Epilogue

1.4K 83 20
                                    


NAKAKABINGING ingay ang sumalubong sa amin sa La Guerta.

"Congrats Team La Guerta's Finest!" Sigaw nila habang humihiyaw. "Proud kaming lahat sa inyo!"

Sinalubong kami nina nanay at tatay. Si Manag Jada ang tita ni Will at Smith. Si Mang Vito na sobrang supportive sa anak niyang si Rocky. Si Manag jolens na kasing kikay ng anak niyang si Jengjeng. At si Manang celine pero cold pa rin siya, buti na lang hindi namana lahat ni Dan ang ugali niya.

"Ikinagagalak kong batiiin kayong lahat sa pagkapanalo ninyo sa Summer Camp. At dahil d'yan, ang buong La Guerta ay magdidiwang! Sagot ko na ang handa ngayon!" Sigaw ni Mang Vito.

"Awoo! Awoo!" Sigaw nila, ang madalas namin isigaw dito sa La Guerta.

Nagpunta muna kami pabalik sa kanya-kanya naming bahay para magpahinga at itabi ang mga gamit namin. Kinausap ako ng mga magulang ko para sabihin muli na proud na proud sila sa amin lalo na sa akin.

Naghanda sila ng paborito kong gawin na kakanin. Handa ito mamaya sa pagsasalo-salo namin.

Pumunta kami sa masaya inn na pag mamay-ari ni Ma'am Celine. Nandito si Manag corrine, isa sa mga malapit din sa amin sa La Guerta. May hinanda raw siyang pasasalamat sa aming anim.

"At dahil nanalo kayo sa Summer Camp, ibinurda ko kayo isa-isa ng panyo na may pangalan ninyo."

Isa-isa niyang inabot sa amin ang regalo niya.

"Manang corrine, sino 'yong babae sa litrato?" Tanong ni Rocky habang nakaturo sa picture frame ng isang batang babae. "Ngayon ko lang siya nakita."

"Ah 'yan ba? Si Cars 'yan kapatid ko na nasa Maynila."

Sabay-sabay kaming nagulat sa sinabi niya, "May kapatid ka pala Manang corrine?"

"Alam niyo, pumunta na tayo sa salo-salo."

May salo-salo na inihanda ng La Guerta para sa lahat.

May hinanda silang mga kakanin at kape. Talagang pinaghandaan niya ang pagkapanalo namin. Buti na nga lang at hindi namin sila nabigo.

"Masaya ako dahil bukod sa pagkapanalo ninyo ng limang libo ay magkakaroon pa ng tulong na pangkabuhayan ang mga tao sa La Guerta. Magkakaroon na ng chance mas makilala ang kape natin at pwede na natin magawa ang coffee wine nina Rocky! Magkakaroon na ng pag-asa muli ang La Guerta!"

Sabay-sabay kaming naghiyawan. "Awoo! Awoo!"

Ito na ang panahon na pinapangarap namin, ang makilalang muli ang La Guerta.

"Kaya ngayon, kumain tayong lahat!"

Masaya kaming kumain at nagkwento sa mga tao roon tungkol sa mga challenges na ginawa namin sa Summer Camp. Manghang mangha sila sa amin.

Pagkatapos naming kumain ay nag-bonfire kaming anim sa palagi naming tambayan, sa tabi ni kulangkot, ang truck na matagal na namin gustong mapaandar.

Naghanda siya ng marshmallow na tutunawin namin sa apoy.

"Guys, gusto kong magpasalamat sa inyong lahat. Sa lahat ng tulong niyo at dahil hindi niyo iniwan ang isa't isa." Sambit ni Rocky. "Itong limang libong premyo, hatiin natin sa ating lahat."

"Ako hindi ko kailangan ng premyo, mas gusto ko pang gamitin natin 'yan para lalo mong mapag-aralan 'yang coffee wine. Ano sa tingin niyo?" Suggest ni Dan.

Lahat kami sumang-ayon sa kanya. Napapadalas na ang mga sinasabi niyang may sense ha.

"Ako rin, hindi sa pagyayabang pero hindi ko pa kailangan ng pera na 'yan. Kaya walang problema, Kap." sambit naman ni Will.

"Sigurado ba kayo?" Tanong muli ni Rocky.

Tinaas ko ang kamay ko, "Ako sigurado ako! Mas matutuwa ako kapag natuloy ang plano mong coffee wine!"

Sumang-ayon din ang lahat.

"Naisip ko lang," singit ni Smith. "Palitan kaya natin ang pangalan ng grupo natin? Masyadong mahaba ang La Guerta's Finest."

"Ano naman naisip mo boy genius Smith?" Tanong ni Jengjeng.

"Tropang WISE? Anong tingin niyo?" Sagot ni Smith. "Tropang Walang Iwanan Sa Ere!"

Mas maikli nga at mas maganda. Pakiramdam ko rin mas pasok sa samahan namin dahil ang pagkakaibigan na ito, kahit kailan, walang nang-iwan sa ere. Kahit pa sa mahirap na sitwasyon, nand'yan kami para sa isa't isa.

Tumayo si Rocky, "Deal, simula ngayon WISE na ang tawag natin sa grupo na 'to."

Nilagay niya sa harap ang kamay niya. Isa-isa kaming tumayo para ipatong ang mga kamay namin sa kamay niya. Nang magkakapatong na ang lahat ng kamay namin, inangat ito ni Rocky at simagaw.

"Team Wise! Walang Iwanan sa Ere!"

"Wait, ang boring! Gawa tayo ng dance steps, sundan niyo ako." Sambit ni Jengjeng.

Lahat kami ginaya siya.

"Ganito ha, sisigaw muna tayo tapos tska sasayaw. Ganyan dapat ang ritual natin sa grupo natin," paalala niya.

Nilagay ulit namin ang kamay namin sa gitna. Itinaas namin ito at sumigaw ng, "Team Wise! Walang Iwanan Sa Ere!"

At doon kami sinayaw ang dance steps na ginawa ni Jengjeng.

At d'yan nagsimula ang WISE...

END

—-

Catch the continuation of the story on Tara, G! coming this October 7 na sa iWantTFC!

Catch the continuation of the story on Tara, G! coming this October 7 na sa iWantTFC!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Summer Camp (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon