CHAPTER 12:

2.2K 134 7
                                    

Sa tagong eskinita. Mayroong isang babae na nakangisi habang minamasdan ang mga naglalakihang mga lalaki.

"Patayin nyo 'yan. Kailangan walang makakaalam sa sekretong ito. At ayaw ko na mangyari ito."

"Yess boss."

"Noted boss.'

"Bilisan nyo patayin nyo na yan at sunugin. Wala ng makakaalam ng sekretong ito."

Sumipol-sipol na naglalakad ang dalaga habang nakatingin sa kanila.

"Paano ba yan may isa pang nakakaalam."humalakhak ito na parang baliw sabay akto na ginigilitan ang leeg.

"Sino ka? At ano ang ginagawa mo dito bata."nakangising sabi ng boss.

"Napadaan lang slash naligaw."

Nagsitawanan silang lahat dahil sa sinabi ng dalaga. Kahit nanghihina ang lalaking puno ng pasa at bugbog pinilit parin nitong ibuka ang mata. Nakita nya ang taong nakahoddie hindi nya masyado maaninag ang mukha dahil nakatayo ito sa ilalim mg ilaw.

"Bata kong ako sayo tumakbo kana."

"Pano kong ayaw ko?"

"Edi mamatay kang kasama ang lalaki ito."nagsitawan ulit sila. Tumingin ang dalaga sa likod at nakita ang lalaki na nakahiga sa lupa.

Napailing-iling nalang ng dalaga at ibinato ang baril na walang laman sa boss. Nagsialerto sila dahil sumigaw sa sakit ang amo nilang may pasa na sa noo.

"Bat mo ginawa yon?"pagalit na sigaw ng boss. Tumakbo ang dalaga ng ipinutok ang baril.

Sinundan siya ng armadong lalaki hanggang sa umabot sila sa mabahong bakuran.

Tumigil sa pagtakbo ang dalaga at tumingin sa lalaking nakangisi na ngayon.

"Tsk... tsk.... kung ako sayo magmakaawa kana bata. Ilang segundo nalang patay kana."tumigil sa paglalakad ang lalaki at tumawa ng malakas.

"Sa tingin mo mahuhulog ako sa simpleng patibong na ito?"nawala ang ngisi sa labi ng dalaga dahil sa sinabi ng lalaki.

"Ano ako ba—aahhhh."sigaw nito ng humakbang siya pakanan. Nakaangat na sa ngayon sa ere ng pabaliktad.

Mas lalong lumaki ang ngisi ng dalaga ng makita nitong puputulin na sana ang tali ng isang mabilis at matulis na bagay ang papatama sa leegan ng lalaki.

"Pano bayan. Nahulog ka sa simpleng patibong."

Kinuha nya ang baril at ang iba pang armad na nakatago sa loob ng damit. Saktong papatapos na sya ng magsidatingan ang apat na kasamahan nito.

"Boss." Sabay nilang tawag sa boss nilang halos mawalan na ng malay. Dahil kunting galaw lang nya ay siguradong tigok na siya.

"Kung ako sa inyo wag na kayong lumapit."sabay paputok sa mga kamay at binti nila. Sumigaw sila sa sakit.

Ibinalewala ko nalang iyon at umalis na. Hindi kona binalikan si Chester dahil alam kong nakuha nya na ito.

Pagtalon ko sa baba nakita ko kaagad si Pedro na akay-akay si Chester. Tinulongan ko syang ipasok sa loob si Chester na ngayon at wala ng malay na nakahiga sa backseat ng taxi.

"Maam Keith. Sigurado ka po bang ayos lang po sya." Turo nya sa lalaki. Tumango ako at pumasok sa loob ng taxi.

Habang nakasakay kami tiningnan ko si Chester sa likod gamit ang rearview mirror.

"By the way Pedro. Why did you come back?"

Nahihiya syang tumingin saakin.

"Ah ano po kasi maam. Nag-alala po kasi ako sa inyo."

"Oh is that so. Well thanks you did a great job. Salamat sa pagbungkal ng lupa. It really helps."

"Ay nako wala po iyon. Magaan lang po iyon alam nyo po kasi ganoon ang ginagawa ko sa bukid."napatango ako sa sinabi nya

"Ano ma'am saan po kayo bababa?"

"Doon kong saan mo ako unang nakita."tumango siya.

Ilang minuto ang lumipas ng makita ko ang mataas na pader ng mansyon namin. Una akong bumaba kasunod siya.

"Ikaw muna ang bahala sa kanya. Bibigyan nalang kita ng pera pang ospital."binigay ko ang pera sa pitaka ko pati narin ang calling card. Good thing I brought enough money.

"Sge po maam."

"Kung may tanong ka. Tawagan mo nalang ako."

Hinintay kong makaalis ang sasakyan niya. Nang makita kong malayo na ito ay sinimulan ko ng akyatin ang mataas na pader.

Nagmala ninja muna ako at pinakiramdaman ang paligid kong may tao ba o wala. Nang makasiguro ako dali-dali akong pumasok sa kwarto ko.

Nagbihis agad ako ng damit dahil may putik at amoy bulok na ang damit ko.

Napatingin ako sa cellphone ko ng makita may nagtext.

09*********

Ma'am, nandito na po kami sa ospital. Pinapatanong po kong ano ang pangalan ng pasyente.

Si Pedro po pala ito.

Agad ako ng tipa ng sagot.

To:Pedro

Just tell them you saw him in the street laying unconscious.

Hindi kona tiningnan ang text nya at humiga na sa kama.

Ngayon may sumusunod saakin. Nagmamatyag sa bawat kilos ko. Ang tanong sino? Isa bato sa tauhan na gumawa kay Keith anim na buwan na ang nakakalipas?

Ipinikit ko nalang ang mata ko dahil naramdaman kong sumasakit ito ngayon.





The Reincarnation of the Assassinssassin's as a Mafia Lord DaughterWhere stories live. Discover now