CHAPTER 19:

1.9K 122 22
                                    

Chapter 19:

"Alam mo ba kung ano ang ginawa mo? Kidnapping to Mr. President ng paaralan namin."

"You're too loud and can you stop punching me, you're a distraction in driving." malamig niyang sabi.

"Wow, ang harsh. Kasalanan ko bang binuhat mo ako?" Nakahalukipkip kong sabi.

Hindi niya ako pinansin nakatoon lang ang tingin niya sa daan. At dahil ipinanganak akong daldalera sabi ng lola ko noon. Dinaldalan ko siya kahit hindi niya pa ako pinapansin.

"Hoi sa'n mo ba ako dadalhin? Pag hindi ka nagsalita tatalon ako." nakaturo kong banta sakanya.

Nang parang wala siyang planong magsalita. Binuksan ko ang pintuan at ng kotse at walang pagdadalawang isip na tumalon. Pero bago kopa naramdaman ang magaspang na kalye isang magaspang na kamay ang humawak sa bewang ko. Halos isang pulgada nalang ang pagitan para maghalikan kami ng ng kalye. Palihim akong ngumisi dahil alam ko naman talaga na hindi niya ako hahayaang mahulog katulad ng nangyari sa totoong Keith.

Pinigilan niya rin ito ng may balak itong magpakamatay.

'hays, kung sana ikaw nalang ang totoong male lead sa kwento.'

"What the fuck are you doing?" kahit galit ang boses nito hindi parin nagbabago nagkaroon ng reaksyon ang mukha nito.

"Sabi ko naman sa'yo na pag hindi ka magsasalita ay tatalon ako." nakangite kong sabi.

Hindi ko alam kong namamalikmata ba ako o hindi dahil sa unang pagkakataon nakakita ako ng emosyon sa mukha niya. Emosyong hindi makapaniwala.

"Tsk, my mom wants to see you." umaayos muna ako ng upo bago tumingin sa kanya.

"Bakit naman gusto akong makita ni Madam Jackie?"

"Don't know."

Napairap ako dahil sa klase ng sagot niya.

"Geh basta gisingin mo ako pag nasa bahay niyo na tayo."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at ipinikit ko na ang mga puyat kong mga mata.

Nakaramdam ako na may mahinang tumapik saakin. Unti-unti kong iminulat ang talukip ng mata ko. Bumungad sakin ang nakangiteng mukha ng isang kasambahay. Nakangite itong nakatingin saakin.

"Ma'am mabuti po at gising na po kayo."

Inilibot ko ang paningin ko at napansin nasa sasakyan parin ako ni Ahdel.

'Yong gago na iyon hindi man lang ako ginising.'

"Kanina pa po ba ako dito? Nasaan po si Ahdel?"

Hinay hinay akong bumangon dahil masakit ang sugat ko.

"Nasa loob napo si Sir ma'am."

"Hindi niya po ba ako pinagising?"

Hilaw na ngumite ang kasambahay saka mahinang umiling. " Hindi po. Ang totoo po nyan ako po ang nakapansin sa inyo dito. Maglilinis na po sana ako ng makita ko kayo. Tsaka wala din pong sinabi si Sir na may kasama po pala siya."

Tumango ako sa paliwanag niya.

'that idiot is sure heartless porket hindi ako si Amelia gaganituhin niya lang ako.'

"Ganoon ba, sige kung pwede po sana pwede niyo po bang ituro kung nasaan ang madam. Gusto ko sana siya makausap."

"Yes po ma'am. Nga pala ma'am pagpasensyahan niyo na po si sir maam."

Peke akong tumawa dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko ito papalampasin na hinayaan niya akong makatulog what if naka nga-nga ako natutulog kanina.

"Nandito napo tayo maam." Inihinto niya ako sa living room.

The Reincarnation of the Assassinssassin's as a Mafia Lord DaughterWhere stories live. Discover now