CHAPTER 20:

1.7K 102 7
                                    

Chapter 20

Nandito ako ngayon sa loob ng sasakyan ni Ahdel nilalabanan ang antok.

"You should sleep, sleepyhead."

"Tapos pagmulat ng mata ko umaga na, aynako wag na salamat sa offer."

Hindi ko na siya pinansin at itinoon ang tingin ko sa labas ng bintana ng sasakyan. Tall buildings nakita ko pa ang mukha ni Lorde na nasa malaking billboard nakangiti ito ng malaki habang hawak-hawak ang kilalang perfume brand sa mundong ito.

Ilang minuto ang lumipas at nakita ko na ang village ng tinitirhan ko. Tinuro ko sa kanya kung saan doon ang bahay namin. Huminto kami sa tapat ng malaking gate may dalawang guard na nakabantay.

Lumapit ang mga ito sa sasakyan. Ibinaba ko ang salamin ng sasakyan nabigla pa sila ng makita ako na nginitian ko lang. Inutusan ko silang buksan ang gate na sinunod rin nila.

"Sige ihinto mo dito."

Pansin ko ang nakahilerang mga tauhan ng tatay ko. Habang nasa unahan si Keiton at Keiron na parehong seryoso ang mga mukha.

'Shit mukhang masama 'to.'

Tinapik ko si Ahdel sa balikat.

"Dito mo na lang ako ibaba, masama ang kutob ko."

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay bumaba ako.

Hindi nila ako napansin na lumapit sa kanila.

"Padaan."

Lumingon ang lalaki sa akin kumunot pa ang noo nito ng makita ako.

"Teka lang bakit pamilyar ang mukha ng babaeng iyon?"

"Huh? Sinong babae?"

"Iyon oh."

"T-teka lang! Putcha siya 'yon yong anak ni boss."

"Ma'am."

Napitigil ako sa paglalakad ng ramdam ko ang mga tingin nila. Lumunok muna ako ng sarili kong laway bago humarap sa kanila.

"Oh kayo pala yan anong ginagawa nyo sa labas? Vlog ba 'yan? Di kayo nagsabi na mga vlogger pala kayo, sana ol."

Seryosong tumingin saakin ang dalawa kong nakakatandang kapatid.

"Keith." malamig nilang tawag saakin.

"Anong nangyari sa'yo?" si keiron na papalapit na saakin kasunod nito si Keithon na may kausap sa telepono.

'Oo nga pala may daplis pala ako ng bala, deputa naman oh.'

Nakasuot parin ako ng sirang-sirang dress na pinatungan ng nagkukulay dugo na polo ni Ahdel.

"Ah may sugat po ako. Pero wag po kayong mag-alala dahil may betadine namam po sa kwarto ko kung hindi parin kayo satisfied ita-take ko nalang ito ng lola remedious." tumaas ang kilay nila parehas.

"Lola Remidious? What's that a new kind of medicine? tanong ni Keithon.

" yes."

"Sinong may gawa?"

"Si Coco Martin."

Napatalon ako sa gulat ng biglang sumolpot si Ahdel sa harapan ko.

Naging blangko ang mukha ko ng hindi ko maramdaman ang presesnsya nya sa likod ko. Hindi ko alam kong naging kalawang naba ang skills ko oh mas magaling lang talaga si Ahdel.

"You forget it." sabay abot sa phone ko.

"Thank you."

"What are you doing here Young Master Ahdel?"

The Reincarnation of the Assassinssassin's as a Mafia Lord DaughterWhere stories live. Discover now