Chapter 8

3 0 0
                                    







Maraming araw ang lumipas at mas naging dikit pa kami ni Hana.




Madalas na kami nitong nag uusap at mukhang masaya naman samin si KC.





May time na hindi sumasama si Ren, pero baka may ginagawa lang. Naging close din kami ni Felix at kung minsan ay tinuturuan ako nito mag maneho.



Noong huli naming gala, galing kami sa kabilang barangay at ako ang nag maneho. Muntik na kaming madisgrasya nun buti nalang nakontrol ko din agad.




Kakagising ko lang kaya naligo muna ako. Nagbihis lang ako ng black Tshirt at brown short, nag suot nadin ako ng rubber shoes at nag ayos ng mukha ng konti, kinuha ko sunglass ko bago ako pumunta sa bahay nila Ren.



"Iho, andyan ka pala" ngumiti sa akin si Tita Karla bago ako pinapasok sa loob.



Hindi ko siya tunay na tita pero mama siya ng kaibigan ko eh.




Umakyat ako sa taas at pumasok sa kwarto ni Ren, naabutan ko siyang natutulog kaya hindi ko muna ito ginising. Medyo makalat kwarto niya mukhang hindi pa siya nag lilinis, maraming papel ang naka kalat kaya kinuha ko yun at inilagay sa lamesa niya. Kumuha na din ako ng walis para ipag walis siya, habang nag wawalis ako biglang may isang maliit na papel ang lumabas mula sa baba ng higaan nito. Kinuha ko iyon at binasa ang naka sulat.


About ito sa school na papasukan niya sa college, Manila ito, mukhang last na bakasyon na namin to ah.Dapat sulitin ko na.


Inayos ko na din yung lamesa niya ng biglang may nahulog na mga papel dito. Tiningnan ko ito at puro love letters ang laman, galing kung kani kanino. Inayos ko na ito bago nilibot ang tingin sa paligid. Malinis na siya ngayon, puro paintings at design ang kwarto ni Ren, kompleto table niya ng pang drawing, pati mga notebook puno ng mga sketch, bilib talaga ako sa babaeng to.





Habang natutulog nakita ko siyang gumalaw kaya nilapitan ko ito, pumunta ako sa harapan bago unti unting nag mulat mga mata niya. Ang ganda din niya kahit bagong gising. Ngumiti siya sa akin bago nag salita.





"Tumigil ka, Khiel hanggang sa panaginip dinadalaw mo ako" kalahati ng mata niya ang nakabukas at halatang bagong gising pa ang boses.




"Hindi lang sa panaginip" mahinahon ako sa kanyang nakipag usap habang naka tingin a din ako sa kanya.





"Kiss?" nag form ng kiss ang labi niya at naka tutok ito sa akin.





Ilalapit ko na yung lips ko papunta sa lips niya ng bigla niyang hinawakan ang mukha ko. Kinapa niya ito bago may napansin.







"Shit totoo pala!!!" tinakpan niya ng kumot ang mukha niya bago niya ulit ito tinigkal.





"Sira ulo ka talaga Khiel, bakit hindi mo tinuloy este hindi ka kumatok"







Sumigaw siya ng malakas  kaya sinabihan ko ito na huwag maingay at baka marinig kami ng mama niya, buti nalang lumabas si Tita Karla kaya hindi siya narinig, mama lang niya ang kasama niya sa bahay dahil OFW ang papa niya at solong anak lang siya





Bigla siyang tumayo at pumunta sa tabi ng bintana para takpan ang picture na nakalagay dito, hindi ko yun nakita habang nag lilinis kaya na curious ako.




"Lalapitan ko sana siya ng bigla kong nakita buong katawan niya" natulala ako ng ilang sandali, hindi din agad ako nakapag salita, first time kong naka kita ng halos hubad na katawan.






SEAS AWAY FROM YOUWhere stories live. Discover now