Chapter 3

2 0 0
                                    







"Best Science, best in English, best in Edukasyon sa pag papakatao, best in TLE
Kassy Chakira Talento "nag palakpakan ang mga tao matapos makuha ni KC ang apat na best sa subject. Proud ang papa niya habang sinusuotan siya nito ng medal.



"Best in Math, best in Ap, best in Filipino, Kiel Jeron Guerrero, " syempre hindi ako mawawalan, pangalawa kaya ako sa pinaka matalino. Nag palakpakan ang mga tao habang sinasabitan ako ng medal.




Best in MAPEH, Best in Tle, Rea Jean Mateo, umakyat si Ren sa stage kasama ng kanyang magulang, muling nag palakpakan ang mga tao. Binigyan ko siya ng dalwang thumbs up at nginitian, gumanti siya sakin ng ngiti habang humarap siya sa camera upang kuhaan ng litrato.




Deserve namin ang karangalan na ito, first honorable mention si Ren, salutatorian naman ako at valedictorian si KC, manghang mangha ang mga tao tuwing nababangit ang aming pangalan sa entablado. Halos lahat ng magulang ay proud sa lahat. This is the day we advance to the next stage.



Marami ang naiyak sa speech na ginawa ni KC lalo pa nung kami ay kumanta.



Natapos ang graduation na may ngiti sa aming mga labi, lalo na at ilang buwan nalang ay tutungtong na kami sa kolehiyo.




"Picture" tumingin kaming tatlo sa camera at nag pose ng kanya kanya.




Nakipag kamay kami sa ibang students at nag pasalamat sa mga guro.



Siguro ito na ang pag kakataon ko para umamin kay KC, yayayain ko siya lumabas mamayang gabi, sana magustuhan niya ibibigay ko. Naka ngiti ako habang nag paplano ng aking gagawin sa isasagawa kong pag amin.



Sumakay na si KC sa kotse upang umuwi, nag handa kasi ang pamilya niya bilang pag pupunyagi sa karangalang natanggap.



Sakay ng tricycle, umuwi nako sa amin, nag bihis lang ako ng white sweater at black short, nag ayos ng mukha at nag pabango, nag paalam ako sa papa ko bago ako umalis.




Sakay ng scooter, nag tungo ako sa bahay nila Kc, inimbitahan niya ako upang sabay naming ipagbunyi ang mga natanggap naming karangalan. Nauna na si Ren sa bahay nila Kc, naghinto muna ako sa isang tindahan ng bulaklak at mga alahas malapit sa tabing dagat. Bumili ako tatlong pirasong rosas at isang gintong kuwintas. Nilagay ko ito sa bulsa at pumunta sa baywalk upang doon muna ay mag pahinga.



"Uhm, KC, matagal ko na itong gustong sabihin, pero nahihiya ako, uhm, wait, uhm" shit hindi ko alam sasabihin ko. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ito o hahayaan nalang.




5 pm na kaya dumeretso na ako sa bahay nila KC, wala masyadong tao since ilang classmate lang inimbitahan niya. Pumasok ako sa loob nito at nakita ko siya, she was wearing a denim pants at white t shirt na naka tuck in, kitang kita ang hubog ng katawan niya, sobrang ganda niya, ibang iba siya ngayon. Mas lalo pa akong kinakabahan .Lumapit ako sa kanya ng bigla akong hinatak ng isa kong classmate para bigyan ng shot, nag "thank you' nalang ako pero hindi ko yun tinangap, wala kasi akong balak uminom at may plano akong gagawin.




"Ang ganda mo..... Uhm..."



Hindi niya iyon narinig dahil sa ingay ng sounds sa loob, hinatak niya ako sa second floor ng bahay nila at pumunta kami sa terrace, ngayon kami dalwa nalang ang tao, naka tinggin kami sa malayo habang nag uusap.



"Mukhang hindi ko kaya sabihin to" sabi ko sa sarili ko.


"Congrats" naka ngiti ko siyang binati, ngumiti naman siya sakin at binati din ako.



SEAS AWAY FROM YOUWhere stories live. Discover now