Past

2K 57 0
                                    

WINTERINS ACADEMY
CHAPTER 2 : PAST

'They're here' I said in my mind habang tinitingnan silang mag impake.

"Papunta na sila dito! Bilisan na natin!" I said sakto namang tapos na sila at dali dali kaming nagteleport at napapunta kami sa forest.

"Bakit tayo nandito?"

"Sorry, nagmamadali na kasi talaga ako"

"Okay lang, tara na"

Tumakbo kami papunta sa loob ng gubat.

Habang natakbo kami'y inalala ko ang nangyari samin dati noong kami'y 13 years old pa lang.

3 years ago

Tumatakbo kaming apat nila Nath sa isang alley dahil naligaw kami.

"Nasaan na ba tayo? Gaga ka kasi Phia kung saan saan ka pumupunta" saad ni Jea.

"Sorry naman, may nakita kasi ako sa likod ng poste noon tapos pagtingin ko wala na kaya hinanap ko, malay ko bang susunod kayo"

"Syempre! Alangang iwanan ka namin noh" sabi naman ni Nath.

"Hindi nyo ba natandaan ang dinaanan natin? Hindi ko namarkahan yung lugar natin dahil hindi pa ako sanay sa kapangyarihan kong bago" sabi ko sa kanila.

May kapangyarihan kasi ako na magteleport, naunang mag awaken yung power ko at mga ilang araw naman silang tatlo. 10 years old kami yata kami non.

"Hey! You!" Biglang sumigaw si Phia at binilisan ang takbo nito.

"Hala! Ganito pala katibay stamina ko, now ko lang nalaman"

"Syempre! Lagi tayong nagsasanay noh"

"Tara na"

Sinundan namin si Phia at nakita naming lumiko sya kaya naman lumiko kami at sinabayan sya.

Ngunit kami yata ang nacorner dahil dead end na ito at wala man lang katao-tao dito, madilim rin.

Minarkahan ko ang tinakbuhan namin just incase na may mangyari.

Bigla na lang pinasok ni Phia ang kamay nya sa wall na ito at nagulat kami nang tumagos ito kaya nagkatinginan kami.

"Wait! Nakakahingal mga teh, wala bang pahinga?" Reklamo ni Nath.

"Tara na Nath" sabi ni Phia kaya wala namang nagawa si Nath.

Pumasok kami sa lagusan na ito at bumungad samin ang madilim pero magandang paligid. May mga bahay at castle dito.

WINTERINS ACADEMY: SCHOOL OF MAGICIANS (COMPLETED)Where stories live. Discover now