Chapter 1

2 0 0
                                    

[2009]


Ring! Ring! Ring! Ring!Ring!


Sign ito na uwian na, sakay ng aking bike, pauwi nako sa aming bahay, maraming nag lalakad pauwi.



Ako ay naka tira sa probinsya ng Bicol, bukid lamang ang aming tinitirahan pero hindi ganun kaliit ang aming bahay, hindi din naman ganun kalaki,sakto lang, masaya at payapa dito, malamig ang simoy ng hangin ,maraming nag tatakbuhan pauwi sa kanilang bahay.



Ako ay kasalukuyang grade-10 student, laging may karangalan, matalino, masipag, mabait, syempre gwapo din. Marami kaya ang may gusto sakin.



Sa aking pag bibike, nakita ko ang dalawa sa pinaka maganda kong classmate si KC at Ren, naka upo sila sa isang bench kung saan nagiinatay sila ng sundo ni KC.



Mayaman ang pamilya ni KC, anak sya ng Mayor ,maganda, matalino, tahimik at mabait. Crush ko sya since elementary.



Mga ilang minuto ang naka lipas at dumating na ang sundo niya, sumakay siya sa isang bagong kotse, mukhang bagong bili.



"Oh ano pa hinihintay nyo?sakay na!!" 
nakangiting pag aanyaya samin ni KC.


"Sakay kana Ren, mag bibike nalang ako"  binuksan ko kabilang pinto nung sasakyan upang pasakayin si Ren pero hindi siya dito pumasok.



"Thanks ah, pero lalakad nalang ako, mauna kana KC, kitakits nalang bukas" pinadala nalang ni Ren ang kanilang project upang sa ganun ay si KC nalang ang mag pasa.



Sinara ko ang pinto at nag senyas sa driver na umandar na.



"Bye ingat" kumaway samin si KC bago umalis.


Umuwi na siya, at naiwan kami ni Ren sa bench, mga ilang minuto pa ay nag akit na si Ren umuwi. Nilabit nya ang bag nya at nag lakad na sya pauwi, kinuha ko ang bike ko para sabayan siya .


Pina angkas ko sya sa bike, sakto may upuan akong ginawa. Kinuha ko ang bag nya at nilgay ko ito sa likod ko.


Bago umuwi pumunta kami sa isang lugar kung saan kita ang buong baranggay.



"College na tayo sa susunod, graduation na natin next week, ano plan mo?" nakatingin sakin si Ren habang naka tingin naman ako sa malayo.



"Ewan ko pa eh, sa ngayon wala pakong siguradong plano" .Tinitigan ko sya at umuwias naman sya ng tinggin.



"Sana mag kaka classmate padin tayo next year. Para makasama pa kita"  bigla siyang umiwas ng tinggin at tumingin din sa malayo.



Hindi ko pinansin sinabi nya, at pinagmasdan nalang ang ganda ng tanawin.



Maganda ang pwesto na kinauupuan namin ngayon, mataas na parte ng bundok, madalas dito ako pumupunta dito para mag pahinga, napaka payapa ng lugar, kita sa malayo ang dagat, kita naman sa hindi
kalayuan ang kabahayan.



Pinanood namin lumubog ang araw bago kami umuwi.



Hinatid ko sya pauwi, at umuwi nadin ako samin, medyo magkalayo kami ng bahay pero gabi na kaya mas inuna ko ang kaligtasan niya.


Kinabukasan, araw ng sabado pumunta ako sa bahay nila Ren, isasama ko sya sa bahay ni KC, sakto may projet kami na gagawin ngayon.



Pinapasok nya ako sa loob ng bahay nila , malaki ito at maraming gamit, ibang iba ito sa bahay namin, ganito pala pag anak ng isang politiko.


SEAS AWAY FROM YOUWhere stories live. Discover now