Chapter 7

3 0 0
                                    







Naka isang case na kami ng beer bago ako kumanta, ako nadin ang nag gitara para sa kanila.




Tumingin din ako kay Hana at nakita ko siya nakatingin din sa akin kaya mas ginalingan ko pa, nakita ko siyang may binulong kay Ren na siya namang dahilan kaya napatawa siya.




" Tikman niyo luto ni Khiel, ang sarap"





Inabot ni KC ang plato sa dalawa bago nila ito tinikman, napa ngiti si Hana nung natikman niya ito.


Inabot ko ang isang boteng beer kay Felix at tinanggap naman niya ito.



Nagpatuloy ako sa pg kanta hanggang sa may nakita akong patak ng luha sa mata ni KC.



"May problema ba?"



"Wala naman, continue"




Tiningnan ko si KC at inabot ko sa kanya ang panyo kong dala bago nag patuloy ulit.





8 na nang gabi kaya kinuha ko ang tent at itinayo ito sa tabi nang dagat, nag sindi nadin ako ako ng apoy para sa gagawin naming bonfire.



"Infairness ang sarap ng luto mo ahh"




Nagulat ako nang biglang lumapit sakin si Hana, hindi ko siya napansin.




"Hindi ba maalat or ma...."




"Masarap nga" hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko at binati na naman ang luto ko.




" Thanks "ngumiti nalang ako sa kanya.




Inabot niya sa akin ang dala niyang beer at sabay kaming uminom. Mild lang ito kaya hindi siya nakakalasing.



" Thanks ulit"




Pinipigilan ko ang sarili ko na mainlove ulit dahil ayaw ko na ulit ma reject pa, kahit nagagandahan ako sa kanya hindi parin ako aamin dahil baka matulad lang to dati.




"Btw , bf mo?" Tumingin ako sa kanya habang tinuro si Felix.



"Huh?, you don't know?"


"Bakit, kayo na ba? "


" Kapatid"



Natatawa siya sa akin habang natulala ako sa sinabi niya



" Shit, hindi ko ata nagalang kanina" napag  isip isip ko ko habang naka tulala.



Na guilty ako nung nalaman kong mag kapatid pala sila.



" Thanks sa pag assist samin ahh" tinapik niya ang balikat ko bago bumalik sa cottage.


Tumagilid ang ulo ko at nagtataka sa sinabi niya. "Assist?"



Tinawag na niya ang mga kasama namin para mag simula na kaming mag bonfire.


Nag paikot kami at kanya kanyang may hawak na stick, gitara ang hawak ko kaya si Ren nalang pinag ihaw ko nung akin, siya na din ang nag subo nito kaya nag mukha tuloy kaming mag jowa.




Nakita ko ulit na bumulong si Hana kay KC, na siya na namang dahilan kaya ito napatawa. Maayos naman kanta ko at walang mali, ewan ko kung saan sila natatawa.




Nasa gitna ako ni Ren at KC ,katabi naman ni Ren si Felix, at si KC naman ay katabi si Hana, napapagitnaan ni Felix at KC si Hana, at naka formation kami ng bilog.



SEAS AWAY FROM YOUWhere stories live. Discover now