.

"From now on, hanggang matapos ang huling challenge dapat magkakasama tayong lahat." Utos ni Rocky. "Hindi pwedeng may maiiwan sa atin kahit isa."

Pagdating namin sa ilog, agad kaming naghanap ng mga isda. Noong una masaya dahil nagkakatuwan at biruan pa kami sa pagkuha ng makakain pero biglang nagalit si Rocky.

"Guys! Tama na ang laro, okay? Kailangan maging seryoso tayo rito. Hindi tayo pwedeng matalo sa second challenge kasi mananalo na agad sina Macoy. Hindi 'yon pwede!" Ibinaba niya ang hawak niyang kahoy na pangkuha niya sana sa mga isda. "Kukuha pa ako ng mga kahoy para pangluto natin bukas."

Lahat kami natahimik habang pinagmamasdan namin si Rocky na naglalakad palayo. Hindi ko siya magawang habulin dahil alam kong gusto niyang mapag-isa muna.

Madaming tao ang tumitingala kay Rocky, at isa na ako doon. Siya ang pinaka responsable at pinaka caring na tao na nakilalal ko. Palagi niyang inaalagaaan ang ibang tao pati na ang La Guerta.

Pero minsan... nagiging bossy at controlling na siya.

"Okay lang ba 'yon si Kap? Galit ba siya sa'kin kasi ako nagpatalo sa grupo natin sa unang challenge?" Tanong ni Will. "Hindi ko naman sinasadya 'yon..."

Inakbayan siya ni Dan, "Hindi 'yon galit, alam niyo naman kung gaano mag-alala sa'tin si Kap 'di ba? Baka stress lang 'yon dahil pressured siya sa challenge. Ang magandang gawin natin is tulungan siya at ang isa't isa." Sambit niya.

"Aba, ngayon lang nagkaroon ng sense 'yang mga sinasabi mo ha,." banggit ko.

"E ikaw e, hindi mo naman kasi talaga nakikita 'yong sense ko," reklamo niya. "Pero agree naman kayo 'di ba? Kaya gawin natin ang lahat para manalo tayo sa second challenge."

"Tama!" Singit ni Jengjeng. "Dapat magtulungan tayong lahat dito kaya dapat may tig isang pagkain tayong gagawin para sa agahan nila bukas."

Napakamot ng ulo si Will, "Pwede bang taga hiwa at halo na lang ako d'yan? Alam niyo naman na mahina ako sa lutuan, e. Si Legs masarap magluto."

Wala naman kaso sa'kin ang magluto pero maganda ang ideya ni Jengjeng.

"Hintayin natin si Kap kung akong sasabihin niya," sambit ko. "Alam niyo naman na siya ang susundin natin."

Saktong pagbalik ni Rocky. May dala-dala siyang kahoy at nagulat kami dahil may dala siyang isang box na may tatlong manok na ang ingay-ingay.

"Saan galing 'yan, Kap?" Tanong ni Will habang kinukuha ang mga kahoy sa kamay niya. "Meron palang ganyan dito?"

"May sulat sa box," sabay-sabay kaming lumapit at tinignan ang nakasulat doon. "Sa mga masisipag maghanap, ito ang inyong premyo. - Mayor."

Naglagay pala talaga sila ng ganito. May itlog pa nga sa box kasama ng mga inahing manok.

"Magagamit natin 'yang mga itlog para bukas. 'Yong isang manok, pwede natin kainin ngayong gabi." Sambit ni Smith. "Pero sandali, may nakasulat pa sa likod ng papel."

Hindi namin maintindihan dahil nakasulat ito sa baybayin pero dahil kasama namin ang genius na si Smith, nabasa niya 'to ng walang kahirap-hirap.

"Para sa mga magagaling, mababasa niyo ito. May limang kilo ng bigas na nakatago sa isa sa mga puno sa likod ng inyong camp."

Excited at nagmamadali kaming pinuntahan ang sinasabi sa papel. At totoo nga, may maliit na sakong bigas nga.

"Madami tayong energy para bukas, rice is carbohydrates that gives us energy."

Ito na naman siya sa mga scientific terms niya na wala naman problem sa akin pero itong si Will, parang nosebleed na sa mga pinagsasabi ng kapatid niya.

"Okay na Smith, energy lang na-gets ko e. Mabuti pa saingin at lutuin na natin 'yan."

Masaya namin niluto ang isang manok dalawang kilong bigas. Pero napansin kong tahimik si Rocky.

Gumawa kami ng bonfire sa gitna at isa-isa na kaming kumain nang naka-kamay at kahoy na plato na dala ni Will.

"Guys, gusto ko lang sana mag-sorry kanina. Masyado akong naging bossy sa inyo kaya sorry. Nakalimutan ko na bukod sa pagkapanalo sa challenge ay dapat mag-enjoy tayo at lalong mapatatag ang pagkakaibigan namin."

Lumapit kami sa kanya at inakbayan ang isa't isa para sa isang group hug.

Ito ang tropahan na never kong iiwan.

Summer Camp (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon