Chapter 6

6 0 0
                                    




[2009]




Kiel Jeron Guerrero!!!

Kiel Jeron Guerrero!!!




"Mr. Kiel Jeron Guerrero, gumising kana, para kang mantika matulog" rinig na rinig ko ang boses niya mula sa kwarto ko. Tahimik to sa ibang tao maliban lang saming dalawa ni Ren. Ang ganda ng boses niya lalo na pag sumisigaw. Pero nangako ako sa sarili ko, bawal ako mainlove.




Binuksan ko ang bintana ng kwarto ko bago sumigaw,



"Teka, sandali, kakagising ko lang"



Binuksan ko ang pinto ng bahay namin, malinis ito at sakto lang ang laki, hindi gaanong maraming gamit pero sakto lang.




Sinalubong sila ng papa ko at pina upo sa sofa, binuksan ko naman ang TV at tinutok ko sa kanila ang electric fan. Tiles ang sahig namin at maliwanag din ang pintura. 2nd floor din ito pero hindi ganoon kalaki.




Si KC at si Ren lang ang nakita kong pumasok, nagtaka ako kung sino nag drive nung kotse, eh hindi naman si KC marunong mag drive nito.



Naka hubad ako ng damit habang may naka lagay na tuwalya sa balikat ko. Lumabas ako saglit at may nakitang lalaki sa loob ng kotse. Sa hindi kalayuan, may nakita akong babae na naka hawak sa alaga kong aso.




"Shit!!!, siya ba si Hana??"




"Gagi, wait, teka, takte ang ganda"



Hindi ko alam gagawin ko lalo't magkalapit lang kami.



Tumingin siya sa akin at ngumiti, tumakbo sa akin ang alaga kong aso bago ako tumungin sa sarili ko, shit!, topless pala ako, ang dugyot ko, kakagising ko lang pala at hindi pako naliligo. Ang gulo ng buhok ata baka may muta pa ako.



Ngumiti ako sa kanya bago ko tinakpan ng tuwalya ang katawan ko, ngumiti muna ako bago tumakbo papasasok para maligo.


Habang papunta ako sa CR, narinig ko si KC na sinabihan akong mag suot ng orange tshirt, hindi ko alam kung para saan pero sinunod ko nalang.




"Umay nakakahiya yung itsura ko"




Wala pang 10 mins, nakaligo na ako, nakabihis na din ako, naka orange t shirt lang ako at black short , nag suot ako ng rubber shoes bago nag pa bango, inayos ko lang ng kunti ang buhok at yown pogi na ulit ako. Kinuha ko ang gitara ko bago ko sila inakit na lumabas.



Naka abang sa labas si Hana habang nilalaro ang aso ko, mabait naman ang aso ko dahil mana ito sa amo.



"Do you like dogs?" KC asked her


"Yes" maikli lang sagot niya pero kinilig padin ako dahil maganda boses niya.


"Arf, arf arf," tumahol ako ng parang aso bago naglakad.


Nakita ko siya tumawa sa ginawa ko bago sumunod na din patungo sa kotse.


"Saan tayo?" tanong ko.

"Beach" sagot ni KC.

"G"


Binukas ko muna ang pinto sa likod para makapasok sila. Nasa loob naman na nito yung driver, teenager padin to at maputi, mas malaki sa akin pero mas gwapo padin ako. Hindi ako papatalo.



Gagi, bawal ko landiin si Hana, manililigaw niya ata ito, baka bigla nalang ako awayin.
Seyoso pa naman ang mukha.



"Mr. Guerrero, this is kuya Felix and this is Hana" pinakilala ni KC sakin ang pinsan niya at yung isa pa nitong kasama.


SEAS AWAY FROM YOUWhere stories live. Discover now