Prologue

4 0 0
                                    


  “Captain Guerrero, what's your next country?”

    Maaliwalas ang panahon, payapa ang dagat, malamig din ang simoy ng hangin. Hindi makakaila na nakatayo ako sa ating bansa. Nakahanda na akong sumampa ng barko, barko na may dalang tone toneladang mga produkto, patungo na naman sa ibang bansa, at mag sisismula na naman sa panibagong pag lalakbay.

    Natulala ako saglit bago sagutin ang tanong ng isang magandang babae, siya si Ren, kaibigan ko. Isang architect. Nag tatrabaho sa Manila pero andito sya ngayon sa Bataan dahil sinamahan nya ako at para nadin mag paalam, sobrang bait nya sakin, sya din lagi kong kinokontak tuwing may problema ako.


  "Spain", ngumiti ako sa kanya ,"sa tinggin ko ilang buwan ulit bago ako makabalik"


   "Wag  mo kalimutan mag uwi ng pasalubong ah, mag uwi ka ng best seller food nila dun, ingat sa journey mo, andito lang ako"sabay tapik aking balikat, bakas sa kanyang mukha na may luhang pumapatak. Hinawakan ko sya sa ulo na parang bata, bago niyakap.


   Nag paalam nako sa kanya, at umakyat na sa taas, inilagay ko ang gamit ko sa aking cabin, at pumunta sa HQ dahil duty ko ngayon. Kasama ng ibang crew, malungkot na may halong saya, ganito lagi ang sitwasyon tuwing aalis kami, pero kabaliktaran naman pag pa uwi. Nakahanda na ang lahat, nakatakda na din ang oras.

  
Muli tumawag ako sa aking pamilya upang mag paalam, pumunta sa gilid ng barko at sa huling beses ay tiningnan ang aking kaibigan habang kumakaway, bumalik sa HQ upang simulan na ang pag lalakbay.

"Kapalongan ship, ready to sail off"

    Ilang buwan kaming nag lakbay sa dagat, paulit ulit na pang yayari, ilang bagyo din ang dumaan pero lahat ng yun madali naming nalimpasan, ako kaya ang Captain, ako ang pinaka magaling na captain.


   Tumigil ang aming barko sa Egypt, upang mag imbak ulit ng supply, dalwang araw ulit bago mag simula ulit sa pag lalakbay.

  
  Kinausap ko muna ang ibang crew para sabihang mag pahinga muna. Ilang saglit pa ay may tumawag sa mobile phone ko, alam ko na agad kung sino ito. Tumawag sakin si Ren mukhang miss na miss na ako.

   "Eyy Ren, what's up??," agad ko siyang binati, naririnig ko din sa kinikilig habang inaasar sya ng mga kasama nya.

   "Kiel, i miss you HAHAHAHAHA" ,masaya si Ren at tuwang tuwa habang nakikipag usap sakin.


   Wala kasing signal sa gitna ng dagat kaya ngayon lng ulit ako nakatawag. Ngayon nalang din nya ako naka usap.


    "Uuwi ka ng pasko??, Uwi ka ahh, mag hahanda ako, bawal ka mawala, papasundo kita dyan"  mas mukha pa siyang exited kaysa sakin ah.

     Naka plano talaga akong umuwi sa pasko, sigurado matutuwa yun pag nakita na naman ako. Pag iisipan ko pa kung uuwi ako sa probinsya.


    "Musta project mo?, balita ko ikaw mag paplan sa house ni Mr. Valdez ah"

   
Magaling mag design ng structure si Ren, siya ang head ng architectural company ng pinag tatrabahuhan niya.

 
  "Okay naman, need ko lang mag relax para gumana utak ko" malungkot ang boses niya, mukhang may problema siya but alam ko naman na malakas siya eh, matapang.


    Nag usap pa kami ng ilang minuto bago nya ito pinatay, nag paalam sya sakin na may pupuntahan sya kaya hindi ko na ito ibala pa.


    Tumawag ako sa pamilya ko at sa iba ko pang kaibigan.


SEAS AWAY FROM YOUWhere stories live. Discover now