CHAPTER 37: THE MISSION PART (3/3)

515 33 4
                                    

Puro mura lang ang maririnig mo sa itim na SUV dahil sa bilis magpatakbo ni Max.

“Putangina mo Max, Putangina mo talaga. Isinusumpa ko mula sa kanonouan ko na papatayin kitang gago ka.” nahalikan na ni Fiise ang bintana habang ang dalawang kamay niya ay nasa upuan at hinahawakan ang bagay na pwedeng mahawakan niya masuportahan lang niya ang sarili niya.

“Mapapatay talaga kitang hayop ka, tangina ka. Pagnatapos na ito papatayin kita.” marahas na  napabaling ang ulo ni Jane kahit naka seatbelt ito.

Pero hindi sila pinansin ni Max napangise pa ito ng makita ang kalagayan ng dalawa. Bakas ang takot sa kanilang mukha na nakapagbibigay saya niya dahil para sa kaniya siya ang hari ng kalsada.

“Please God almighty. Ayaw ko pang mamatay. Parang awa niyo na.” sabay na sabi ng dalawa.

Sinunsundan sila ngayon ni Daichi na kapwa mabilis din ang pagpapatakbo ng kanilang kotse.

Kahit nauntog na sina Fiise at Jane sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ay parang wala lang ito sa kanilang kasamahan at parang sanay na sanay na sila sa klase ng pagmamaneho ni Max. Ang iba ay binabalanse lang nila ang kanilang katawan masabayan lang nila ang mabilis na indayog sa pag papatakbo ni Max.

Bagot lang nila pinanood kong paano maghalikan ang dalawa sa bintana.

Sabay na napatingin ang tingin nila sa labas ng kotse dahil narinig nila ang pagpapaputok ng mga kalaban sa kanila.

“Hayst, buti nalang talaga at bulletproof ‘tong sinasakya—

Napatigil si Fiise sa pagsasalita ng isang bala ang lumusot sa glass window ng SUV, kong hindi lang sana siya hinablot ni Ella ay malamang sa malamang na tigok na ang maingay na lalaki.

“Diyos ko. Tangina. Max hindi mo ba narinig ang sinabi ko sayo bago magsimula ang pisteng misyon na ‘to Max? Sabi ko gamitin natin ng bullet—

Napatigil ulit siya sa pagsasalita ng mabasag ang salamin ng kotse. Kaya kitang kita na nila ngayon ang mga tauhan ni Daichi na pinapuputukan sila.

“—tangina. Malapit nakong mamatay Max. Puta, tulong. Shit.”

“Tangina mo Fiise. Lumayo ka saking gago ka. Tangina, malapit na tayong mamatay. Bazuka tanginang lalaki yon. Babazukahin tayo. Putangina bilisan mo ang pag papatakbo.” Nagyayakapan na ngayon sina Fiise at Jane at umiiyak dahil sa takot na baka mamatay sila. Pero ang mga kasamahan nila ay wala man lang pake kahit pinapaulanan na sila ng mga bazuka.

Kada putok ng bazooka ay iniiwasan lang ito ni Max medyo na hihirapan pa siya dahil sa hindi siya sanay na ibalanse ang sasakyan dahil sa laki nito at bigat.

Kalmado lang na binuksan ni Agnes ang pintuan at pinapuputukan din sila ng sunod sunod. Pag nauubos naman ang bala niya ay co-cover si Ella at siya ang magpapaulan ng walang tigil.

“Mga gago hinahamon ata ako sa pabilisan. Mga bobo walang makakatalo sakin pag race na ang usapan mga gago.” Malapit na sanang ma hulog si Agnes, isang bruskong kamay ang pumalibot sa mga bewang nito.

Nang lingunin niya ito ay blankong tingin lang siyang tiningnan ng lalaki na ipinagkibit balikat niya.

“Parang torture na ‘ata ito. Mas malala pa ito sa training ko noong pumasok ako sa military. Shit, katapusan ko na ba po? Ni hindi pa po ako nakakahawak ng boobs ng babae lord. Pwede ‘wag muna.” naiiyak na sabi ni Fiise habang yakap yakap padin si Jane na halos mawalan na ng malay dahil mas lalo pang binilisan ni Max ang pagpapatakbo.

Napabangon sa pagkakahiga si Keith mula sa pagkatulog niya dahil sa narinig nitong malakas na pagsabog.

“Too noisy.” walang gana niyang sabi. Napataas ang kilay niya dahil sa kalagayan ng mga kasamahan niya.

The Reincarnation of the Assassinssassin's as a Mafia Lord DaughterWhere stories live. Discover now